Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo  (Read 18063 times)

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« on: June 24, 2015, 03:48:55 pm »
Hi Co-Spies,

Options:
1. Makipag break
2. Cool-off muna? (para malaman mo kung gusto mo pang ituloy?)
3. Makipag usap at makipag ayos.

Mga 3 years na kami ni GF, 2 years living together. I'm 33, she's 22. May ups and downs ang relationship as normal na nangyayari. Pero currently, hirap syang mag stay lang sa bahay at madalas syang nagkukulong sa kwarto kasi ayaw nya ang feel nya sa Tiyahen ko. Kasi si Tiyahen, di sya type para sakin. Ako tapos nang pag aaral, may maayos na trabaho (office work) like Manager sa Bangko at this age. Tapos sya, 2 years lang tinapos.

Di ko sya mapag work kasi maliit lang ang sahod, and as-in hirap syang makahanap ng work na gugustuhin namin kasi hindi sya marunong mag english. At medyo di talaga sya ganung ka competetive na tao. Just saying para alam natin ang feel ng sitwasyon.

Ang mahirap lang, kahit naman ikaw, ako, o kahit sino, kung lagi lang sa kwarto, nakaka buryong. Pero, di ko naman kasalanan yun eh. Ginagawan ko nang paraan. Bumili nako ng French Bulldog, dalawang Siamese cat, going out palagi like Tagaytay, EK, AceWater Spa, Moa, Ocean Park, expensive resto (napag sawaan na rin), park park etc. wala pa rin, lagi na lang nya kong inaaway sa kaburyongan nya. Inuuwi ko rin sya sa bahay nila, kahit malayo para makapag unwind. Pero pag nabuburyong sya, tatahimik at para akong si Professor X sa pag isip kung ano gusto.

Ang hirap nang ganitong sitwasyon. Kelan ba to matatapos? kelan ba aayos? Tatapusin ko na ba ang relasyon?

Ang akin lang, wala namang problema. Saka walang rason na ako ang pahirapan nya kung hirap sya. Kung nakakaBuryong ang buhay nya, walang tamang dahilan na ako ang pahirapan nya sa pag tahimik nya sa bahay, at todo suyo ako sa kanya. I've been living this life for 2 years already. and my question is, when is the time na makakapag isip naman sya at mag aayos?

Ako, ang iniisip ko, kung ako nasa lagay nya, dapat si Mister ang unang taong iiyakan nya sa hirap ng buhay, hindi yung bibigyan nya nang tantrums at pahihirapan.

Additional Details: di kagandahan ang pamilya nya, ang tatay nya, namatay 2 years passed. Okay kami ng Dad nya, kaya sya ay nasa saking poder. Ang papa nya, may unang asawa at may anak dun. sya ay anak ng papa nya sa pangalawang asawa. Si mami nya, may pamilya nang sarili. ang asawa ni Mami nya, minamanyak sya. Si lola nya, na kasama nya nung panahon na buhay ang papa nya, binubugaw sya na magBF at magpakasal sa may pera pag hindi ako ang BF nya, nangyari yan pag nag short break-up kami.

Ako, nung time na nag break kami dati, nagpakita si Lord ng Sign na bumalik ako sa kanya. As-in, nananahimik na lang ako sa buhay ko, walang GF, tapos binalita sakin ng kakilala nya na nakikipag kita nanaman sya sa Ex nya na nangGugulpi sa kanya dati. kaya nanakit ang aking puso at di kinaya. Nung nagkita kami ulit, may iba pang guy na niloloko nya lang, at napaaway ako. Di na lang ako nag isip at sinunod ang puso ko. Nakipag balikan agad, kasi di ko tanggap na ginagago nya ang buhay nya pag wala ako.

Ako end game, pag hindi na kami, mapapariwara ang buhay nya. Lalapit ang mga lalakeng, di ka ayusan, kasi di rin naman sya ma-utak eh... I feel guilty pag ganyan ang nangyari.

Bat kasi, ako na ngang ginagawa lahat ng magagawa ko para sa kanya, ganyan pa sya. Ilang beses ko na syang tinanong, bat sya ganyan, ang sagot, di nya rin alam. Pag tinanong mo kung mahal ka nya, sasagot naman sya nang Oo. Pag wala ka, mahal na mahal ka nya.

