Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: magpapahanap lang po!  (Read 2313 times)

paranoia_rebirth

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 443
  • Karma 15
  • Gender: Male
magpapahanap lang po!
« on: April 17, 2008, 05:14:15 am »
hello mga co-spies. magpapatulong sana ako magpahanap ng copy ng balita sa dyaryo dito sa net. sensya na kasi di ko alam yung name ng dyaryo eh and di ko rin alam kung anong year na nangyari yung crime kaya di ko mahanap sa archives ng ilang mga newspaper website na na-visit ko kahapon. rape crime po ito committed by a father to her daughter. the name of the father is Robert or Roberto A.Fernandez. chairman po sya ng cooperative namin for many years now and marami po syang illegal activities sa coop namin kaya gusto kong mabulgar tong kahayupan na ginawa nya sa anak nya a few years back. napakarami pa rin po kasing nagbubulag-bulagan at binoboto sya kahit alam naman ng karamihan sa amin na corrupt sya. kesyo maraming connections kaya natatakot sila.

anyway nalilihis na po yung kwento. basta yun lang po yung info na kaya kong ibigay kasi di ko alam yung real name ng wife and daughter nya. and kahit naman po alam ko hindi rin naman ilalagay yung real name ng rape victim sa news diba?

sana po matulungan nyo ako. elections sa coop namin ay sa katapusan na ng april so kailangan na kailangan ko ng copy nung news para masiwalat na yung ginawa nya. isipin nalang natin, kung sa sariling anak nga nya nagawa nyang halayin so hindi sya karapat-dapat maging mabuting halimbawa bilang isang leader kaya sana po tulungan nya ako.

marami pong salamat mga co-spies!

sinnerman

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 577
  • Karma 1
  • i love the mac
    • My Flickr
Re: magpapahanap lang po!
« Reply #1 on: April 17, 2008, 06:09:15 am »
yeah it's rape and i don't condone that. just one question: are you running on the opposite side?
If you can't take the heat, get out of the kitchen!
          The kitchen is not a democracy...

paranoia_rebirth

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 443
  • Karma 15
  • Gender: Male
Re: magpapahanap lang po!
« Reply #2 on: April 19, 2008, 12:32:12 pm »
Nope. Ako po ay isang taong may napakalaking malasakit lang po sa  institusyon namin at bilang staff na rin po nun. Tumagal na po ng 25 years ang coop namin pero sa isang iglap e pwedeng gumuho dahil sa maling pamamahala at sa dami na ng nadidispalko nyang pera. Gusto ko kasing gawing wake-up call sa mga co-members ko na nabubulagan sa pamumuno ng isang demonyong nagtatago sa gwapong mukha. Sana naman po matulungan nyo ako. Kung tutulong po kayo tumulong na lang po. Wag na po sanang maraming usisa kasi gahol na gahol na ako sa oras para paghandaan ang gagawin naming hakbang sa chairman namin. Please co-spies! I really need your help in this matter.

Shadow_Brainiac

  • "Anino ng Mga Makukulit"
  • Staff
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2323
  • Karma 26
  • Gender: Male
  • Shadow_Brainiac
    • Easy Earn While Viewing 30 Seconds Ads!!
Re: magpapahanap lang po!
« Reply #3 on: April 19, 2008, 12:41:34 pm »
Punta ka sa National Library sa Luneta. Don sa periodical section pwede mong mahanap ung sinasabi dahil lahat ng newspaper ay nandon naka archives.


paranoia_rebirth

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 443
  • Karma 15
  • Gender: Male
Re: magpapahanap lang po!
« Reply #4 on: April 19, 2008, 01:04:58 pm »
Di po ako makakapunta sa national library. Gaya nga po ng sabi ko staff ako sa coop namin. Everyday may pasok ako kaya di ko na magagawang gumala para hanapin yung kopya dun. Chaka kahit may time po ako makapunta di ko rin naman alam yung dyaryo chaka date nung pagkakaprint nun kaya talagang napakahirap kung hahanapin ko dun. 1 week nalang bago elections namin so kulang na kulang ako sa oras para hanapin pa yun sa national library. Kung matutulungan nyo ako mahanap yung copy kahit dito sa net ay napakalaking bagay na po. Sana matulungan nyo ako. Ayokong mabalewala lahat ng paghihirap ko sa coop na ito tapos babagsak lang dahil sa isang tao.

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: magpapahanap lang po!
« Reply #5 on: April 19, 2008, 02:31:59 pm »
maybe sa www.inq7.net...... andun din ang mga archives ng mga news nila.... maging sa tabloids and broadsheet eh itinatago rin nila for future references....  sayasaya:: sayasaya::

Adamas

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 5
  • Karma 0
Re: magpapahanap lang po!
« Reply #6 on: April 21, 2008, 03:18:09 pm »
If the guy was accused of rape (or was proven with evidence that he raped his daughter), I think there should be some sort of official record in the local police station right? Even if there was a news article that states that he is "suspected" of raping his daughter, it wouldn't hold up much if there's no real evidence found by the police investigators. A case without evidence will just end up as gossip.

I think your best chance of getting information out of him is through the local police if that is possible. Good luck on your well meaning plan.

paranoia_rebirth

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 443
  • Karma 15
  • Gender: Male
Re: magpapahanap lang po!
« Reply #7 on: April 22, 2008, 02:31:26 am »
kaya nga po sya malaya kahit na nang-rape sya is because malakas sya sa local police. pag nagtanong ako ng records nya, malamang makarating yun sa kanya. lagot na ako, hindi ko pa makukuha yung kailangan kong details nya and the crime itself. kaya nga po ako dito nagpapatulong kasi alam ko at tiwala akong walang tatrydor sakin dito.
« Last Edit: April 23, 2008, 03:47:15 am by nokia_5700 »

2d2f

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 10
  • Karma 0
Re: magpapahanap lang po!
« Reply #8 on: April 25, 2008, 05:50:43 am »
saang lugar nangyari at kelan nagreklamo sa pulis?
mahirap hanapin kahit sa archives ng dyaryo yan kaibigan. hindi pinapangalanan sa mas nakararaming diyaryo ang rapist kung anak niya yung sinasabing ni-rape. bawal yun, at para sa proteksiyon na rin ng biktima. isipin mo: itinago nga ang identity ng rape victim, pinangalanan naman yung tatay (o kahit sinong kamag-anak kung suspek), eh di nakilala din. pero may mga diyarista na minsan ay nakakaligtaang isipin kung nakakasira sa pagkatao ng biktima ang ginagawa nila.
marami palang na-dispalkong pera ng kooperatiba, bakit hindi ninyo ireklamo.
ang hirap din sa atin, hindi pa nga ninyo nasusubukang magtanong ng record sa pulis, may agam-agam o reluctance na agad. kung makarating sa kanya, tanggapin mong pag-iinitan ka niya dahil natural lang yun. mas may kredibilidad naman yata kung may lumantad na maninindigan para isiwalat ang kasiraan ng isang tao, kung may kinalaman nga sa pagpapatakbo ng kooperatiba ang sinasabing pangre-rape niya, kaysa sa basta nyo na lang ipinagkalat. hindi ba parang tsismis din yun?
walang malakas sa pulis, dahil iba ang women's and children's desk sa ibang krimen. ipagpalagay nang nakalusot siya sa lokal, may provincial at regional office pa at crame na puwedeng puntahan ng mga nagrereklamo kung talagang gusto nila.
-----