buy and sell ng kotse ok para sa akin
buy and sell ng kotse ok para sa akin
diyan yumaman yung isang TL ko, maliit lang naman sweldo niya pero bawi bawi siya dito
Thanks sa mga inputs.
Ang iniisip ko pa mag COL Financial na lang ako. Mukhang okay dito. Ups and down sa market lang aabangan dito. Well, the basic. I learned from GTA V. LMAO!
for me not a guarantee, 2 years n ako sa COL negative 10% pa din pro-folio ko. sugal talaga..
for me not a guarantee, 2 years n ako sa COL negative 10% pa din pro-folio ko. sugal talaga..
for me not a guarantee, 2 years n ako sa COL negative 10% pa din pro-folio ko. sugal talaga..
magkano puhunan nyo sa COL? madali lang ba intindihin hindi ba masyadong komplikado? kung mag stocks ako magkano kaya muna ang gagawin kong capital?
ang initial investment sa COL is 5k para makapag open ka ng account. Tapos bahala ka na kung magkano gusto mo ilagay/idagdag. Ang kailangan mo lang intindihin ay kung papano mag basa ng charts. Hindi nmn masyado complicado. Tska meron din pinupublish na technical at investment guides ang COL..
balak ko sana yung 25k eh. di ba may 5k/25k/1m?
@tigerwing
di ba sinabi mo kumita ka na ng 30% sa loob ng 2 taon? na withdraw mo na ba yung kita mo or nagagamit mo na ba yung kita mo? kung starting lang din, di ba dapat 5k muna ako rather than 25k?
Guys eto nalang. Bago nyo pag isipan kung san maganda mag invest, itanong nyo muna sa sarili nyo kung ano bang plano nyo. Ano bang gusto mo mangyari? Gaano katagal ang time horizon mo? Anong kaya at hindi mo kayang gawin? Pag nasagot nyo na yun madali na humanap ng mapag lalagyan ng pera na aangkop sa gusto mo.
Kung gusto nyo tlga kumita ng malaki or yung tipong pang kabuhayan talaga ang hanap. Mas maigi na mag negosyo kayo ng sarili nyo oh kaya mag franchise. Kung anung negosyo ang maganda syempre depende sa lugar at syempre sa kakayahan at hilig mo din. Wag ka papasok sa negosyong wala ka namang kaalam-alam.
Kung gusto nyo lang ng mapaparadahan ng pera. Yung kahit papano kikita at hindi tatalunin ng inflation then dyan papasok ang stock market, mutal funds etc.. Ang tanong naman eh gano mo katagal plano iparada yung pera mo? Anung risk tolerance mo? Gusto mo ba ng malaki laki ang kita pero pwede ka din malugi or gusto mo yung safe yung pera mo kahit maliit lang kitain basta meron? Stock Market ang may pinaka malaking retuns pero pwede ka malugi. Also kung ikaw mismo ang mag hhandle ng stock porfolio mo (like sa COL) dapat may oras ka na pwedeng ilaan dun araw araw at kahit papano may alam ka din sa stocks. Kung busy kayo, walang oras or ayaw nyo na problemahin yung mga technical na bagay, sa mutual funds kayo mag invest...
ang mutual fund ba yan ung nakikita ko sa tv na UITF. may risk din ba pag linagay ko pera ko sir?
I would like to invest in Stocks. Meron na kasi akong mutual funds/insurance via PhilAm Life na every quarter kong hinuhulugan 6k so that's 24k annually. Nasa stocks or equity ka di ba tiger? Midterm lang ito kumbaga emergency fund since yung long term ko is yung sa PhilAm Life ko.