Sorry di ko alam kung saang Forum hehe.
Heto sitwasyon ko. Nag-apply ako sa Company X 3 months ago. Alam kong matagal yung processing so nagtry akong mag-apply sa Company Y about a month ago. Kahapon, pareho silang nag-message tungkol sa status ng application ko. Sa tingin ko malapit na akong ma-hire sa Company Y pero sa Company X ay scheduled pa ako next week. Ang problema eh mas gusto ko yung Company X because of various reasons. Ang tanong ko, okay lang bang i-turn down ko yung job offer ni Y? If yes, anong magandang way para sabihin ito? Some might say na choosy pa ako lalo't pandemic pa ngayon. lol. I know. Alam ko rin na risky 'to kasi baka wala tuloy akong makuhang trabaho sa huli. Gusto ko lang din malaman kung meron na sainyong naka-experience nito at kung ano yung naging response niyo.
Maraming Salamat!