Kung yung nakalagay sa specs na pinost mo yung mismong PSU na nakakabit, kakailanganin mo din magpalit ng PSU kung gusto mo ng high midrange pataas na VC. Pero kung di mo trip magpalit ng PSU at di ka naman masyadong metikuloso sa graphics - yung tipong lahat ng lalaruin mo gusto mo naka Ultra, kung ayos na sayo kahit high, pinakasafe mo na siguro pwede ikabit HD 7750. Check mo lang pag bumili ka kung yung bibilin mo kailangan ng auxiliary power kasi meron atang version na kailangan (yung mga factory overclocked siguro). Bilin mo yung normal/di kailangan ng auxiliary.