Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Isang tanong po sa mga taga UAE, Abu Dhabi specifically.  (Read 1742 times)

Hitchhiker

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 64
  • Karma 2
  • You can never put a good man down...
Isang tanong po sa mga taga UAE, Abu Dhabi specifically.
« on: September 06, 2011, 06:34:57 pm »
Ako po ay ilang buwan pa lang dito sa Abu Dhabi, pero OFW na rin ako dati (1 1/2 years ako sa KSA). Kinuha ako ng bayaw kong 4 years na nagtatrabaho dito at kasama na rin nya ang family niya. Ang tanong ko po...Gaano po ba kahigpit ang batas dito patungkol sa Credit cards? Kasi po yung bayaw po ko ay nagbabalak na takasan ang mga bills nya, at di na bayaran. Ang dahilan nya, medyo gipit sila ngayon (nakikitira ko sa kanila ng kapatid ko along with their 1 child na nag-aaral na rin). Di na rin daw naman sya mati-trace sa immigration, kung saka-sakali man, kasi nakapagpalit na daw sya ng passport at bago na rin daw ang Visa niya (since he is working for a new company now). Magpapalit na lang daw sya ng Cel number para di na siya makontak ng banko.

Concern lang po ako sa magiging buhay namin dito kapag nahuli sya at makulong (naghahanap pa rin kasi ko ng work), lalu na ang family nya kung nagkataon. May trabaho naman po ang kapatid ko pero maliit lang para masustain yung buwanang gastusin nila.

Baka po may mai-share kayong payo para makumbinsi ko sya.  Salamat po in advance.

 ::moreinfo

Pope John Pervs

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 74
  • Karma 1
Re: Isang tanong po sa mga taga UAE, Abu Dhabi specifically.
« Reply #1 on: September 06, 2011, 06:37:19 pm »
you can go to jail there if you will not pay your credit card.

read this  interesting article from the New York times:

http://www.nytimes.com/2011/08/21/world/middleeast/21debtors.html?_r=1&pagewanted=all

snclllr

  • Mature (18+)
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 29
  • Karma 1
Re: Isang tanong po sa mga taga UAE, Abu Dhabi specifically.
« Reply #2 on: September 06, 2011, 07:13:39 pm »
i am not from UAE but from Qatar, basically we apply the same bank laws/principle.

kahit sabihin natin na nagpalit sya ng passport, visa, and cel number or even employer, there is still a big possibility na mahuli sya since we are using a one ID system. Once you have this madali ka na nilang ma-trace.

I suggest na makipag payment arrangement na lang sya sa bank nya para di kayo magkaroon ng problem in the future. 

blankito33

  • 2006 Vanguards
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 88
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Isang tanong po sa mga taga UAE, Abu Dhabi specifically.
« Reply #3 on: September 06, 2011, 08:57:52 pm »
hindi na siya makakauwi nyan kung balak nyang hindi bayaran ang mga cc nya. kasi nakatimbre na yan sa immigration sa airport. also, ang mga banks pag di ka na nagbayad ay magsasampa na ng kaso and possible talaga na makulog siya.

Sad to say pero yung ibang pinoy ang ginagawa eh umuuwi ng pinas kesa naman makulong sila. sa pinas kasi di ka na nila mahahabol eh.

SoLiD_ExZyLe

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 245
  • Karma 1
Re: Isang tanong po sa mga taga UAE, Abu Dhabi specifically.
« Reply #4 on: September 06, 2011, 09:21:37 pm »
I'm not also from UAE but from Qatar also. may kakilala kami dito dati na tinakasan din nya ang bills nya from dubai palang and then nagpunta dito sa Qatar. same lang din ang ginawa nagloan siya tas di din binayaran at umuwi ng pinas. sa pinas siya na trace at dun nakulong. ang balita before pa daw may nagpunta na sa kanila na malalaking katawan na tao at hinahanap siya.

advice ko lang chief ganito gawin nyo. may trabaho naman ata siya gawin nya makipag coordinate nalang siya sa bank and make an agreement na maliit lang yung ibawas or ang bayaran nila kahit paunti unti atleast may record siya na nagbabayad siya at di tumatakas. I think that is possible kasi nagawa na din ng friend ko pero sa loan siya..I don't know if same lang din sa CC..

I hope it helps.... toast::

Hitchhiker

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 64
  • Karma 2
  • You can never put a good man down...
Re: Isang tanong po sa mga taga UAE, Abu Dhabi specifically.
« Reply #5 on: September 06, 2011, 10:19:54 pm »
Salamat po mga kaespiya sa mga informaton.  Malaking tulong ang mga sagot nyo. Delikado pala talaga.

Ito ang para sa inyo... finger4u finger4u finger4u finger4u

japzky

  • zky's the limit
  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 617
  • Karma 12
  • Gender: Male
  • spread the LOVE yeow - My JAPS
Re: Isang tanong po sa mga taga UAE, Abu Dhabi specifically.
« Reply #6 on: September 07, 2011, 12:54:39 am »
very common na sa UAE ang mga pinoy na nababaon sa utang dahil sa hindi tamang pag gamit ng credit card. sa case ng bayaw mo, kahit sabihin niya na nag palit na siya ng passport at visa, napaka laki parin ng chance na mahuli siya dahil hindi naman niya mababago ang kanyang pangalan. same name na ginamit nya nung nag apply siya ng CC so malamang pag hindi ka na nag bayad ng monthly mo na nandito ka pa eh i pa block ka na sa immigration at malamang sa mahuli ka. i have lots of colleagues before na hindi na makayanan yung monthly na hulog nila so nag decide nalang na takasan, takasan means umuwi ng pilinas, gayun pa man hindi parin sila nakaka sigurado lalo na kung international yung bank na kinuhanan mo ng CC (Ex. HSBC) kase i heard na nakikipag ugnayan narin sila sa NBI.

ang pinaka magandang solution, masakit man ito eh pauwiin na yung bata hanggang maaga kase baka sponsor pa nya yun eh madamay pa kung sakali na mahuli siya. saka para mabawasan narin yung gastos nila, dahil sobrang mahal pa naman ng tuition.

tapos eto din ginawa ng iba kong kakilala, nag resign sila sa company para makuha na nila yung separation pay nila. then yung perang nakuha nila ang ginamit nila pambayad. pero shempre bago nila ginawa yun nag hanap muna sila ng bagong trabaho.. sa case ng bayaw mo kung nag stay siya sa isang company sa loob ng 4 years nya, medyo malaki na ang makukuha nya kung hihintayin lang niya yung 5 years...


Mine! Mine! Mine!

Hitchhiker

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 64
  • Karma 2
  • You can never put a good man down...
Re: Isang tanong po sa mga taga UAE, Abu Dhabi specifically.
« Reply #7 on: September 07, 2011, 01:24:47 am »
makakarating po sir japsky... marami na nga palang ganyang kaso dito.  Salamat ng marami.

 finger4u