Nag apply na ako dito after almost a year din and I find it interesting though di pa ako nagsisimula magturo. Share ko lang din ang aking experience.
So I have a friend na QA ko before sa isang call center and she said nga na she is on RareJob. She is quite good sa English and matalino/smart, kaya no wonder na enjoy nya. I left the call center na pinagtatrabahuhan ko kasi pagod na ako sa schedule and parating palalim sa gabi ang binibigay ang schedule sa akin though may morning at mid shifts kami don.
After looking for other "normal working hours" jobs, hindi ko muna ito inapplyan until earlier this month. May callbacks na ako sa mga bangko, ibang call centers at small businesses, pero hindi ko tinuloy kasi nga naintriga na ako dito sa RareJob. Sino ba namang may gusto pa umalis ng bahay para magtrabaho, (may iba syempre preferred na ganon, pero homebody kasi ako) plus tipid pa kasi wala nang gastos sa gas, pamasahe at pagkain. So nag apply ako, after 2 days, may tumatawag sa akin, pero hindi ko nasagot dahil iba pa ang bodyclock ko. So in my waiting, nag apply rin ako sa iba which is PIKT. Well, hindi ako naimpress kasi hindi masyado magaling yung interviewer ko. I went on with that, nagdemo at sesetup daw ako ng meeting sa CEO na Indyano. That night, tumawag sa akin ang RareJob habang nasa mall ako. I was so impressed kasi ang galing ng kausap ko, sanay talaga mag interview at masaya kausap. (ETO IMPORTANTE PAG NAG APPLY KAYO) Pinadefine sa akin two words: Compliment and Complement. Dahil tanga ako minsan, pinaiba ko yung set ng words ko: Conscious at Conscience. Nadefine ko naman ng tama, kahit nag stutter ako at may mga fillers, pasok pa rin ako sa banga. Nagsetup ng Demo tutorial kinabukasan at nag email sya ng guidelines along with the mock lessons.
On the afternoon ng mock lessons, sobrang kabado ako, todo bihis kasi akala ko required ang webcam, hindi naman pala. Sinabi ng trainer ko na wag na lang daw i-on ang camera. So I went on with the demo, tinulungan muna nya ako paano magru-run ang demo at pano diskarte ang gagawin ko. She said na tatawag ako ng 2 minutes after the orientation. The demo went on at nagulat ako kasi ang galing nya mag-Japanese impression at Japanese accent. Parang crush ko na nga eh. haha! Anyway, dalawang lessons yun, hindi ko lang na manage ang time ko ng maganda kasi dapat 15 minutes lang, napachika na ako sa kanya ng matagal. Pero pasado naman.
Ngayon, kakasubmit ko lang ng requirements ko, 2x2 picture na scanned, a written intro and recorded na intro. Sinubmit ko ito sa link na binigay sa akin. Pinag-eexam pa nila ako which is valid for 60 days at kahit ilang tries mo gawin. Kelangan maka-75% ang grade mo. Ang exam na yun ay base naman sa FAQs at guidelines ng company.
130/hour ang rate ko. Makikita nyo agad yun right after the demo pag naglogin kayo sa website nila. Excited ako at kabado magsimula.
Nalito lang ako kasi sinabi nung interviewer sakin nung tinanong ko sya, na may morning shifts daw pag weekdays. Base sa sinabi ng TS dito sa thread at sa mga nabasa ko sa FAQs nila, mukhang 5-12AM pag weekdays lang at 8am onwards pag weekends. I'm looking forward sana na morning sa weekdays kasi may isa pa akong part time work sa radyo during that time.
Pasensya na kung mahaba. Sana ay na enlighten ko kayo ng konti kung nasan na ako now sa application process. Sabi ng friend ko, masaya naman daw at nakakatuwa, so meaning madali lang naman. Tiyaga lang ang kelangan dito para maka earn din kahit 20k per month. Tutal, morning naman sa weekends, pwede pa gumimik sa gabi di ba? Nasa bahay ka pa. 5 hours lang per day. Ang gusto ko rin dito, isang bagsakan ang sahod. Hindi yung kinsenas na ang hirap hirap ibudget. At least pag hawak mo nang lahat ang pera, may matitira at matitira pa rin.
TS, or sa mga tutors dito, may mga questions din ako, penge naman skype IDs nyo mga pre. Sa mga ka Espiya ko, apply na rin kayo, hanap tayo ng mga chicks na Haponesa. Haha!