Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Chicken Noodle Soup  (Read 1090 times)

MiKeDaCuTe

  • Laking Beer Brand!!!
  • Moderator
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3447
  • Karma 159
  • Gender: Male
  • Kung Kaya ng Iba, Ipagawa mo sa Kanila...
Chicken Noodle Soup
« on: August 17, 2013, 01:13:15 PM »


Mga Sangkap:
300 grams Spaghetti pasta (pagputol putolin sa tamang laki depende gusto)
2 pcs. Pitso ng manok
1 maliit na lata ng Evaporated milk
5 pcs ginayat na bawang
1 pcs ginayat na sibuyas
2 tbsp. Butter o margarine
Salt
dinikdik na paminta
nilagang itlog na hiniwa ng maninipis


Paraan ng pagluluto:
1. Pakuluan ang pitso ng manok sa kaserolang may tubig at asin. Hayaang kumulo ng mga 15 to 25 minuto.
2. Hanguin ang manok...palamigin at himayin ng pirapiraso.
3. Sa isang kaserola, ilagay ang butter o mantikilya at igisa ang bawang at sibuyas
4. Ilagay ang sabaw ng pinaglagaan ng manok. Hintayin kumulo.
5. Kung kumukulo na, ilagay na ang spaghetti pasta at ang hinimay na manok. halu-haluin para hindi magdikit-dikit ang pasta.
6. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa sa pamamagitan ng asin at paminta. Takpan at hayaang umalsa ang pasta noodles.
7. Kapag malapit ng maluto, hinaan ang apoy at ilagay ang evaporated milk. Haluin at pwede na ihain.
8. Lagyan ng hiniwang nilagang itlog sa ibabaw sa ibabaw bago ihain


tamang tama ngayong tag-ulan. sarap humigop ng maiinit na sabaw...


Yummy!!!




Schandelah

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1065
  • Karma 104
  • Gender: Female
  • Type_One's Girlfriend
Re: Chicken Noodle Soup
« Reply #1 on: August 17, 2013, 02:32:07 PM »
Like! :)
https://www.facebook.com/DJ.Schandelah.
Before, I have three weaknesses. Boys. Men. Males. Now there's only one. Type_One.