TS, share ko lang experience ko though hidni naman buffed or ripped ang katawan ko.
2012, mataba ako. hidni naman sobra.
2013 ako pumayat, hindi rin sobra.
2012, nagsimula ako sa simpleng jogging. then unti-unti sa Insanity training video. 3months siguro pero hidni ko binubuo yung vid. yung sa kaya ko lang. may history kasi ako ng asthma kaya mahina ang baga ko.
2013, nagstart din ako sa gym. puro machine lang din ako. nagstart ako ng 20kg. ayun. nasa 55kg na ngayon ang weights na gamit ko.
maigi kung gagawin mong lifestyle. halimbawa ako, diretso ako ng gym after work. or sa schedule ko ngayon, gym then punta sa office.
isama mo rin sa lifestyle mo ang tamang pagkain.
magstart ka lang muna sa magagaang weights. wag mo pansinin yung ibang tao sa gym.
ayun ... overweight pa rin ako ngayon.
pasensya na kung medyo nanggulo ako sa topic. ehehehe.