Bihira lang masunog ang CPU at motherboard, at kung natunaw man ito sa kakagamit mo, malamang within waranty pa ito. Basta maayos yung pagkakalagay ng CPU, may ventilation, nililinis mo yung alikabok sa heatsink, at hindi mo ito io-overclock, matagal ito bago matunaw. Ang mas karaniwang nasusunog at nagigiba ay yung hard drive, GPU at RAM. Kung bumili ka ng maayos na PSU, posibleng tumagal pa lalo ang lamang loob ng computer mo. Iwasan mo rin ang pag-uga at vibrations sa case kasi iyon ang karaniwang sanhi ng umpisang pagkasira ng hard drive. Hindi outright masisira yung hard drive, pero overtime baka malasin ka na kasalukuyang nagra-write yung harddrive nung nasipa mo yung case nito, o nabagsak mo sa case yung coke 2L na tinutungga mo.
As for AMD vs Intel, nasa price vs performance iyan. I-set mo muna ang budget, tapos saka mo tignan yung benchmarks and reviews sa mga tech websites ng product offer ng AMD at Intel na nasa price range mo.
Sa motherboard naman, wala halos pinagkaiba pagdating sa quality. Although nung bumili ako, ang tinignan ko ay yung placement ng PCI-e 16x at PCI-e 8x kasi balak kong mag-upgrade ng dual GPU balang araw.
Pero kung mago-overclock ka, diyan papasok yung quality nila. Siguraduhin mo munang may sapat na gamit ka para mag-overclock (ie, liquid cooling, additional fans, etc). Wala akong experience sa overclocking, kaya hindi ko alam kung alin sa mga ito yung mas matindi ang heat at electric current tolerance.