Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: aplikante!! (basahin at tularan)  (Read 2128 times)

PinagpalA

  • pagpalain nawa ang mga taong mapag kawang gawa!
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2590
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • mahalin ang dapat mahalin!!!!
aplikante!! (basahin at tularan)
« on: January 16, 2007, 12:46:34 am »
APLIKANTE

Mahangin sa labas. Malamig sa loob ng opisina. Pero pinagpapawisan pa rin si Dave.

Ganito pala kapag haharap sa interview, bulong niya sa sarili. Pakiramdam ko, babarilin ako sa Luneta. Sana matangap ako . . .

Habang naghihintay, isa-isang sinuri ni Dave ang mga empleyado at kliyente ng kompanyang nais niyang pasukan. Lalo siyang nanliit.

Lahat sila, bihis na bihis. Sabi na nga ba, hindi akma ang suot kong maong at polo. Pero ito na ang pinakamaayos kong damit. At isa pa, dyanitor lang naman ang papasukan kong trabaho . . .

Natigil ang pagmumuni-muni ni Dave nang may maupo sa tabi niya. Isang lalaking mga sisenta anyos. Payat at katamtaman ang taas. Kulay abo ang manipis nang buhok. Plantsadong-plantsado ang damit, ngunit halatang naluma na sa kalalaba.

Naku, sana hindi ito isa pang aplikante. Kailangan ko ng pagkakaitaan, pero mukhang mas nagangailangan ang taong ito . . . Muling sinulyapan ni Dave ang katabi. Napahiya siya nang mahuli siya nitong nakatingin. Pero nginitian siya ng lalaki. "Aplikante ka ba?" tanong nito. Napatingin si Dave sa dyaryong hawak ng matanda. Nakabukas ito sa pahina ng Classified Ads. Iyon din ang dyaryong binasa niya kaninang umaga, kung saan nakalathala ang pangangailangan ng kumpanya para sa isang dyanitor.

"Oho," sagot niya.

"Mukhang napakabata mo pa . . . hindi ka ba nag-aaral?"

"Dise-otso na ho ako. Panggabi ho ang klase ko sa kolehiyo."

"Ano naman ang kurso mo?"

"Political Science ho."

"Ah." Tumango ang matanda." Siguro, magtutuloy ka ng abogasya"

Napangiti si Dave; bakas ang pananbik sa mukha.
"Sana nga ho . . . kung kakayanin kong suportahan ang sarili ko. Hindi ho kasi kaya ng aking mga magulang."

"Makakaya mo, kung mayroon kang tiyaga at determinasyon," sagot ng matanda."

Aba, katulad mo rin ako noong araw! Ang pagkakaiba lang, ako'y ulilang lubos. Naku, kung malalaman mo ang mga trabahong pinasok ko, makapag-aral lang . . . "
At nagkuwento na ito Aliw na aliw si Dave sa mga karanasan ng kausap. Sa pakikinig sa mga pinagdaanan ng matanda, lalong lumakas ang kanyang loob na magsikap makatapos sa pag-aaral. Nahinto lamang ang kanilang paghuhuntahan nang tawagin si Dave.

Bumalik ang kaba sa dibdib ni Dave. Heto na ang interview na kintatakutan niya! Matapos magpaalam sa matanda, pumasok na siya sa opisina ng manedyer.

"Magandang hapon po."

"Magandang hapon din sa iyo," nakangiting tugon ng manedyer. Bata pa ito, mga beinte-singko anyos. Makisig, maganda ang tindig. Naka-amerikana.

"Maupo ka. ano ang pangalan mo?"

"David de la Peٌa po. Taga-Marikina po ako. Heto po ang ¾"

Kumiriring ang telepono. Sinagot ito ng manedyer.

"Hello . . . Ah, yes. I . . . I see. Well, if that's the case . . . Alright."

Ibinaba ng manedyer ang telepono. Nangingiting bumaling kay dave.

"Tanggap ka na, Mr. De la PeÙŒa."

"P-po?" Hindi makapaniwala si dave. "Hindi nyo na po ako iinterbyuhin?"

"Hindi na kailangan. Pasado ka na sa interview." Natawa ang manedyer sa di-maitagong kalituhan ni Dave.

"Inirekomenda ka nung kausap mo kanina sa lobby," paliwanag nito.

"Siya ang aking ama. Siya rin ang presidente at may-ari ng kompanya."



 
There's nothing as nice as someone who shares,
your laughter, your secrets, your wishes n' cares,
someone who's there through your good times and tears, who stays by your side as your spy through the years.

devil

  • Pioneer
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 330
  • Karma 1
Re: aplikante!! (basahin at tularan)
« Reply #1 on: January 16, 2007, 12:52:41 am »
nice inspirational story bro.... pokepoint::

trebs

  • 2006 Vanguards
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 134
  • Karma 1
Re: aplikante!! (basahin at tularan)
« Reply #2 on: January 16, 2007, 02:31:50 am »
Astig na touch ako dunnnn......   pokepoint:: keep on posting dude ... minsan lang ako mag bigay ng points and u deserve it .....

ignas

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 96
  • Karma -12
  • Gender: Male
Re: aplikante!! (basahin at tularan)
« Reply #3 on: January 16, 2007, 02:57:18 am »
Maganda ang kowinto mo men. Kaya lang sa tebe o esturya lang ata nang yayare to.. pomonta ako kanena at nag aplay hende naman ako natanggap, henentay ko pa naman my matanda koma osap saken...

newayz mag pakabaet na lang para maganda dateng ng grasya   

 :-[

chavit

  • rai gad la....
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 563
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • kulaos makaret, kulaos maanyag
Re: aplikante!! (basahin at tularan)
« Reply #4 on: January 16, 2007, 03:35:00 am »
nangyayari ba tlaga to sa real life?

