Sir, tama na pumunta sa abogado, iyan ang pinaka-mainam. In the mean time, Heto po ang mga options niyo.
1) holographic will- sulat kamay po na will, wala pong format na kailangan. Ang tanging kailangan po is ENTIRELY written, dated and signed by yourself. Lahat po ay dapat sulat kamay. Sa oras po na magpaalam na tayo, dadaan po ito sa probate proceedings (titingnan ng korte kung kayo talaga ang gumawa at yun ang inyong huling testamento), may tetestigo sa inyong sulat kamay at siyempre po may kaakibat pong mga gastos ang pagdinig ng korte na siya namang babayaran ng inyong mga maiiwan. Mahalaga din po na ipagkatiwala ang last will sa mapagkakatiwalaang tao, o itago at ihabilin sa inyong mahal sa buhay. Maari din po ninyo itong i-probate habang buhay pa kayo, kung baga po kayo ang mismong puunta sa kote upang patunayan na yun po mismo ang inyong last will. WALA PONG FORMAT ANG HOLOGRAPHIC WILL at hindi rin po kinakailangan ng witnesses para pumirma sa dokumento . Kung gusto niyo po ng guide, heto po ang link
http://philippinewill.blogspot.com/2009/10/sample-wills-and-last-testament.html?m=1 pero tulad po ng sinabi ko, wala pong strict format ito.
2) Notarial will- may striktong format po ito at kailangan ng 3 attesting witnesses. Bagama't hindi po kailangan na magiwan ng kopya sa notaryo publiko, kailangan po ay notaryado ito. Kailangan po ay may attestation clause sa huli para sa mga testigo, at may pirma ninyo at ng mga testigo sa bawat pahina sa kaliwang bahagi ng papel, maliban na lang sa huling pahina kung andoon ang inyong pirma sa ilalim ng mga disposisyon (mga nakasaad sa testamento) at ang pirma ng mga attesting witnesses. Kailangan din po ay numbered ang pages ng letra (e.g. Page one, page five). Typewritten po ito at kalimitan ay dinadraft ng abogado dahil nga po sa strict format. Nakalagay din po na sama-sama po akyo ng mga testigo at ng notaryo publiko ng nagpirmahan po kayo sa dokumento. Mas mainam din po na ang tatlong attesing witnesses ay mga taong HINDI alin man sa mga magmamana. Uso din po ngayon na mag video at ilagay sa DVD ang pirmahan, at pagkuha ng pictures na may pinakikitang diyaryo (dahil obvious sa video at pictures na kayo ang pumirma) at kapag napanood ito ng husgado mapadali ang probate proceedings. Eto po ang sample sa link na ito
http://legal-forms.philsite.net/will-testament.htm ngunit kung notarial will po ay mainam na kumunsulta sa abogado dahil talagang strikto po ang Format, di gaya ng holographic na basta maliwanag na nakasaad ang mga ari-arian at kung kanino ipamamana, may pirma at may petsa ay ok na.
Sa paggawa po ng huling testamento ay maari din po kayong mag-appoint ng tinatawag na executor na siyang mangangasiwa ng mga hatian at pagbabayad utang (kung meron man) sa estate proceedings. Mas mainam po ito.
BABALA: dadaan po ang mga last will sa probate proceedings, dahil ito po ang masusunod sa hatian. Ngunit hindi din po pwedeng alisan ng mana ang mga tinatawag na compulsory heirs maliban na lamang kung may express disinheritance (alam po ng abogado ito) dahil may tianatawag po tayong legitime o garantisadong porsiyento ng mga compulsory na tagapagmana. Tanging free portion lamang po ng ariarian (meaning ang matitira matapos tangalin ang legitime) ang maaring ipamigay kaninuman ayon sa inyong kagustuhan.
kasunod po ng probate ang etstate proceedings kung saan magkakaroon ng oportunidad ang mga pinagkakautangan na maningil sa estado ng yumao. Kung hindi naman po kayo gumawa ng will, maari din po na ayusin ng mga naiwan ang hatian sa pamamagitan ng extrajudicial settlement of the estate (kung marami ang magmamana) o affidavit of self-adjudication (kung nag-iisa). Mahal din po ang buwis, sa pagkakaalala ko po ay 20 percent ng buong estate o kabuuan ng naiwang ari-arian ag papatawan ng buwis na siya namang kailangan bayaran upang makakuha ng Certificate authorizing registartion from BIR, bago mailipat sa pangalan ng mga nagmana ang titulo ng lupa.
3) maari din po ninyong i-donate ang lupa o ibenta ang lupa sa inyong mga anak, mas mababa at makakatipid po kayo sa buwis sa paraan na ito kesa po buong 20 percent ng kabuaan ng maiiwan ang papatawan ng buwis ng gobyeno.
Sana po ay nakatulong.