napansin ko lang po na madami ang nagsulputang cellphone pawnshop ngayon...
dito sa amin meron akong kakilala na nagtayo ng ganung negosyo...
jb oliva cellphone pawnshop sa nasugbu, batangas...
1.5 percent ang kinukuhang tubo PER DAY...
15 days lang ang contract period... rematado ang cellphone mo pag hindi mo natubos sa loob ng 15 day period... absolutely walang extension!
laki ng kita nya ah... halimbawa, nagsangla ka ng cp mo... 1k nila kinuha... tutubo ng 15php per day ang kapital... so pag tinubos mo after 15 days, lumalagapak na (15phpx15 days=225php o 22.5%) so 1,225php ang tubos mo sa cellphone mo... ang taas ng tubo - HINDI NA YATA MAKATAO...
kaya nga nagsasangla eh kasi nagigipit... pero lalo yatang ginipit...
tanong lang po sa mga nasa ganitong uri ng negosyo, makatarungan po ba ang ginagawa nila? o legal pa ba ito...?
samantalang nagtanong ako sa ibang pawnshop... 10% na tubo sa 15 day period (10php sa 1k sa buong 15 day period) ... may grace period pang 5 days pagkatapos ng 15 days para matubos mo ang cp mo...