Buena Mano sa bagong bukas na board... sana magustuhan nyo...
PININYAHANG MANOK
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken
1 can Pineapple Chunks
1 small can Evaporated milk
1 large Potato (pa-cubes po ang hiwa)
1 thumb size Ginger (sliced)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
2 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Sugar
Salt and pepper to taste
Procedure ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang manok.Hayan ng ilang sandali (mga 5 to 10mins. habang naghihiwa ng ibang ingredients)
2. Sa isang kaserola o kawali, i-brown ng bahagya ang manok. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa parehong lutuan, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
4. Ilagay ang manok, patatas at ang syrup ng pineapple chunk. Takpan at hayaan ng mga limang minuto o hanggang maluto ang manok at patatas.
5. Ilagay na ang evap. Hayaan ng mga 2 minuto.
6. Huling ilagay ang pineapple chunk at 1 tsp. sugar..
7. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!! CHOW NA!!!