Isa pang detalye. Kung ikaw man o ako o kahit sino mapunta sa sitwasyon nya, pinalaki na hindi marunong sa buhay dahil bwisit na pamilya nila, ang iniisip lang sa anak eh makapag japan o makahanap ng may perang ng BF/GF. Di ka pinag aral ng maayos. Di ka tinuruan nang pagsisikap. At dahil nga broken family pa sya, broken rin ang isip ng ganitong tao. I feel her...

Kayo, ano ang mapapayo nyo? ano ang hakbang na itetake nyo kung kayo nasa sitwasyon ko? Please provide details and reasonings. In case na nakaka Relate kayo, wag mag atubiling iType ng mahaba at talaga namang tatanawin ko tong malaking tulong at ako naman makikirelate sa sitwasyon nyo at eCocompare sa sitwasyon ko.

Kung ako, makikipag break. Mananahimik muna ako sa buhay ko...

godo12345

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 979
  • Karma 49
  • Gender: Male
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #1 on: June 24, 2015, 08:12:55 pm »
Baka gusto ng anak. Pero kung ako lang, hihiwalayan ko na yan. Sayang kasi ang oras mo sa mga taong ganyan, walang plano sa buhay, walang direction sa buhay.

Kaya ka lang naman nag sstay kasi naaawa ka sa kanya diba? mahirap talaga humiwalay lalo na kung may emotional attachment kana sa kanya.  i've been there and there came to a point in the duration of my relationship where everything she do is annoying rather than being adorable. It's hard to leave when you know what would happen to her: she depended on you so much her world would shatter if you leave her. And that you feel obligated to take care of her kasi ikaw ang mas nakaka angat.

I had to cheat and force myself to move on, and i'm happy now. we still see each other just for sex.

Etong pagshshare mo dito sa espiya, take this as a sign na puno kana and dapat ka nang mag move on sa buhay mo na hindi siya kasama.

Maganda ba yang GF mo, pikapika?  ;D

jason

  • Pioneer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 181
  • Karma 17
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #2 on: June 24, 2015, 08:39:39 pm »
I usually dont post here but...

I say: Leave her

The way I see it, hindi love yan, its more like pity and you feel na ikaw ang solution sa mga shortcomings ng buhay niya. Well, you are not. You are even making the situation worse.

Why?

You mentioned ginawa mo na lahat, binigay mo na lahat and yet... lahat ng yun na ginawa mo for her aint making her a better person. Infact it is making her feel worse about herself. The way I see it, may inferiority complex siya.

You also mentioned na nakipag kita with some other guy, bumalik sa ex na nananakit? Yeah well, YOU to HER is SHE to HER EX.

Yun bang.. she deserves a better person than her ex and that is you. And you deserve a better girl than her. Bottom line is, hindi ka si Rizal, wag magpaka hero coz you aint one. Assess mo lahat ng situations. Are you going for the better or worse. It needs 2 to tango.

If you noticed I didn't mention her family and background, yeah well, hindi niya kasalanan nagkaganun family niya. Buuuuuut, isa rin yun sa factors but ganyan siya now.

I hope you find peace, brother. Assess, Evaluate the situation and Act accordingly.
« Last Edit: June 24, 2015, 08:41:50 pm by jason »

Ilonggo-by-blood

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1445
  • Karma 37
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #3 on: June 24, 2015, 09:34:15 pm »
feeling ko subrang maliit lang ang T#T* mo! well its fine life goes on!  ;)

kenji_kulet

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5529
  • Karma 461
  • Gender: Male
  • Special Skills: kalabit penge gang , taga jumper ng kuryente , sipsip gas at mang-buriki ng bigas
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #4 on: June 24, 2015, 09:36:40 pm »
TS kaya di outgoing ang GF mo kahit tambakan mo pa ng ilang libong aso at pusa yan

kung di kayo naka bukod ng bahay wala din , usually di mo magagawa gusto mo kung gusto mo maghapon naka hilata then so be it kung nasa sarili kang bahay

malamang yun ang problema bakit di sya lumalabas ng bahay nyo o di sya active

tandaan mo 22 lang ang GF mo nasa stage pa yan ng gimikan with friends , hindi sya ibon na ikukulong mo lang

mahirap kasi ng palagi nalang may pupuna sayo O kahit na walang pumupuna sayo mahihiya ka rin sa tinitirahan mo na bahay

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #5 on: June 24, 2015, 09:44:46 pm »
Baka gusto ng anak. Pero kung ako lang, hihiwalayan ko na yan. Sayang kasi ang oras mo sa mga taong ganyan, walang plano sa buhay, walang direction sa buhay.