DRAGO

  • THE WARRIOR !!!
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1254
  • Karma 5
  • I LIKE YOUR STYLE BUT I HATE THE WAY YOU DO IT ...
Re: aplikante!! (basahin at tularan)
« Reply #5 on: January 16, 2007, 05:17:14 am »
Maganda ang kowinto mo men. Kaya lang sa tebe o esturya lang ata nang yayare to.. pomonta ako kanena at nag aplay hende naman ako natanggap, henentay ko pa naman my matanda koma osap saken...

newayz mag pakabaet na lang para maganda dateng ng grasya  

 :-[


hahahaha try lang uli dude kaya mo yan
"BRING IT ON BABY, BRING IT ON....."

pop-upz

  • surfer
  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 200
  • Karma 0
  • local d' best:*
Re: aplikante!! (basahin at tularan)
« Reply #6 on: January 16, 2007, 06:33:56 am »
wow..ang galing.,.aral na nanaman..

"There's no place like your homepage.
"

tsquare

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 61
  • Karma 0
Re: aplikante!! (basahin at tularan)
« Reply #7 on: January 16, 2007, 07:38:32 am »
 b*;

apply na..

tranta

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 412
  • Karma 28
  • Gender: Male
  • jak pauer
Re: aplikante!! (basahin at tularan)
« Reply #8 on: January 16, 2007, 09:52:14 am »
e bakit ang sabi e ang damit ay parang luma na sa kalalaba?

tapos un pala may-ari sya nung kumpanya?
pero ang damit nya luma na sa kalalaba?

ewan..

tik..tik..tik..tik

ignas

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 96
  • Karma -12
  • Gender: Male
Re: aplikante!! (basahin at tularan)
« Reply #9 on: January 17, 2007, 03:21:40 am »
iwan ko men baka habe nya mag laba ng damet nya kaya naloma?



Jann Frost

  • Pronmeister
  • Knights of PS
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3114
  • Karma 143
  • Rough over Mellow
Re: aplikante!! (basahin at tularan)
« Reply #10 on: January 18, 2007, 07:58:33 am »
siguro kaya ganon ang kanyang kasuotan ay dahil siya ang mayari ng kompanya, kumbaga eh feel at home, pero nice inspirational men.  ;)

yobibs

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 623
  • Karma 3
  • Gender: Male
Re: aplikante!! (basahin at tularan)
« Reply #11 on: January 18, 2007, 07:34:15 pm »
Maganda ang kowinto mo men. Kaya lang sa tebe o esturya lang ata nang yayare to.. pomonta ako kanena at nag aplay hende naman ako natanggap, henentay ko pa naman my matanda koma osap saken...

newayz mag pakabaet na lang para maganda dateng ng grasya   

 :-[
  Ignas ! sobra ka ..hinika ako sa kakatawa sa reply mo ! Mategas nga lang ang dela mo ... bisaya ka man doy ? Ay Ginoo ! anyways, something  similar in nature happened to me a long time ago in Los Angeles. Bago akong salesman sa Car dealership ... unang araw ko ... dahil ako ang meron ... pinaglalaruan ako nung mga ibang salesmen .
Iba pa nga sabi 'di daw ako tatagal ... well,it was raining that night ... may dumating na matanda. Madumi ang suot at naka biskleta ... walang lumalapit kesyo ilang beses na daw yung mama na yun at titingintingin lang at 'di marunong mag engles.Mexicano ... nilapitan ko kasi wala namang obang tao ... pasalamat agad yung mtanada dahil ilng beses na daw s'ya bumabalik walng pumapansin sa kanya . Buti na lang madunong ako mag spanish ng konti. Pina pasok ko pa yung matanda sa loob nung kotse para tingnan at sabi ko test drive kami ...  pag balik namin, pati yung manager sinabihan akong wag na daw akong magsasayang ng oras dun sa matanda ... mukhang homeless daw ... anyways, bumalik yung matanda kinabukasan ...hinahanap ako.
Medyo naka ayos na at mailinis .. may dalang bag ... pag kita sa akin ... binili yung kotse ng cash ! tapus, bumili pa ng truck para sa business n'ya ... at isang maliit na kotse pa para sa anak na dalaga ! I made over $ 5000 in commission that day for only total 4 hrs. work ! May cleaning business pala yung mama ...mayaman ! six months later ...bili na naman ng dalawang truck pa para sa negosyo ! lesson : do not judge a book by it's cover .. treat everyone with respect and dignity ... Peace !