yung anak ko, nung suspected namin na nagkakadengue pinapainom agad namin ng tawa tawa, so far yung mga signs eh biglang umaatras/nawawala kaya pagcheckup sa doctor eh no findings.. D2 sa batangas sa bayan ng rosario, nay kilalang manggagamot, si "TUKLAW" yung ate ko, at 3 ko pinsan na hindi mapagaling sa ospital ng doktor eh dinala dun, yun gumaling.. di ako nagsisinungaling kasi kapamilya ko yung tinutukoy ko, di pasa pasang kwento.. Nung ipinapagamot nga dun yung ate ko sabi ng bunso ko kapatid may kasabay daw sila na nakagat ng asa, para na daw bang-aw, tumutulo laway, umuungol, pag nasa ganung stage na ang lam ko wala na pagasa yun at hihintayin na lang mamatay, pero sabi ng kapatid ko bago daw sila umalis eh nawawala na daw pagungol at pagtulo ng laway, nung una daw kasi eh sobra talaga ingay, tas parang bumabalik na sa katinuan, di lang sure kung anu talaga naging outcome dahil umalis na sila nung gumaling na ate ko..
Ngayon nga lang, yung mga anak na nung tuklaw ang makikita mo dun na namamahala at nanggagamot, di ko lam kung patay na yung tuklaw pero siguro buhay pa yun, mag nasa 40+ p lng edad sa balita ko.. Di ko sure kung magaling talaga yung mga anak na mangagamot..
yung yaya kasi ng anak ko, ngayun may dengue, dadalhin ko sana kay tuklaw kaso nagaalangan ako na baka di magaling yung mga anak nya manggamot at lalo lang lumala dahil hindi agad dinala sa doktor, baka pati sisihin ako ng kamaganak pag dun ko dinala at di agad sa ospital, baka kasi di nila alam yung kay tuklaw eh.. hayz, ngayun nasa regional hospital sya, bukas dadalhan ko ng tawa tawa, hirap nga lang dun ayaw uminom, parang bata eh 17yrs old na.. tulungan nyo po sana ako ipagdasal paggaling nya mga ka Espiya.. anyway, ito nga pala first post ko, gandang gabi po...