Kaya ka lang naman nag sstay kasi naaawa ka sa kanya diba? mahirap talaga humiwalay lalo na kung may emotional attachment kana sa kanya.  i've been there and there came to a point in the duration of my relationship where everything she do is annoying rather than being adorable. It's hard to leave when you know what would happen to her: she depended on you so much her world would shatter if you leave her. And that you feel obligated to take care of her kasi ikaw ang mas nakaka angat.

I had to cheat and force myself to move on, and i'm happy now. we still see each other just for sex.

Etong pagshshare mo dito sa espiya, take this as a sign na puno kana and dapat ka nang mag move on sa buhay mo na hindi siya kasama.

Maganda ba yang GF mo, pikapika?  ;D

100% true lahat sinabi mo Chief...
hmm, sama mo na rin sa maganda si GF :P (for me lang ah, kasi di naman pang labang ellen adarna o maja blanca ang datingan).

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #6 on: June 24, 2015, 09:53:16 pm »
@kenji- di naman kailangang bumukod talaga. kasi ako na rin ang may ari ng bahay in some ways. kasi wala naman parents ko. sakin pinamahala ang bahay. nagkataon lang nandun ang auntie ko. pero ako nasusunod sa bahay. kasi ako halos lahat nag babayad, from amilyar, bahay repair, grocery, kuryente, tubig, cable internet. kaya walang tumatabla sakin sa bahay. let's just say na si auntie, hindi makapangyarihan, nagkataon na yung care nya sakin, hindi nya nakikitang type nya si GF :-(

- at the same time chief, di ko naman sya kinukulong. wala naman sa dugo ko ang possessive. I've been a very very babaero. nagkataon lang na nag retire nako sa gawaing yun. kasi magastos, and medyo naubos ko na rin ang ligalig ko. di na taglaway.

- si auntie lang naman ang nagpaparandam ng ganun sa kanya. isang auntie.


@jason - tama naman ang mga payo mo chief :) salamat rin.

to: @godo, @jason, @kenji, at pati na rin si @ilonggo. salamats :P hehehe. I greatly appreciate your reply.
++di maliit si Hitler :P hehehe...

more payo pa.

호밀 크루즈

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 626
  • Karma 65
  • Gender: Male
  • Hanggang di mo naiintindihan, 'wag mong huhusgahan
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #7 on: June 24, 2015, 10:21:23 pm »
Bumukod kayo. Yung kayong dalawa lang talaga. Mag rent ka ng apartment para sa inyo or kaya naman si auntie ang ipagrent mo. Baka kasi naiilang talaga si GF mo. Ang tanda tanda mo na at kung tutuusin parang isang family na kayo (though wala pa kayong anak), tapos may kasama ka pa sa bahay. Opinion at suggestion lang naman po.
DESTINY is not a matter of chance...It is a matter of CHOICE.

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #8 on: June 24, 2015, 10:34:42 pm »
Bumukod kayo. Yung kayong dalawa lang talaga. Mag rent ka ng apartment para sa inyo or kaya naman si auntie ang ipagrent mo. Baka kasi naiilang talaga si GF mo. Ang tanda tanda mo na at kung tutuusin parang isang family na kayo (though wala pa kayong anak), tapos may kasama ka pa sa bahay. Opinion at suggestion lang naman po.

Chief, ang parents ko, nasa u.s. na. ako, inaantay ko lang magkaVisa (kahit matagal), para makasunod, then saka ko pakakasalan si esmi, that's the plan.

sila auntie, bali may sarili silang bahay sa ibang city (metro-rin), pero napunta sila sa bahay dahil yan ang gusto ng parents ko, gusto nila may nakakakita kung kamusta ang mga anak nila.

ganito yan, dati, nag dodorm lang ako, bali umuwi ako, dahil wala nang titira sa bahay namin kasi umalis na rin ang kapatid kong nakatira dun dati, nangibang bansa na. napag usapang ako ang babalik sa bahay kasi di pwedeng walang mag take over na hindi anak.

