Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Kaninong Doctor ka pupunta?  (Read 37590 times)

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Kaninong Doctor ka pupunta?
« on: March 16, 2011, 07:19:43 am »
Sa dinami dami ng klase ng doctor, di ba kayo nalilito or alam nyo ba kung kaninong doctor kayo pupunta? Minsan sa kadahilanan na di kasi natin alam kung kaninong doctor tayo pupunta, eh iyon pa ang nagiging dahilan kung bakit di tayo nagpapadoctor. Kadalasan sa General Practitioner lamang tayo nagpapakunsulta, pero minsan ay kailangan natin ng espesyalista.

Ginawa ko itong thread na ito para dagdag kaalaman na sa atin. Di ganoon karami ang alam kong mga klase ng doctor, kaya sana dugtungan nyo na lang kung ano man ang nalalaman nyo.

Dentist = Obvious sa ngipin. question ko lang is pati ba sa gum problems sila rin?

Pediatrician = Doctor ng mga bata. Pero hanggang ilang taon?

OB-Gyne = ang alam ko lang dito eh, dito kami nagpacheck up ng makabuntis.

Dermatologist = doctor para sa mga sakit sa balat.

Opthalmologists = Doctor Para sa mata.

Urologist = Kidney problems? manoy problems

Kanino tayo magpapacheck up para sa heart? sa lungs? STD? etc... dugtungan nyo na lang kung yung mga nabanggit ko ay para saan pa sila?

sana ma-pin ito para di matabunan, para madaling maghanap kung ano or saang klase doctor ba tayo pupunta
« Last Edit: March 16, 2011, 10:17:58 am by neckromancer »

Pierro7

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 4340
  • Karma 59
  • Gender: Male
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #1 on: March 16, 2011, 07:22:38 am »
i like this thread. sana nga ma-pin ito.

 ::moreinfo
gusto ko rin ipatingin itong injury ko sa balikat which is more than 2 years na. hindi ko lang alam kung saan magpapatingin.
A person becomes strong by accepting their fears.

pajd

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 915
  • Karma 5
  • Gender: Male
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #2 on: March 16, 2011, 07:29:18 am »
Pediatrician = Doctor ng mga bata. Pero hanggang ilang taon
below 18yrs old Pediatrician.

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #3 on: March 16, 2011, 07:30:29 am »
sa tanong ni Luciel ngayon ko lang naalala...

Orthopedists = espesyalista sa buto. ang tanong hanggang buto lang ba sila?

kung may ulcer kaninong doctor ka magpapatingin? ang dami kong tanong ano... tumatanda na kasi at kailangan may alam na ako kung kanino ako lalapit  laffman::

Pierro7

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 4340
  • Karma 59
  • Gender: Male
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #4 on: March 16, 2011, 07:32:43 am »
may naririnig akong cardiologist.
sa puso ba talaga yun?
or sort of surgeon na rin sila?
A person becomes strong by accepting their fears.

rex19

  • There can be only one...
  • 2008 Guardians
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 43
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #5 on: March 16, 2011, 07:38:26 am »
sa heart po ang cardiologist... cardio=cardiac... pag may ortho, sa bones or yung mga nabalian... ;D

Pierro7

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 4340
  • Karma 59
  • Gender: Male
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #6 on: March 16, 2011, 07:41:16 am »
sa heart po ang cardiologist... cardio=cardiac... pag may ortho, sa bones or yung mga nabalian... ;D
i mean, do they also perform heart surgery o tulad sila ng mga internal medicine which provides only medicines for the heart?
A person becomes strong by accepting their fears.

itsmeaddy

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 68
  • Karma 0
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #7 on: March 16, 2011, 07:49:09 am »
naalala ko madalas kami pumunta ng nanay ko sa GP / General Practitioner.
sabe kasi pag di mo pa alam anu sakit meron ka or kaninong doctor ka dapat,yun GP daw magrirefer
sa tamang doctor na kailangan mo.



TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #8 on: March 16, 2011, 08:00:27 am »
naalala ko madalas kami pumunta ng nanay ko sa GP / General Practitioner.
sabe kasi pag di mo pa alam anu sakit meron ka or kaninong doctor ka dapat,yun GP daw magrirefer
sa tamang doctor na kailangan mo.


minsan kasi alam naman nga natin kung anong sakit nararamdaman natin. para bang sayang lang ang gastos at oras na pupunta sa General Prctitioner, tapos in the end sa espesyalista ka rin nila ituturo.

brail123

  • Citizen
  • Posts: 1
  • Karma 0
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #9 on: March 16, 2011, 08:10:28 am »
para sa puso- cardiologist ka pupunta.

yamatoyukihiro

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1239
  • Karma 0
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #10 on: March 16, 2011, 08:19:36 am »
Interesting topic. Magbibigay din ako ng inputs ko ha.

OB-gynecologist - Usually associated sa mga buntis. Sila yung nagchecheck up sa mga babae habang nagbubuntis sila at sila rin ang nagpapaanak. Bukod pa dun sakop din nila ang reproductive health ng babae. Pwede ka rin magpacheckup sa kanila pag may mga kinalaman sa uterus, ovary, pagpapacheck up for cervical cancer.

Urologist - Medyo tama po na may kinalaman kay manoy ang chinecheck ng Urologist. Ang area naman kasi na hawak ng uro is yung urogenital system in both males and females. So pag may problema ka kunyari tungkol sa pag-ihi, gaya ng masakit o di kaya dumudugo sa kanila maganda magpatingin. Kung OB sa babae ang Uro hawak naman nila reproductive system ng lalake. Lam ko sa kanila nagpapatingin din yung may probs sa prostate. Sa kanila rin pwede magpatingin pag may mga bato sa kidney (na ang madalas na symptom is pain o bleeding sa pag-ihi).

Nephrologist - siya naman ang doktor sa kidneys. Although masasabi na parang part ng urinary system ang kidneys may ibang functions pa yun kaya pag beyond probs lang sa pag-ihi sa kanila na magpapatingin. Yung mga may komplikasyon (gaya ng diabetes, pagkalason, etc.)usually nagpapatingin sa nephro.

Allergologist - kung may derma para sa sakit ng balat, may allergo naman para sa iba't ibang allergy. Hindi rin kasi lahat ng sakit sa balat allergy dahil maraming iba ibang symptoms ang allergy. Pwede sila magconduct ng test sa balat mo para idetermine kung saan ka allergic (although may mga derma rin yata na gumagawa nun). Yung ibang allergo naman pwede magopera kapag matindi na ang bara ng lahat ng sinuses mo (resulta ng matagal at untreated na allergy. Meron ding Pedia-Allergo para sa mga 18 y/o and below.

Cardiologist - sila yung mga doktor sa puso. Pag nagsisimula ka na makaranas ng mga symptoms ng sakit sa puso gaya ng chest pain sa kanila maganda kumonsulta. Sila rin ang nagbibigay ng clearance sa iyo (nagbabasa ng ECG) before ka operahan kung stable ka ba cardio-wise para operahan.

Cardio-Surg - Sila yung mga cardio na pwede mag-opera. Hindi kasi lahat ng cardio pwede magopera. So kunyari may mga tatanggalin na bara or magpapaheart bypass sila yung gumagawa nun. Sa cardio ka muna dapat pakonsulta bago ka marefer sa cardio-surgeon.

Pulmonologist - sila yung mga doktor naman sa lungs. Pag may mga problema ka sa paghinga (hirap, kapos or masakit) sa kanila maganda magpatingin. Yung mga pulmonya sa kanila nagpapatingin.




KaMushroom

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1648
  • Karma 24
  • Gender: Male
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #11 on: March 16, 2011, 08:23:03 am »
specializations mga yan. parepareho din silang grumaduate at nakapasa na physician
tapos kukuha lang sila ng specialization after nila magkalicense.

surgeon lang nagoopera , anesthesiologist anesthesia
madami nga lang sub specialties ng surgeon, may cardio-surgeon  etc
yung kompletong list ng listahan.. uh google mo nalang "medical specializations(sa pinas)" di ko mahanap e
.

