Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Question about Car Maintenance  (Read 1174 times)

cr3stfallen27

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 95
  • Karma 1
Question about Car Maintenance
« on: July 05, 2011, 11:23:36 pm »
Mga ka-espiya, sa kabutihang palad, ay magkakaroon na ako ng kotse anytime this month. Kaso yun pong matatanggap ko (na hand-me-down from my dad), e medyo di na maganda ang estado. Plano ko po sanang ipa-internal cleaning yung kotse dahil medyo marumi at masangsang. Plano ko ring ipa-repaint sana kasi marami ng bakbak na pintura. Sa kasamaang palad, hindi po ako makapaginquire sa presyo dahil busy po ako sa school (med student po ako). Nagtanong tanong po ako sa mga kaklase ko kaso wala silang idea dahil never pa raw sila nagpainternal cleaning at repaint.

Bale, tatanong ko po sana magkano ang usual price pag pinalinis ang ang interior ng kotse (including seats) at full repaint? Salamat mga kaespiya!

PS: Mod pakilipat na lang po kung maling thread ang napuntahan ko.

Belphegor

  • You Can't Kill What You Did Not Create.
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1068
  • Karma 18
  • Gender: Male
Re: Question about Car Maintenance
« Reply #1 on: July 06, 2011, 01:24:36 am »
kung vacuum sa loob pati sa carpet, pag nagpa-car wash ka dagdag ka na lang konti para vacuum nila loob ng kotse mo.
pero kung gusto mong linis na linis talaga, at may vacuum cleaner kayo, pwedeng ikaw na mag-vacuum, tanggalin mo lang mga carpet tapos lahat ng lugar na makita mo sa loob ng kotse mo na may alikabok o dumi vacuumin mo.
tapos kung naka-seat cover ka naman na tela, pa-labahan mo na lang, kung leather use leather cleaning agents.

about sa repaint, hilamos tawag diyan, same color or a shade of the color spectrum, nasa 12-15k yan dito sa cavite pero depende sa gagamiting paint. saka kung wet look pa ang gusto mo kalabasan after ng repaint pwede din. its up to you.

Why stand on a silent platform? Fight the War, F*ck the Norm!

alexchio9

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 249
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Question about Car Maintenance
« Reply #2 on: July 06, 2011, 01:27:40 am »
Tol, baka sakaling makatulong try mo sa BANAWE, para sigurado
AN OFFER CAN'T REFUSE....

balanar016

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 132
  • Karma 0
Re: Question about Car Maintenance
« Reply #3 on: July 06, 2011, 01:57:24 am »
pagka repaint pakisuyo mo na lang yung paglinis ng carpet sa loob ng kotse. regarding sa pagpapintura mo yung 12-15k na price walang oven yan so matagal tagal matapos yan kasi maulan kasi once napinturahan yan tas umulan bubula yung paint. add ka na lang ng onti 18-22k may mga oven yan para pulido yung pintura.  ;)

  • Pioneer
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 280
  • Karma 3
Re: Question about Car Maintenance
« Reply #4 on: July 06, 2011, 02:18:17 am »
kung masangsang ang amoy baka di na kayanin ng cleaning yan, isabay mo na lang sa pag repaint palitan mo na yung mga lumang carpet at seat cover ipa leather seat mo na .......