Heto ang payo ko sa iyo TS: Ang karamdaman mo ngayon ay isang komplikasyon dahil sa operasyon mo sa humerus (arm bone). Ito ay nangyayari kapag ang Radial Nerve ay tinatamaan dahil sa operasyon. Yung bale ng buto mo ay hindi ordinaryo, kung makikita mo ito ay sabug-sabog at nasa lugar kung saan nandoon din ang Radial Nerve. Sabi mo bago ka operahan nagagalaw mo pa ang wrist at hinlalaki ng kamay mo, at pagkatapos ng operasyon eh hindi ka na maka thumbs up. Ito ay isang sinyales na kung saan ang Radial Nerve ay posibleng tinamaan noong ikaw ay inoperahan. Maraming klaseng injury sa Radial Nerve. Ang pinaka common ay ang tawag ay Neuropraxia - ibig sabihin nahatak lang ang Radial Nerve at hindi ito putol. Malaki and chance na ito ay mag rerecover, kelan babalik ang function? usually sa loob ng 3 lingo hangang 6 na buwan. Ang sunod na posibleng injury sa Radial Nerve ay partially cut or totally cut ang nerve. Dito malamang hindi na mag rerecover. Ano ang dapat gawin mo? Dapat na explain sayo ng doktor mo ano ang expectation mo sa ganitong kalagayan. Una, sa kalagayan mo ngayon, kailangan kang mag hintay ng sapat na panahon, 3 weeks up to 6 months. Kung sakaling nahatak lang nga ang Radial Nerve, ito ay mag rerecover at dahan dahan babalik yung lakas at normal na pakiramdam ng kamay mo. Makaka pag thumbs up na rin ulit. Ang problema kapag sa loob ng panahon na ito eh di bumalik ang dating function ng kamay mo, malamang putol ang Radial Nerve. Paano mo malalaman kung nahatak lang o putol ang Radial Nerve? May examination na pwedeng gawin, ang tawag ay EMG-NCVS (Electromyographic Nerve Conduction Velocity Study) ng upper extremity. Dito malalaman kung ano ang estado ng Radial Nerve. Pwed mo itong ipa test usually three weeks after the operation para hindi na masyadong namamaga ang kamay mo. At medyo accurate na ang resulta nito sa loob ng panahon na ito. Yung protein or calcium ay walang kinalaman sa metabolismo ng buto sa edad mong ito. Nagiging mahalaga ang calcium sa mga taong may osteoporosis (brittle bones) lalo na sa mga babaeng menopausal at may sakit sa buto. Ang nangyari sa iyo ay isang disgrasya dahil,sa arm wrestling na walang kinalaman sa poor metabolism ng buto mo.