Member Reviews / Recommendations > Avoid This Place
BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
leightot:
repost lang from FB ingat ingat mga spies lalo na mga motorista.
Beware of this men... Around 9am last friday, naghatid kami sa airport. Pagkalabas namin ng NAIA terminal 1, sa may ilalim palang ng NAIA flyover, may grupo ng kalalakihan na nanghaharrass ng mga motorista. Kinakatok nila mga sasakyan habang traffic, may sumasampa sa side step, sabay punas sa windshield, tinaas pa nga ung wiper namin. Binuksan ng driver namin ng konti ang bintana para iabot ang bente, ayaw pa rin umalis. Kahit na umaandar na kami, nakasabit pa rin sila. Sinasara na ng driver namin ang window, "kuya ang daliri ko!, pangkain lang kuya sige na." Nag let go lang sya nang makita nya kong maglabas ng camphone at tinutok sa kanila. Nakuhanan ko ung nasa harap na crosswind na pinahinto din ng kasamahan nila. Fully opened na ang driver's window, kaya buong braso or upper torso ng guy ung napangharang nya para hindi maisara ang window. Hindi ko na alam kung ano nangyari sa kanila kasi nagovertake na kami. Pero scary sila kasi they were around 7-10 men. may kasamahan silang sumisilip sa loob ng compartment habang nangyayari ang lahat.
malditong pogi:
napansin ko din ito,napaka bulok talaga ng sistema sa pinas,pangit na ang airport pinapayagan pa nila yung mga tao na mang harass at mangikil sa mga tao na nandon.
lawrence205:
thanks kapatid sa mga ganitong information... ::redalert
meteor freak:
Thanks sa info sir, hindi lang sa labas ng airport meron nyan kahit sa loob dun sa parking lot ang dami nanghihingi, last time na umuwi ako dun sa parking lot kung saan naka park yung sasakyan na sumundo sakin ang dami sumalubong tinalo pa mga kamag anak ko sila nauuna, nanghihingi ng pera pangkain daw at gusto pa nila ay dollar o kaya riyal, hindi ko alam kung paano sila nakakapasok dun sa loob ng parking lot, yung iba nagpapanggap na nagtitinda ng sampaguita o kung ano man basta lang makapasok at makahingi ng pera sa mga dumadating, nakakatakot dahil madami sila at hindi sila pinapaalis ng mga guwardya.
Dapat siguro kung magpapasundo ka mas magandang gamitin yung sasakyan na tinted ang salamin para ma alapa sila na lumapit sa sasakyan nyo hindi nila kita kung sino nasa loob at syempre dapat sarado lahat ng bintana at naka lock ang pinto.
markakol:
matagal na sila doon TS mga nagrugby.sa ilalim ng tulay nakatira, malapit sa isang office ng airport police at NAIA security tapos sa unahan my police precinct. .un na ang hanap buhay nila minsan nagtatawag ng taxi tapos pag binigyan mo maliit di nila isasara ang pinto hangang magdagdag ka nalang.kaya ingat nalang mga ka espiya, dami dyan halang ang bituka sa baltao paranaque.
Navigation
[0] Message Index
[#] Next page
Go to full version