Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya!!!  (Read 1579 times)

PinagpalA

  • pagpalain nawa ang mga taong mapag kawang gawa!
  • Deep Penetration Agent
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2590
  • Karma 5
  • Gender: Male
  • mahalin ang dapat mahalin!!!!
Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya!!!
« on: January 16, 2007, 12:36:21 am »
Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay kahoy (puno) na walang lilim, kundi (man) damong makamandag.

Ang gawang magaling na nagbubuhat sa paghahambog o papipita sa sarili (paghahangad na makasarili), at hindi talagang nasang gumawa ng kagalingan, ay di kabaitan.

Ang tunay na kabanalan ay ang pagkakawang-gawa, ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa't pangungusap sa talagang Katuwiran.

Maitim man o maputi ang kulay ng balat, lahat ng tao'y magkakapantay; mangyayaring ang isa'y hihigitan sa dunong, sa yaman, sa ganda; ngunit di mahihigitan sa pagkatao.

Ang may mataas na kalooban, inuuna ang (dangal o) puri kaysa pagpipita sa sarili; ang may hamak na kalooban, inuuna ang pagpipita sa sarili sa puri.

Sa taong may hiya, salita'y panunumpa.

Huwag mong sayangin ang panahon; ang yamang nawala'y mangyayaring magbalik; ngunit panahong nagdaan nay di na muli pang magdadaan.

Ipagtanggol mo ang inaapi;kabakahin (labanan) ang umaapi.

Ang taong matalino'y ang may pag-iingat sa bawat sasabihin;matutong ipaglihim ang dapat ipaglihim.

Sa daang matinik ng buhay, lalaki ang siyang patnugot ng asawa at mga anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din. (Ang simula nito ay obserbasyon sa ugnayan ng babae at lalaki sa panahon ng Katipunan; para sa kasalukuyan, iminumungkahing ipalit ang sumusunod: "Sa daang matinik ng buhay, ang mga magulang ang patnugot ng mag-anak; kung ang umaakay ay tungo sa sama, and patutunguhan ng inaakay ay kasamaan din.)

Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi isnag katuwang at karamay (ng lalaki) sa mga kahirapan nitong buhay; gamitin mo nang buong pagpipitagan ang kanyang (pisikal na ) kahinaan, alalahanin ang inang pinagbuhatan at nag-iwi sa iyong kasanggulan.

Ang di mo ibig gawin sa asawa mo, anak at kapatid, ay huwag mong gagawin sa asawa, anak at kapatid ng iba.

Ang kamahalan ng tao'y wala sa pagkahari, wala sa tangos ng ilong at puti ng mukha, wala sa pagkaparing kahalili ng Diyos, wala sa mataas na kalagayan sa balat ng lupa: wagas at tunay na mahal na tao, kahit laking gubat at walang nababatid kundi sariling wika, yaong may magandang asal, may isang pangungusap, may dangal at puri, yaong di nagpaaapi't di nakikiapi; yaong marunong magdam-dam at marunong lumingap sa bayang tinubuan.

Paglaganap ng mga aral na ito, at maningning na sisikat ang araw ng mahal na kalayaan dito sa kaaba-abang Sangkapuluan at sabungan ng matamis niyang liwanag ang nangagkaisang magkakalahi't magkakapatid, ng liwanag ng walang katapusan, ang mga ginugol na buhay, pagod, at mga tiniis na kahirapa'y labis nang matutumbasan.


Inihanda ng KAMALAYSAYAN (Kampanya para sa Kamalayan sa Kasaysayan) batay sa kopya ng Kartilya na nagmula sa koleksiyon ni Epifanio de los Santos. Sa orihinal ay walang mga numero, at ginagamit ang salitang "kabuhayan" sa halip na "buhay." Ang mga salitang nasa panaklong ay idinagdag ng KAMALAYSAYAN.
There's nothing as nice as someone who shares,
your laughter, your secrets, your wishes n' cares,
someone who's there through your good times and tears, who stays by your side as your spy through the years.

laitzu

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3254
  • Karma 23
  • Gender: Male
Re: Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya!!!
« Reply #1 on: January 22, 2007, 11:20:37 pm »
salamat sa mga paalala kapatid na pinagpala...nawa'y maisapuso nating lahat ang mga panuntunang ito. dapat mabasa ng mga kandidato ito.  pokepoint::
Get $50 to start/Earn up to $20/day/Earn $5 per referral


Van Gogh

  • MENTALLY DISORDERED
  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1533
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • ROCK ON
Re: Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya!!!
« Reply #2 on: January 24, 2007, 02:48:41 am »
San ba makakabasa nang buong kopya ng kartilya ng katipunan?
YOUR NOT HARDCORE
UNLESS YOU LIVE HARDCORE


POSERS DIE!