Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE

Author Topic: Router struck by lightning  (Read 1926 times)

oiwah

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 93
  • Karma 0
Router struck by lightning
« on: July 03, 2013, 04:16:59 am »
Kahapon kasi ang lakas ng ulan samin at may kasamang kidlat. Ayun nung minsang kumidlat bigla na lang naputol yung Inet Connection ko at nag hang na yung pc ko. Dun pa lang alam ko na tinamaan nanaman yung Smart Bro Cannopy ko at malamang sira nanaman yung LAN Card ko. (Nangyari na kasi dati sakin yun, thesis days nag blue screen yung pc ko buti LAN card lang ang nasira). Pero ngayon hindi nag blue screen pc ko, nag hang lang, dahil pala yung router ko ang nasira. Bumubukas pa sya pero lahat ng ilaw eh nakabukas na, hindi nagbiblink at hindi na rin sya nag rerelease ng Wifi signal. Ayun sira na talaga sya at suko na ko, papalitan ko na lang.

Ngayon ang tanong ko eh, may way ba para maiwasan yung ganun? hindi ko naman pedeng babaan yung cannopy kasi mawawalan naman ako ng signal. alam ko parang may wire na galing dun sa "box" ng smartbro na nakatusok na sa sahig namin. yun ba yung parang sa landline para sa ground? Wala ko idea eh.. hehehe.. Thanks in Advance!

 toast::

Telesforo

  • Member: 6799
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4429
  • Karma 78
  • Kamote Queue
    • Espiya ka ba? Magbasa ka muna!
Re: Router struck by lightning
« Reply #1 on: July 03, 2013, 04:31:21 am »

Grounded lang yung setup mo at hindi tinamaan kundi nadamay lang.

Pag tinamaan kasi ng kidlat sunog yung tatamaan at lahat ng electronic devices nyo na naka saksak ay malamang sira.

Mas magandang alisin mo yung cable na naka tusok sa lupa kasi yun ang cause nyan. At hindi advisable na gumamit ng antenna na naka POE pag kumikidlat. Ibig sabihin pag kumikidlat patayin mo Canopy mo or power off mo.

xeoxander01

  • Balikatan Participant
  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1625
  • Karma 16
  • Gender: Male
  • Beware of half truths. You may get the wrong half.
Re: Router struck by lightning
« Reply #2 on: July 03, 2013, 04:34:06 am »
lagyan mo ng lightning rod bayah mo.

http://en.wikipedia.org/wiki/Lightning_rod

oiwah

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 93
  • Karma 0
Re: Router struck by lightning
« Reply #3 on: July 03, 2013, 05:26:45 am »
Thanks Sir Telesforo. Balak ko naman na patayin yung PC ko nun kasi palakas nga ng palakas yung kidlat pero naunhan ako eh. So mali pala na sabihin kong tinamaan ng kidlat, so paano sya naapektuhan kung hindi sya direct tinamaan?

Telesforo

  • Member: 6799
  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4429
  • Karma 78
  • Kamote Queue
    • Espiya ka ba? Magbasa ka muna!
Re: Router struck by lightning
« Reply #4 on: July 03, 2013, 05:58:25 am »
Thanks Sir Telesforo. Balak ko naman na patayin yung PC ko nun kasi palakas nga ng palakas yung kidlat pero naunhan ako eh. So mali pala na sabihin kong tinamaan ng kidlat, so paano sya naapektuhan kung hindi sya direct tinamaan?

Yung Canopy mo is merong Power at hindi sya kagaya ng mga antenna ng Globe na antenna lang ang function at nasa loob ng bahay ang modem. Yung Canopy nasa labas ng bahay mo yung modem at mainit sya pag ginagamit.

Well lahat ng bagay na mainit at exposed may possible na tamaan ng kidlat. Same thing lang sa mga antenna na mga two-way radios na pag nag ta-transmit ka mas malaki ang chance na tamaan ng kidlat.

Yung sinabi ni xeoxander01 ay wala ring silbi pag direct kang tinamaan ng kidlat. Sumasabog yun, Pansinin mo mga mga powerlines merong lightning arresters kasi yun dapat ang unang tamaan para i redirect yung current sa ground. Para maiwasan na dumiretso sa mga kabahayan at merong kasamang fuse na bibitaw para ma disconnect ang power na malapit.