1) pag dating sa port of entry walang kasiguraduhan kung ilang buwan ibibigay sa i-94 mo or entry, pwedeng 6months max or pwedeng 1 day lang, lahat yan ay nakasalalay sa immigration officer at sa mga tanong nya sayo, pag nagkamali ka ng sagot at pinagdudahan ang intentions mo tapos na, papauwiin ka na, again BAWAL MAGTRABAHO USING A TOURIST VISA
2) ok lets say may sponsor ka, anong petition ang gagawin sayo? working or immigrant? ano ang basis ng petition? sobrang higpit ngayon dito pagnahuli ka deport agad at sayang ang ginastos mo, maraming gumagawa ng ganyan dito at marami ring nahuhuli
3) caregiver? they failed to mention KATULONG noh? madaming ganyan ang nauuwi caregiver sa pasyente tapos nagging katulong ng mga kamaganak
4) after 6 months ano na? yun yung malabo eh, after the 6 months ano uuwi ka na sa pilipinas? $40x183 days na nandito ka is $7320-$4545 na P200k na shellout mo = $2775 ang kinita mo or P122,100 after 6 months, as if kumita ka ng $462.50/month = P20,350 kung sa pinas mo trinabaho... provided hindi ka: lalabas ng bahay, wala kang bibilin, AT hindi ka magkakasakit dahil for sure wala kang medical insurance since tourist lang ang visa mo