in short, di ako pwedeng umalis ng bahay. kasi amin yun. akin rin yun. infact, nasa name ko na rin sya with my brothers din (joint). di pwedeng papalayasin ako sa bahay ko. di ako matatabla sa bahay ko. at responsibilidad ko ring nasa bahay.

pero i get your point talaga chief. nagpapasalamat rin ako sa effort nang pag reply. ang case is, dapat ko syang ilayo kung talagang gusto kong ituloy... pero the situation ko lang talaga chief is hindi pwedeng ako ang pinapalayas sa bahay na akin kapalit sa isang auntie ko lang.

jason

  • Pioneer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 181
  • Karma 17
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #9 on: June 24, 2015, 10:51:08 pm »
Nothing wrong with magsarili, infact that is the right and best move. It is also Biblical.

But based sa mga sinasabi mo, PWEDE DIN NATIN OR HINDI masabing na ugali na talaga ng "Mrs" mo yan. Medyo confused pa kung ano gusto sa buhay. Kasi at age 20 to 25 party party at barkadahan pa trip nila. Whilst ikaw naman eh with directions and goals na.

Pwede din naman na... kahit anong angle mo titignan, kahit tumira pa kayo at kayo 2 lang sa condo, mansion, apartment, condotel, hotel, boarding hauz eh kung ganun pa rin ugali. Aba ibang usapan na.

Kasi based din sa sinabi mo, 1 angle lang ng story yun pagkukulong niya sa kwarto, kasi nandiyan Tita mo. So it is safe to assume, meron pa ibang angle. Let's say, tangalin sa equation si Tita, will it guarantee a change? or may pagkakaiba ba talaga na malaking bagay? :)


KaMushroom

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1648
  • Karma 24
  • Gender: Male
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #10 on: June 24, 2015, 11:28:19 pm »
2 yrs lang ang natapos niya, 22yrs old palang siya
ang tingin ko lang na makakaangat sa tingin niya sa sarili niya eh if makakakuha siya ng degree.
Kaya mo ba siyang pagaralin?
Anong course ba kinuha niya? Sec. course? baka macredit yan if nag BA siya?

Feeling ko eto ang kailangan niya. Kung talagang mahal mo siya at hindi lang AWA iyan. Pilitin mo siyang magtapos. Makakahanap siya ng better job. Tataas self esteem niya.
Matatangap yan ng auntie mo.

So either magtuloy siya ng studies at istraight niya, or hiwalayan mo na.
Make her decide right now habang maaga pa.
.

kenji_kulet

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5529
  • Karma 461
  • Gender: Male
  • Special Skills: kalabit penge gang , taga jumper ng kuryente , sipsip gas at mang-buriki ng bigas
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #11 on: June 25, 2015, 01:14:54 am »
syempre nahihiya rin sya sa tita mo kahit bahay nyo yan , may mga times din siguro na gusto nya tumanggap ng bisita pero di nya magawa dahil ayun nga nandyan ang tita mo

kahit na good terms silang dilawa may ilag parin ang gf mo dahil una bata sya sayo ng sobra , makikita sya ng tita mo na kasama yung mga barkada nya sa bahay nyo

natatakot lang siguro GF mo na may maling masabi o mis-understanding na mangyari sa bahay nyo



FerminaDaza

  • Be your own Adviser.u know.and i know u know.I know because we all know.There's no getting away w/it.
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6529
  • Karma 514
  • Gender: Female
  • My only aim is to help, not convince.
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #12 on: June 25, 2015, 04:08:25 am »
Hi Co-Spies,

Options:
1. Makipag break
2. Cool-off muna? (para malaman mo kung gusto mo pang ituloy?)
3. Makipag usap at makipag ayos.


Kung ako, makikipag break. Mananahimik muna ako sa buhay ko...


Can i answer your question with a question,pikapik? ;D

Q: Are you happy?

I mean mas lamang ba yun happy moments sa pagsasama nyu? or Do you feel drained all the time?

KASI, nothings worth if you're UNHAPPY. If your relationship doesn't make you happy, what's the effing point?

At sabe nga ng quote " You cannot save people, You can only love them." I also feel for your gf, daming bagage...You can only be supportive of her but the decision to *change is HERS alone. Yet she can't make any change or progress unless she's aware or acknowledge that she needs to do better.