Pierro7

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 4340
  • Karma 59
  • Gender: Male
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #12 on: March 16, 2011, 08:24:21 am »
Interesting topic. Magbibigay din ako ng inputs ko ha.

Cardiologist - sila yung mga doktor sa puso. Pag nagsisimula ka na makaranas ng mga symptoms ng sakit sa puso gaya ng chest pain sa kanila maganda kumonsulta. Sila rin ang nagbibigay ng clearance sa iyo (nagbabasa ng ECG) before ka operahan kung stable ka ba cardio-wise para operahan.

Cardio-Surg - Sila yung mga cardio na pwede mag-opera. Hindi kasi lahat ng cardio pwede magopera. So kunyari may mga tatanggalin na bara or magpapaheart bypass sila yung gumagawa nun. Sa cardio ka muna dapat pakonsulta bago ka marefer sa cardio-surgeon.
LuCiel07 likes this.

this answers my query. thanks.
A person becomes strong by accepting their fears.

yamatoyukihiro

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1239
  • Karma 0
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #13 on: March 16, 2011, 08:39:34 am »
Hematologist - sa kanila nagpapatingin yung mga may sakit sa dugo. Wala pa akong alam na kaso ng isang tao na bigla lang magpapakonsulta sa hema. Usually kasi rinerefer ka jan e. Kasama sa mga nagpapatingin yung mga may leukemia.

Oncologist - sila naman yung doktor para sa mga may cancer. Sa kanila nagpapatingin yung mga naguundergo na ng chemotherapy or kung ano man na treatment for cancer. Hindi sila yung nagoopera at nagtatanggal ng mga bukol. Kung pakiramdam mo meron kang symptoms ng cancer (gaya ng mga sobrang laking bukol) sa kanila ka pwede magpatingin. Meron ding mga Hema-onco para sa mga may espesyal na blood conditions na kailangan din magpachemo.

Endocrinologist - dito ka magpapatingin kung meron kang diabetes (or kung may risk ka o history sa family). Sila yung mga nagpprescribe ng paggamit ng insulin at ng mga gamot sa pagcontrol ng blood sugar.

General Surgeon - sila yung mga pupuntahan mo kung may ipapaopera ka (major man o minor). Yung mga maliliit na bukol pwede mo ipaopera at ipatanggal sa kanila. Malawak kasi ang scope ng general surgery (kasi nga general) kaya kung ano anong operation usually ang pwede nila gawin.

Neurologist - sila naman yung mga papakonsultahan pag may problema sa nervous system. Yung mga may epilepsy, nasstroke, atbp sa kanila pwede magpatingin. Hawak din ata nila yung mga may alzheimer's. Meron ding neuro-surgeons na nagoopera. For example naaksidente sa kalsada or nastroke at kailangan buksan ung bumbunan, sila gumagawa nun.

Psychiatrist - sa kanila nagpapatingin yung may mga sakit sa pag-iisip, may topak in layman's terms. Mga adik (sa alak or drugs) din pinapatingin sa kanila kasi naaapektuhan din yung pagiisip pag may addiction.

yamatoyukihiro

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1239
  • Karma 0
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #14 on: March 16, 2011, 08:54:07 am »
eto di ko alam tawag sa doktor sa mga area na to kasi ang naririnig ko lang lagi is ortho or rehab.

Orthopedic doctor - sila nga yung mga doktor sa buto. So pag may bali (fracture) ka sa kahit saang part ng katawan mo sa kanila ka magpapatingin. Meron ding mga ortho-surgeon na nagoopera.

Rehab doctor (never ko na nalaman ano tawag sa kanila, basta taga-rehab na dr ang tawag ko lagi e) - sila naman yung mga doktor na kasama nung mga physical or occupational therapist. Maaassociate mo sila sa mga mayscoliosis kasi kailangan ng mga may ganun na sakit na magparehab. Yung mga napilay din na atleta ang nagsusupervise sa kung anong mga therapy gagawin para makabalik sila sa normal. Yung mga naiistroke din rinerefer dito para maalalayan sila namatrain uli yung muscles nila na manumbalik kahit onti yung lakas.

