Dear Anak,
Naipadala ko na 50 thousand pesos na tuition fee mo, pinagbili na
namin ang mga kalabaw natin. Ang mahal pala ng kursong COUNTER
STRIKE na kinahiligan mo, wala na din pala tayong baboy naibenta na
din para dun sa sinasabi mo na quarterly project nyo na NOKIA N75, ang
mahal naman ng project na yun.ok lang yun anak kaya pati yung sabi
mong pangbayad na 1.ooo a month na laboratory fee ay pinadala ko na
rin. Nagtatalo nga kami ng inay mo dahil sabi nya ay LIBRE at bayad na
daw yun kasi sabi mo sa sulat ay PRE-PAID ung project eh pasensyahan
mo na inang mo ha medyo may kahinaang pumick up eh. kasama din ang 7
thousand dun para sa field trip at educational tour nyo sa MALL OF
ASIA at ENCHANTED KINGDOM, anak malalayo ba ang mga iyun mag ingat ka
sa pagbibiyahe mo at sana marami kang matutuhan dun, isasanla pala
namin ang palayan natin para mabili mo na yung instrumentong I-POD na
kinakailangan mo sa computer lab subject nyo. Anak komportable kaba
jan sa boarding house mo? San ba kamu yan… sa VICTORIA COURT? Di ba
dati sabi mo sa ANITO? - maganda ba dyan di ba mainit jan.Eh yung
kaboard mate mong si LEA ba kamo? kamusta mo na lang kami sa kanya
ha…kala nga ng inang mo dati eh binabae yang kasama mo sa kuarto eh,
buti na lang at naisip na lang namin na baka naman palayaw lang yun at
tunay na pangalan ay LEANDRO… Anak kamusta na pala yung group project
nyo na SAN MIG LIGHT napailaw nyo na ba? mataas ba nakuha nyo na grado
dun? Dalin mo dito sa probinsya natin ha para maipagmalaki namin ng
inang mo…
Anak sana bago pa maubos ang lahat lahat ng ari-arian natin ay maka
gradweyt kana, walong taon ba talaga ang kurso mo sa VOCATIONAL,
sana pag graweyt mo makakuha ka ng trabaho kaagad kagaya ng manager ng
kumpanya para mabawi natin ang mga ari arian nating sa sanglaan. ay
cya nga pala anak diba sabi mo sa JOLLIBEE / MAK DONALD ka palagi
kumakain ok ba naman sayo ang mga ulam dyan baka hindi masarap kawawa
ka naman.napag usapan nga namin ng inang mo na sana subukan mo yung
sinasabi mong karinderia na pang probinsyano yun bang BARRIO
FIESTA.baka mas mura at masarap dun.Eh yung school bus nyo na
sumusundo syo na TAXI sabihin mo sa driver mag ingat cya sa pag dri-drive.
Anak hanggang dito nalang at sa susunod ay ipapadala ko sayo ang pera
na pambili mo kamo ng PS 3 na gagamitin mo sa VACANT SUBJECT mo.
Ang nagmamahal
Itay at Inang
P.S. Anak mag aral ka ng mabuti…