I believe any good relationships need compromise.There are some needs that we can share or give to our partner but there are needs that we should be giving ourselves. e.g. common sense, self-love...Our partner can give some of our needs but not ALL.That is why it is important to be in a relationship when you are full and ready to share.Because sadly and toxic--ly, If you feel EMPTY inside, there's nothing/nobody can fill that up for you. Again, as always, Love is NOT enough to make a relationship work. It needs *compatibility (not to act as a joint twins) but a shared values and beliefs at least and a *commitment.

Anyhaha, I'm sure to the deepest of you're being you already know the answer to your question.Follow your guts coz your stomach never lies  :D Remember, You remain the boss of your awesome life and when it comes to relationship you have all the power to choose what would make you happy. STOP feeling guilty, it's a useless emotion...and when it comes to the weather and other people,we are powerless.We can't change them. Focus on your own power to choose. Just know and be clear for what you really want FIRST.







« Last Edit: June 25, 2015, 04:14:40 am by FerminaDaza »

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #13 on: June 25, 2015, 11:15:57 am »
Let's say, tangalin sa equation si Tita, will it guarantee a change? or may pagkakaiba ba talaga na malaking bagay? :)

true, removing tita in the context would not really mean a solution.

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #14 on: June 25, 2015, 11:21:45 am »
2 yrs lang ang natapos niya, 22yrs old palang siya
ang tingin ko lang na makakaangat sa tingin niya sa sarili niya eh if makakakuha siya ng degree.

hmm, di kasi pinag buti sa bahay nila simula gradeschool, highschool hanggang 2 year course na collage.

Ang concern kasi, matatapos nya lang ang course out of awa, not really dahil tatapusin nya. we'll no prob namang pag aralin, kaya lang, ang factor kasi, iba ang tinapos lang ang course sa naging ikaw ang course mo.

ganito, she does not know how to multiply. hindi ganung kagalingan sa addition. sa english, may pagka bokya. tulala sa english movie. im not proud of what im saying, im just typing this para tama rin ang picture na sinasabi ko.

anyway, there's a plan na ipag take ko sya ng 6 months care giver course. kasi the original plan is pag punta ko ng u.s. which is nakapunta at papunta punta na rin naman ako, pag nakuha ko na citizenship ko, i'll surely marry her asap. magandang trabaho ang caregiver dun. pramise. yun ang trabaho ng nanay ko dun. sa home for the oldies :)

saka, para sakin, lahat ng trabaho eh marangal. kaya di naman factor sakin kung ano sya. kaya nga kami eh :)

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #15 on: June 25, 2015, 12:09:26 pm »
Can i answer your question with a question,pikapika?

ang pagkain eh nanganga-ilangan rin ng digestion :P

  • Are you happy? - I feel drained, sobra. Kasi pag naubos na ang magagawa kong aliw sa kanya pag walang pasok, ayun, tantrums again :-(
  • what's the point of Efforting? <- true, there's no point :-(
  • You can only be supportive of her but the decision to *change is HERS alone - good point
  • Our partner can give some of our needs but not ALL - good point
  • it is important to be in a relationship when you are full and ready to share - thanks for the reminder :)
  • Love and relationship needs COMPATIBILITY - i'll keep this in mind
  • "STOP feeling guilty”, it's a useless emotion... - wow, this is nakakagising :)
  • Focus on your own power to choose - pondering about this. kasi iba rin pag may guilt and conscience
  • Just know and be clear for what you really want FIRST - hmm, haven't ask this in a while

thank you thank you @Fermin. dami mong inputs and naprepresure ako mas maging rational. iba kasi ang work, iba rin ang pag ibig... I have some updates later... stories and updates. something happened, today.

I'm at the office by the way. Working... NightShift Pogramir :P Wala namang concern na sumimpleng sumagot sagot at magkwento dito sa forum.

salamat ulit sa inyong lang.

++salamat to: kenji_kulet

naruto789544

  • Anime Fans
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1653
  • Karma 103
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #16 on: June 25, 2015, 12:33:51 pm »
i can feel where you are coming from... but in my point of view, you are not really that ready to give up on her.... why did i said this..simple ts.... you won't be asking us for advises if you are that ready to let her go... you are looking for answers that may say why you need to continue and follow what your heart and mind dictates... in short, you want to read some other reasons to justify you on not letting go of her because it is plain to me that you love her...

i always say, when you are not happy then leave... as simple as that... but to some extent, how can you leave someone when you know that your heart is with her... have you tried to seek professional help for her... who knows what a good counselor or doctor may get from her by asking questions which you cannot say... you mentioned that she loves you and i think i believe in that... why?  because if she doesn't, she would have been long gone... the mere fact she accepted to a reconciliation is because you are still in her heart..

it is always tough to decide.. you know that also ts... and i think that your faith is strong... my only word of advise for you is to pray... for me, that is the only solution with your problem... ask guidance from HIM and i know that HE will show you the correct path...

