pareho lang tayo.. my real father left us when i was about to come out (yun sabi nung nanay ko) then pareho rin tayong mahirap.. ang pinagkaiba lang natin e marunong yung nanay kong bumangon at itinaguyod nya ako.. and now ako na ang bumubuhay sa kanya.. bukod kasi sa paghihirap nya, sinabayan ko naman iyon ng sipag at syempre inayos ko yung pag-aaral ko, pumasok ako sa mga work like, delivery boy, counter sa store, spotter sa bilyaran, waiter, janitor, at mejo marami pa... pero di ko naman masasabi na successful ako ngayon.. meron lang akong magandang trabaho at regular na ako dito..
di mo na kailangan manghingi sa tatay mo.. magsikap ka at dagdagan mo ng konting sikap.. pag ok na kayo ng nanay mo.. lapitan mo na lang yung tatay mo para sabihin na "tatay, salamat po.. kung hindi nyo kami iniwan, hindi ako matututo" ganun lang.. buti ka nga malapit lang sayo tatay mo atleast madali mo yon masasabi.. ako di ko na sya nakita eversince..
kaya mo yan.. goodluck sa life mo!