Wag na kayo magtalo-talo mga kapatid, isa sa kasamahan namin sa mga pasahero sa ikatatlong sasakyan kagabi, kasamahan ko Intel sa CIDG gensan, sabi ng kasamahan ko, 7:30pm umalis sila ng aguak then asround 8pm nakarating sila sa Barangay Labu-Labu, Ampatuan, Maguindanao, malapit lang sa branggay pinagyarihan ng massacre, sa highway sila ng nakarinig ng ng putukan ng M-16 yung kasamahan ko, sa unahan na sasakyan sabi ng driver patawid yung mga cafgu nagpaputok agad mga 50 meters, kaya nakaiwas ang sasakyan, gumanti ng putukan ang convoy, at tumawag sa AFP aguak, to reinforce the police elements.
Kaya mga ka-espiya nililinaw ko yung nangyayari, ang maguindanao kahit wala man ang ampatuan diyan may natitira paring resistance ang lugar nila, dahil nasa paligid lang ang mga INTELKILLER ni ampatuan, kaya marami nagtitip sa CIDG,AFP,PNP INtel na kung saan pa ang mga tunnel na tinataguan ng bala at armas, kulang pa yang nakulimbat ng AFP natin sa mga high powered firearms ni ampatuan. Kaya di niyo kilala ang ampatuan dahil wala kayo dito.
Imbes magduda kayo sa mga Good official natin na mga bagong destino sa aguak, sana tulungan niyo sila kahit sa prayers niyo lang, na sana marami pa silang makuhang ebidensya. at sana YOU PRAY na wag kumagat ang mga GOOD OFFICIALS natin sa AFP,PNP, sa mga DEAL ng mga "P.R.Man" ni ampatuan..
Linawin ko lang Gabi Biniyahe ng CIDG Gensan ang mga armas, dahil around 6pm na NATAPOS IMBENTARYO ANG MGA Bala at armas. may procedure na sinusunod.. sa aguak bilangin dapat muna ang mga bala at armas bago bumiyahe, para pagdating sa CIDG Gensan, malaman kung tama o kulang, dahil bibilangin na naman yan pagbdating sa CIDG....
Kaya GABI biniyahe, sa dami ng nakuha, gabi na natapos ang imbentaryo ng AFP,CIDG,PNP sa mga armas....
Wag kayo mag-alala kahit wala kayo dito sa mindanao may ka-espiya kayo ng mag-uupdate sa inyo, kagabi nasa camp.fermin lira ako gensan PNP camp, andun din si CES Drillon, dun kami kagabi sa labas ng CIDG office dahil dun siya nakaposte para mag-ulat sa Bandila. "maganda pala si ces sa personal noh?
"