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #17 on: June 25, 2015, 12:52:06 pm »
it is always tough to decide.. you know that also ts... and i think that your faith is strong... my only word of advise for you is to pray... for me, that is the only solution with your problem... ask guidance from HIM and i know that HE will show you the correct path...

It's true, i'm not ready... Siguro, parang tuli or something alike... no one is ready to say, game. as in with full heart, game. kahit na pa isigaw mo ng GAME! merong urong sa dibdib. Pero, madali ang tuli, ang buhay, ang pinaglaanang pag-ibig, hindi. Hindi madaling isigaw na game, ayaw na...

thanks for this chief :)

FerminaDaza

  • Be your own Adviser.u know.and i know u know.I know because we all know.There's no getting away w/it.
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6529
  • Karma 514
  • Gender: Female
  • My only aim is to help, not convince.
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #18 on: June 25, 2015, 01:14:31 pm »
i can feel where you are coming from... but in my point of view, you are not really that ready to give up on her.... why did i said this..simple ts.... you won't be asking us for advises if you are that ready to let her go... you are looking for answers that may say why you need to continue and follow what your heart and mind dictates... in short, you want to read some other reasons to justify you on not letting go of her because it is plain to me that you love her...




love me some naruto :D



33 ka na pika , I believe you know better. Point out ko lang, may nabasa ko about plan na 'kasal' ( i can imagine Dr.Phil's give a roll eyes)  ;D Anyway, what i'm trying to say is, yun mga nyu issues now, NOW pa lang isettle nyu na KASI, everything will all *magnifies in your marriage. You will be both like a mirror and projector to each other 24/7.Everything will amplify or exagg whatever conditions you have before marriage ( who knows,ma get mo na din yun energy nya, mag tatantrums ka na din) :P So If you have a rocky relationship now, marriage will make it more chaotic. Make it sure you both deal and clear sa mga issues or pinagtatalunan nyu now. At TEKA lang, gusto ba nyang mag care giver? Have you asked her? I will kick you in the teeth 'if you are the controlling kinda fathering her? BAHAHA come on! if you sounds or act like one, deym! that can kill her libido  ;D

Well, got some pointers here from moon moon back ago, that you can read if you want, can't find the other link...

http://espiya.net/forum/index.php?topic=112743.msg870808#msg870808






« Last Edit: June 25, 2015, 01:18:27 pm by FerminaDaza »

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #19 on: June 25, 2015, 01:15:46 pm »
i think that your faith is strong... my only word of advise for you is to pray... that is the only solution with your problem... ask guidance from HIM and i know that HE will show you the correct path...

Amen chief. Amen... Actually, no one knows by just looking at me on how prayful i am. and this is not to boast, but to means that I'm very proud. As in bow talaga ako. kasi, grabe, andami ko ring pinagdaanan sa buhay. kulang ang thread para pasalamatan. Kasi kung tuusin, hamak na 10k boy lang ako or less pa. ngayon, ang career ko, pinapatravel pa'ko, all expense paid, business flight and hotel hotel pa. malaking kwarto. ang hamak na isang tulad ko, makatungtong sa banyagang bansa. siguro sa iba, nagagawa nila yan ng natural lang, ako, hindi. pati utak ko, di ko alam na gagana nang ganito. sobrang daming miracle. sobra sobra.

dati, yosi pack lang mabili ko araw-araw, sabi ko, masaya na'ko. pangarap kong makapag jollibee araw-araw ay masaya nako. ngayon, sinuka ko na lahat ng resto. dumating na lutong bahay na gusto ko. pramise, mas masarap ang adobo ni inay, ang pakbet ni aleng nena, ang paborito kong ginisang sardinas at danget. wag kakalimutan ang patay na patay kong laway sa mungo.

salamat chief, sa post. lahat ng ito at ako ay wala pag wala sya. tutoo lang, nagdadasal ako, lalo't ngayong hirap na hirap ang puso ko.

