Brand
- Toshiba, DELL or SONY VAIO. wag ka kukuha ng HP or COMPAQ. utang na loob
RAM
- Kung paper works at research ka lang naman, sa totoo lang kahit 2GB lang ang memory ng laptop mo eh pwede na. Pero ang standard memory ng mga laptop sa ngayon eh 4GB na din naman talaga.
PROCESSOR
- Dual core pwede na dyan sa requirements mo. Pero gaya lang ng situation sa memory, mataas na din ang mga specs ng laptop na mabibili sa ngayon. Karamihan naka i3 na din. Syempre INTEL ang piliin mo.
DISPLAY
- Kung ako tatanungin mas okay yung 13 or 14 inches na size. Kasi kung 15 pataas, mukang masyadong malaki na yun. Pero kung accounting student at kelangan mo ng numpad, ayun, tsaka lang sayo swak ang 15" na laptop.
Yang price mo na $300, baka kulangin yan. Mas sure ka kung nasa $400-$500, magagandang specs at brand na ng laptop yan. Pwede ka magtingin-tingin sa amazon para magkaroon ka ng idea.