halos ganyan lahat ng mga road projects ng DPWH ngayon, kahit dito sa amin (davao), tinataasan nila ang kalsada para hindi bahain. hindi nga naman babahain ang kalsada kasi may mataas na siya compared sa mga structures sa gilid. in short ang babahain is yung mga bahay na nasa gilid ng kalsada kasi mababa na
since wala naman magawa mga tao, no choice kundi taasan din nila ang flooring nila. yung may pera pero mostly walang pang gastos, pumapasok talaga tubig pag malakas ulan (and take note hindi rin papasok sa canal yung tubig ulan kasi yung butas ng kanal kasing level ng kalsada (if ever man na ginawan din ng canal kasi yung ibang nakita kong bagong gawang kalsada walang drainage na kasama)
i think sa marikina ata yun, tumanggi ang local government sa plano ng DPWH na ganito (yung tataasan nila ang kalsada). buti pa sa marikina, the local government alam na hindi ito ang dapat na solusyon