College-level mathematics kahit yung preparatory part lang, para ready na pag dating sa college.
Sa Computer, dapat parang introduction sa Computer Science, may focus sa algorithm design, hindi yung Internet Explorer, Word tsaka Excel yung tinuturo - maganda to sa mga students na kukuha ng Engineering, Physics, Statistics, Computer Science o iba pang related na course na maaring kelangan gumawa ng program ang studyante. Pwede namang pag-aralan yung Office within one day eh. =)
Dapat mag offer rin ng electives ang mga schools sa ibang fields para makapili ang studyante ng subject. Dapat mas mataas na rin ang standards ng schools, kung hindi satisfactory yung performance ng studyante, huwag syang papasahin. Marami kasing schools na sobrang lenient.
Tanggalin na rin siguro yung mga hindi importanteng subjects o kaya gawin na lang na electives: CAT (meron pa ba nito?), yung subject na gagawa kayo ng crafts (nakalimutan ko na kung anong tawag) Gawin nalang tong electives o tanggalin na lang.
Yung robotics (may nagpost) mukhang hindi necessary dahil specialized na field na ito at iilang students lang siguro ang may capability at interest na kumuha ng ganito. Anyway, meron namang mga Universities na nag-ooffer ng Robotics na course so hindi na siguro ito kelangang isama sa HS curriculum, pareho rin sa ibang mga similar, highly specialized subjects.