May nabasa ako dating thread sa ibang forums gumagamit sila ng Power Meter/Power Reader, bumabasa ito ng actual kunsumo ng electronics habang ginagamit.
Wag ka na daw gumamit ng AVR, may iba kasing brand na kumukunsumo ng 7-15 watts kahit walang nakasaksak, and naka on lang yung AVR. Surge protector or UPS daw pwede.
Tanggalin mo yung devices na nakakabit sa USB kapag hindi ginagamit.
Panatilihin mong virus free ang PC mo, viruses tend to slow your computer, using CPU resources, consuming more electricity compared sa idle lang, slowing your work, na mas maaga mo din sana natapos.
Pag nagpi-print ka, masmaganda pang iwan mong bukas ang printer kesa patay sindi lalo kung marami kang ipiprint, alam mo kapag nag power on ang printer? For around 1 min tinetest nya ang bawat part nya kung gumagana ng maayos. Umaabot ng 200-300 watts ang kunsumo nila kapag ginagawa nila un, kumpara sa 10-30 watts kapag iniwang nakabukas lang at idle.
Pero higit sa lahat, makakatipid ka kapag nag-upgrade ka ng bagong PC, gumamit ka ng Intel Sandy/Ivy Bridge/Haswell sa CPU and kung bibili ka ng video card kuha ka ng Radeon Series 7000. Syempre, LED monitors kung naka CRT ka pa din.