Hindi naman masyadong mahal pa-repair nyan kung talagang overheating lang ang problema at linis and/or bagong thermal paste lang. Wala pa siguro PhP500 kung sa shop. Kung ikaw gagawa, yung thermal paste mga PhP320 (Thermaltake), marami ka pang sobra for future use. Yung model ng laptop mo, madali lang naman baklasin. Pero kung medyo alanganin kang gawin, sa shop mo dalhin.
May mga dektop board na ngayon na gamit ay mobile cpu, eg Jetway NF9G-QM77 pero i-check mo muna yung mga specs kung compatible. Ganun din kung gusto mong i-downgrade yung processor to core 2, i-check mo kung specs ng laptop board kung pwede sya.
Pero kung ikaw, ako, check ko lang muna kung overheating nga ang problema.
Tip ko lang para hindi ka malito sa screw, ipaghiwa-hiwalay mo ng lalagyan yung kinalas depende kung saang lugar(bottom, top,etc). At mas madali kung may maual kang sinusundan