Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: NLEX Bocaue Exit  (Read 10033 times)

jpoks

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 167
  • Karma 38
NLEX Bocaue Exit
« on: May 23, 2014, 11:13:09 am »
     I'm from Bocaue Bulacan & I always use the Bocaue exit, sa tagal ko nang dumadaan dito ay lalung gumagrabe ang trapik! Napaka daming dahilan ang sanhi ng trapik pero wala man lang nagmamalasakit na ayusin ito? Ang mga dahilan ay 1) ang maling pagbaba at pag sakay ng mga bus at jeep malapit sa tollgate, 2) Pagparada ng malalaking truck sa gilid ng karsada, 3) May nagbebenta ng basahan at sigarilyo sa gitna ng karsada 4) Paglagay ng illegal na terminal ng tricycle sa kanto ng Brgy. Turo Boc. 4) Masikip na karsada na papasok sa Brgy. Bolacan Boc. 5) Masikip na karsada sa Brgy. Bagbagin Sta. Maria Bul. papunta sa bagong bypass road 5) Mabagal na implementasyon ng road widening sa National road ng Brgy. Bagbaguin Sta. Maria Bulacan. Wala bang ahensya ng gobyerno na local ang may gawin dito? Dapat mag pulong at mag usap ang mga mayor ng Bocaue, Sta. Maria, Angat , Garay, DRT at Sapang Palay para magawan nang aksyon ang napaka tagal nang probleman ito!
    Pagdating ng July at nag open ang Phil Arena ng Iglesia ay siguradong lalung magiging trapik ang Bocaue Exit ng NLEX, dahil walang ibang daan ang mga taga North kundi Bocaue Exit puntang Sta. Maria dahil ito ang pinaka malapit sa kanila. Ang mga manggagaling nang Manila ay aakyat din ng Bocaue exit sa kanilang pag balik dahil walang sariling entrance toll ang Phil Arena pabalik ng Manila.
    Wag na sanang intayin pa ang lalung paglala ng trapik at dapat gawan na aksyon ang problemang ito. Sa mga opisyales ng mga local government ay dapat pagtuunan nyo ito ng pansin, dahil sa mga kawalan nyo ng aksyon ay nagmumukha kayong walang alam, walang pakialam at tanga!  >:(

praeto_RYAN

  • It is an adjective, not a noun!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2757
  • Karma 77
  • Gender: Male
Re: NLEX Bocaue Exit
« Reply #1 on: May 23, 2014, 05:19:20 pm »
Ang lapit kasi ng interior roads ng bocaue sa may toll gate mismo.  May trapik na sa pagbabayad, may trapik pa dun sa looban.  At usually yung mga ngtratrapik diyan ay dalawa tapos medyo salungat at kontra pa sila sa isat-isa.  Ang mga PUV at kahit mga private vehicles diyan sa looban, pag malapit na diyan sa may area na yan, ang one lane eh ginagawang three lanes.  Eh eventually, yang artificial three lanes na yan ay babalik sa original one lane, so gitgitan, etc, mas naging matrapik. 

In short, disiplina lang ang kailangan.
When you brighten another's path, you also brighten your own. - Transsiberian (2008)

jpoks

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 167
  • Karma 38
Re: NLEX Bocaue Exit
« Reply #2 on: May 26, 2014, 11:24:50 am »
Yes sir disiplina, pero dapat may malasakit din ang namamahala. Kung kailngan na may manghuli nang mga walang disiplinang mga drivers, dapat may mang huli. Like I said yung project para sa national road widening, bakit paputol-putol? Nakikita mo nang trapik dapat paalalahan ang DPWH na may project dyan na dapat gawin na agad lalu na di pa nag start ang pasukan at tag-ulan. Yung tipong may malasakit at at may common sense mentality hindi yung kung kalian lang eleksyon may aaksyon. Sabagay ang common sense ngayon ay di na common, bihira na lalu na sa mga opisyales na gungong!

khaliwally

  • hindi mapakali sobrang likot parang watusi!
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1518
  • Karma 39
  • Gender: Male
  • [evilgrin]
Re: NLEX Bocaue Exit
« Reply #3 on: May 26, 2014, 03:55:22 pm »
matagal nang problema ito... ilang Mayor na ang nag papalit palit...

kaya ako sa TABANG exit na lang dumadaan... kahit mahal ang tricycle mula BULAKAN...

jpoks

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 167
  • Karma 38
Re: NLEX Bocaue Exit
« Reply #4 on: June 13, 2014, 09:40:29 am »
I think it's time that all mayors of the affected towns should talk ang unite to tackle this problem. But I think no one would initiate this kasi mahihina ang mga mayors nang nasabing mga town na apektado. Talagang walang mga malasakit!  >:(

khaliwally

  • hindi mapakali sobrang likot parang watusi!
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1518
  • Karma 39
  • Gender: Male
  • [evilgrin]
Re: NLEX Bocaue Exit
« Reply #5 on: June 15, 2014, 08:43:20 am »
hmmmm marami nang nag TRY... yung siksikang at makupad na GEL... at yan Bocaue bottleneck... not unless sila ang ma pe perwisyo siguro saka pa lang magkakaroon nang pagbabago...


jpoks

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 167
  • Karma 38
Re: NLEX Bocaue Exit
« Reply #6 on: August 02, 2014, 08:43:53 am »
Up to now that the Philippine Arena is already open, wala pa ring ginagawang pag ayos o pagbabago sa Bocaue exit area. Mas lalung naging traffic. Alam nilang dadami ang volume nang sasakyan pero mga nagbubulag-bulagan at nag tatanga-tangahan ang mga Mayor nang mga apektadong lugar gaya na Bocaue, Sta. Maria, Angat at Garay. Wala po ba ho kayong mga malasakit sa inyong mga nasasakupan? Yan na lang po ba ang kaya ng inyong maliliit na utak? Utang na loob po sa mga tatakbong Mayor sa mga lugar na ito. Kung wala ho kayong alam at magagawa wag na ho kayong tumakbo at wag mang hawa ng ka bobohan sa mga taong nasasakupan nyo.  >:(