TS, ipinauuna ko ang paghingi ng paumanhin sa aking pagkaka edit sa iyong picture na iyong naipost, wala akong intensyon na ito ay bastusin o ano pa man.
ito ay upang ipakita lamang na ang isang picture o graphic ay maaaring mapalitan, ma-superimposed, ma-edit o ma manipulate ito tungo sa gusto mong gawin dito, i.e. palitan yung tao o/at palutan ang mga message na nakasulat dito.
ang picture mong naka post ay magiging epektibo lamang kung ito ay tatayuan at paninindigan ng mga saksi o witness upang ito ay maging malakas na ebidensya. kung wala nmn ditong tatayong witness, ito ay isang mahinang documento lamang.
ngunit kung ang insidenteng iyong sinasabi ay nakunan ng video, iyon lamang ay napakalakas ng ebidensya, it can stand alone.
* tulad sa kaso ni Mr Carabuena na sinapak ang MMDA na si Officer Fabros, ito ay naging mabilis ang paglilitis at nagkaroon kaagad ng hatol dahil may video ito. ngunit kung picture lamang ang naging ebidensiya at wala pang witness na tatayo, e, baka hindi nahatulan si Mr Carabuena.
Tama ang iyong sinabi, Maganda nga ang iyong napupusuan, pati ako ay nagka crush na rin sa kanya.
baka pati ako ay umakyat na rin ng ligaw sa kanya, ika nga eh..."may d best man win "
again uulitin ko, magbati na lamang kayo !
Good Luck !
***