Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: CARNAPPING THEN DISPATCH Modus Operandi  (Read 1676 times)

mattsantiago

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 12
  • Karma 0
CARNAPPING THEN DISPATCH Modus Operandi
« on: February 23, 2008, 12:48:24 pm »
Good day po sa lahat,

Ito po ay kuwento ng Isang kaibigang matalik na biktima ng karumal dumal na krimen, Nangyari po ito nito lamang nakaraang huwebes February 21, 2008  sa pagitan ng 2:00 - 4:00 am ng madaling araw.

Nagsimula po ang mag pinsan na ito (Yuni at Rap Rap) na pumunta ng PICC starbucks upang mag kape dakong 10:00 ng gabi sakay sila ng bagong Red Honda Accord na pag aari ng isa sa Biktima (Yuni). habang binabaybay nila ang kalsada ay bigla na lamang silang Pinara ng mga naka civillian ngunit ang iba sa kanila ay naka jacket ng PDEA, mahigit sa sampo ang bilang nila at may sasakyan din sila.  at nagpakilala na nga sila na sila mga Pulis na galing sa PDEA sabay sumakay na ang iba sa kanila at tinutukan na sila ng baril at pinababa ang driver at sila na ang nag driver habang pinusasan ang dalang mag pinsan at saka sila piniringan at sa mga oras na yun nakuha na sa kanila ang kanilang mga cellphone, wallet, relo at ang dala nilang pera na mahigit P200,00.00. humarorot na sila papuntang north express way. sa mga Oras na yun ay nakikiusap ang mag pinsan na pakawalan na lamang sila at kunin na nila lahat ang pera, kotse, relo  etc..  ngunit hindi ito pinansin ng mga suspek  hanggang sa umabot na sila sa angeles pampanga sa isang liblib na lugar at pinababa sila , mga 2:00 am o kaya mahigit pa sa mga oras na yun. sa mga oras na yun napagtanto ng magpinsan na papatayin nga sila at mga ilang sigundo pa ang nakalipas ay binaril nga sa ulo  habang nakatalikod si Rap Rap at patay agad nung marinig yun ng pinsan niyang si Yuni ay tumalon ito at nagpagulong gulong habang siya ay pinag babaril ng mga suspek at dahil nakapiring pa at nakaposas siya hindi siya agad maka takbo at tinamaan ng dalawang beses. ang ginawa niya ay nag patay patayan siya . nang mawala na ang mga suspek ay saka siya naka hingi saklolo at sa kabutihang palad ng mga taga doon siya ay nadala sa Ospital at hanggang sa ngayon ay nag papagaling...

kung sinu man po ang nakakasaksi oa may alam sa mga pangyayaring ito ang biktima po nanawagan sa lahat at para sa mga impormasyon na makakatulong sa ikalulutas ng kasong ito puwede po kayong mag sadya sa ISNIHAYA RESTAURANT, GLOBO DE ORO street, QUIAPO MANILA  or puwede po ipaalam sa +639183946548..  or  puwede rin po sa e-mail add: mario_abusado@yahoo.com .. ang inyo pong tulong ay mananatili pong sekreto..
« Last Edit: February 28, 2008, 02:20:05 pm by mattsantiago »