madali lang mag jailbreak, punta ka lang sa site ng dev team.
kaka upgrade ko lang sa 3.0. ganda, at ok yung mga new features. cut and paste, landscape keyboard, voice memos, spotlight search, pwede na rin mag forward ng messages without downloading apps from cydia. actually, natuwa ako dun sa pag text. dati kasi di ka pwedeng mag forward, di ka rin pwede magdelete ng isang message lang. ngayon pwede na. though meron itong feature na to sa ibang basic phones, iba pa rin ang iphone experience. wala pa akong nakitang/nahawakan na touch screen phone na kasing responsive ng screen ng iphone. tsaka yung interface, ang dali gamitin. kung sa camera naman, ok rin sakin kahit 2mp lang. sa taas ng resolution ng iphone screen, mas maganda pa ito kesa sa mga 5mp na camphone kung sa phone mo titignan. syempre kung sa computer mo titignan eh mas maganda talaga ang 5mp. tsaka di ako bumili ng phone para sa camera, sa dami kong nababasang comments from other sites, kesyo pangit daw camera, ang masasabi ko lang eh, ok na yun para sakin, at di ko inasahang maging competitive ang cam ng iphone sa mga camphones sa market ngayon.
ok lang din ako walang bluetooth sharing, like mp3, movies. kasi piracy yun hehe. merong app ngayon na pwede ka na magtransfer ng data, like pictures, contacts through wifi. try niyo, mover app.
ang ayoko sa windows mobile e, napaka liit ng buttons, at ang hirap pindutin, kelangan stylus na kelangan press, hindi naman touch.
bottomline depende sa preference mo, kung gusto mo ng traditional and old reliable, eh mag nokia ka. pero kung gusto mo ng something new, and great features, try mo mag iphone. once na may iphone ka, ayaw mo na ng ibang phone hehe yun lang mwah!