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #20 on: June 25, 2015, 01:19:06 pm »
At TEKA lang, gusto ba nyang mag care giver? Have you asked her? I will kick you in the teeth 'if you are the controlling kinda fathering her? BAHAHA come on!
[/color]

yes, she likes the idea. gusto nya. kasi alam mo, si esmi (yan tawag ko gf ko pag kinukwento ko), mahilig syang mag play as nurse. gusto nyang nagbubunot ng puting buhok, nagtatanggal ng whiteheads, mag ayos ng kuko, magtanggal nang maliliit na buhok sa mukha (mga mustache na patubo sa pisngi). to make it short, gustong gusto nyang nag aalaga ng mga tao of all ages. matanda o bata.

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #21 on: June 25, 2015, 01:22:23 pm »

love me some naruto :D
Anyway, what i'm trying to say is, yun mga nyu issues now, NOW pa lang isettle nyu na KASI, everything will all *magnifies in your marriage.
[/color]

i agree to this. nag aamplify ang lahat pag kasal na. kaya ngayon pa lang, dapat ifix na ang lahat. comparable to cooking lang yan, ang ingredients at preparation ang malaking factor kung ano lasa ng pagkaing maluluto mo :-( kaya kung ngayon, ganito na, pag di inayos, sabog ang pagkain pagkatapos maluto.

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #22 on: June 25, 2015, 01:30:37 pm »
ganito nangyari, bago ako magType-in at pinost ito, nag-Consulta ako sa ka-Office ko. Sabi n'ya ganyan naman talaga ang buhay ng isang lalake, shock absorber. Kaya tutulong ka rin na ma-reclaim nila ang sarili nila. like puripurihin mo sya, and give her self accomplishment. Pagtrabahuhin mo. kaya nga ayun ang decisyon ko pag-uwi kaninang mga 10am. Dederecho sa bahay ng Lola nya, tapos susunduin sya, as promised to my kuya na mag iistart na si GF sa work sa negosyo ni kuya.

Pero nung pag dating ko dun, nag iba ang timpla ko. kasi nagtanong ako sa kanya. Bat ka ganun? bat mo'ko ginaganito? kelan ba to matatapos?
Sagot n'ya, di ko alam. Sorry... Sorry na nga... (hindi malumanay ah). Nabadtrip ako. sabi ko, ganun ba yun? Ba't mo'ko sinasabihan nang "di ko alam?". ganun ba yun, pag sinipa ko ang oto ng pinsan mo, dahil badtrip ako. pag ako tinanong, ba't ko sinipa, sasagot ko, Di ko alam? edi na double ang galit nun. Ganun ganun na lang?

Siguro, di nyo ko na-iintindihan, pero kasi, sa tutoo lang. paulit ulit na talaga to. ilang beses na pag hindi nya nakukuha ang ibig nya. pag nabuburyong sya, isa lang tong instance yung kulong feel sya sa bahay. gusto nyang umuwi, ayun, galit mode. tantrums. kahit parang mag sa payaso na'ko, di man lang masuklian nang ngiti. wantusawang pag suyo. Pagod ka na sa trabaho, ikaw pa mag uuwi nang pagkain. tapos ngiti lang ang hanap ko, wala pa :-(

Sakin naman, kahit ako na ang lahat, basta yakap lang, kiss lang, ngiti lang. Okay na'ko eh.

Sa tutoo lang, sabi ko rin sa kanya, marami namang magagawa sa bahay eh. Malaki naman ang bahay mga 250square meter ang taas at akin lang yun. sya lang naglilimita sa sarili nya. Wala raw syang magawa. Companion? pang pataas ng self esteem at dagdag activity, binigyan ko sya ng aso, pusa at katulong, para may taga asikaso sa pets at mando mando na lang sya sa labahin.

Alam nyo, sabi ko rin sa kanya, hindi nya lang talaga ginawa ang magagawa nya pa. Libre naman syang lumabas ng kwarto at maki socialize kay tita (sa baba), masyado lang syang maraming insecurities, na hindi nya rin finix ang sarili nya sa bahay. Alanganamang sya pa ang lapitan at pansinin. Isa pa, sya na nag hahandle ng pera ko. nasa kanya ang atm at credit card ko. Sya na pinapahawak ko nang budget at pag embentaryo ng gastos ko sa araw-araw. pati fb namin iisa. gusto ko kasi fully monitored nya na'ko para walang sense na mambababae pako. suko na'ko sa kanya.

di na'ko na-inom, di na rin ako nagbabarkada. pasok uwi at sa araw-araw. nakakapag ipon narin. ang hinahanap ko lang is mapasaya sya. kahit pag napunta ako ng u.s. at nasa hotel, hawak ko ang ipad, naka wifi skype skype. pati pag shoping ko sa states, ganun rin, sya na laman ng bagahe ko. pati pag punta ko ng japan, sya pa rin ang laman ng bagahe ko. as in, from sanrio products etc. well pampered. not really, counting this. i'm just relaying that she is my all. and I surrender.

Ang buhay ko chief and co-spies, sa kanya na lang umiikot. Ako, para sakin, ginawa ko na ang sarili kong si pacquiao. Basta ako ang kampion, sya ang aking insipirasyon. Ginagawa ko ang lahat basta alam kong mahal nya ko.

pikapika2501

  • Webmasters/Programmer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 226
  • Karma 9
  • "Ikaw na ako, ikaw na gwapo!"
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #23 on: June 25, 2015, 01:40:26 pm »
ang nangyari, pinasya kong mag-cool-off kami (break na rin in a way).

Kasi, di rin nakakatulong na palagi na lang akong umatras. lagi na lang akong susuko. pag stupida ang tira nya. aatras na lang ako. ang point ko kasi, kelan ba. matatapos to? kelan sya magbabago. nasa kamay nya na lang yun eh.

alam nyo mga brad and sis, kung nag sorry sya ng hindi nagmamataas at mahinahon. nilambing ako nang sorry na (malambing). akap-akap onte... tapos nagpaliwanag, kasi nahihirapan rin ako sa sasarili ko kasi ganito, kasi ganyan. bibigay naman ako eh. yung tipong mapakita nya sakin na may effort na magbabago sya at mean nya ang sorry nya, okay na. pero dahil sa mas pinakita nya na pag tiyagaan ko na ganun sya. umatras na'ko.

di ko na alam... basta binaba ko sya ng kotse, tapos nag sorry sa lola nya, nagpaliwanag nang onte. nagsabi na wala na rin kami... tapos sabi ko, yung mga gamit nya, dadalhin ko na lang bukas.

pero honestly, sa haba nang mga pinag tatype ko. masakit.

ako, i'm not ready. i'll just wait for the following days kung ano ang mangyayari, kung walang improvement, ito na nga siguro yun. pinagdasal ko na lang na sana. sana lang... alagaan sya ng Diyos.

FerminaDaza

  • Be your own Adviser.u know.and i know u know.I know because we all know.There's no getting away w/it.
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6529
  • Karma 514
  • Gender: Female
  • My only aim is to help, not convince.
Re: Dilema - GF laging nang-aaway. pls read and penge payo
« Reply #24 on: June 25, 2015, 05:00:27 pm »

Ang buhay ko chief and co-spies, sa kanya na lang umiikot. Ako, para sakin, ginawa ko na ang sarili kong si pacquiao. Basta ako ang kampion, sya ang aking insipirasyon. Ginagawa ko ang lahat basta alam kong mahal nya ko.




pero honestly, sa haba nang mga pinag tatype ko. masakit.



The doctor said, "if it's hurt, don't do that" ...

Sadly, that's always the case when you are the one who's fully invested in a relationship, and the painful truth: You cannot make someone love you. It's like asking someone with no arms to hug you? UGH.

Hopefully when you wake up tomorrow, basahin mo ulet mga na share mo and read it out out out loud, it might help you to LISTEN to your own self and reflect. You are so consumed of giving love to someone and yet you are sacrificing your own values and needs...then you end up with a lot of resentments. Don't get me wrong, I know that everything you done for her is with best intention,you love her.ok.fine. But somehow deep down, you have that expectation that she will do the same...and hoping that the more you give and give she eventually will...but she didn't. KASI, she cannot give you what she don't have.

Take your power back, Ibigay mo sa sarili mo now yun pagmamahal mo sa gf mo. You are hurting and all but this also the time to learn and gain wisdom (wisdom comes from a healed pain/wound)

Give yourself a big big break! Life is too short to get stuck in a requited or dysfunctional relationship. You have the greatest power: your FREE WILL--use that to create a loving relationship that you deserve.