Anesthesiologist - sila yung kapartner ng mga surgeon (kahit anong surgery kailangan ng anesthesiologist). Minomonitor nila yung mga inooperahan kung stable pa ba sila after nila magbigay ng anesthesia. Bukod pa dun kapartner din sila minsan ng ibang doktor sa pain management. For example merong mga may cancer sa buto (sabihin nating stage 3 o 4) na sobrang dinadaing ng pasyente sa sakit, hawak din sila ng anesth at pwede sila magbigay ng matapang na pain reliever. Usually marerefer ka lang sa anesth at hindi ka makakapagpakonsulta dahil lang masakit ang tiyan mo.

Gastroenterologist - pag may mga daing ka naman sa tyan sa gastro ka magpapatingin. Mga problema sa pagdumi, mga ulcer at matagalang hyperacidity, mga di maintindihang pagsusuka, kabag o di matunawan, yun hawak nila

brucewayne

  • the capecrusaider
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3558
  • Karma 16
  • Gender: Male
  • isang Finger ka lang!
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #15 on: March 16, 2011, 09:01:02 am »
Salamat sa mga info! Marami kong matutunan dito. Minsan nga ang hirap magpadoktor. Pagpunta mo sa Ospital tapos iniisa isa mo dun sa Bulletin board nila yung mga pangalan ng mga doktor at specialist.Hirap mamili, mahal pa naman ang bayad tapos di pala dun.  finger4u psrulez::

docastro69

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 191
  • Karma 0
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #16 on: March 16, 2011, 09:49:19 am »
i mean, do they also perform heart surgery o tulad sila ng mga internal medicine which provides only medicines for the heart?

just to answer your question po..cardiologist is a specialist dealing with disorders of the heart which  includes diagnosis and treatment of congenital heart defects, coronary artery disease, heart failure, valvular heart disease and electrophysiology. they also perform some invasive procedures pero we should not  confuse Cardiologist with cardiac surgeons, cardiothoracic and cardiovascular, who are surgeons who perform cardiac surgery. which is a different specialty altogether pero sa field naman ng Surgery. hope nakatulong ng konti and add some info para sa lahat

gardov

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1359
  • Karma 43
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #17 on: March 16, 2011, 09:52:40 am »
Meron ding mga misconceptions pagdating sa dentistry. Yung mga dentist na pinupuntahan natin para magpalinis ng ipin, karaniwan mga general dentists lang sila... wala silang specialization pagdating sa dentistry.
Pwede lang sila mag diagnose ng problema at maglinis ng ipin... karaniwan kapag gusto mo magpabunot ng ipin, ire refer ka nila sa isang oral surgeon...


eto mga branches...

Pedodontics – A branch of dentistry that deals with the treatment of children’s teeth.

Periodontics – A branch of dentistry that deals with the prevention, diagnosis and treatment of diseases of the tissues and structures that are present around the teeth. And also maintainance hygiene and aesthetics of the tissues.

Prosthodontics – A branch of dentistry that deals with the restoration and maintainance of oral structures with structures and materials such as dentures and bridges.

Orthodontics – A branch of dentistry dealing with the maintainance of the posture and straightening of the teeth, management of irregularities and abnormalities of teeth, jaw and oral structures.

Endodontics – A branch of dentistry that deals with the prevention, diagnosis and treatment of the diseases affecting dental pulp, root and periapical tissues.

Pediatric Dentistry – A branch of dentistry that deals with the treatment of diseases in children and adolescents.

Oral Surgery – A branch of dentistry that deals with the surgical procedures and treatment related to teeth, jaws, face and other oral tissues.

Oral Pathology – A branch of dentistry that deals with investigation of causes, processes and effects of the diseases that affect the oral and maxillofacial tissues.

source: google

neckromancer

  • Senator Sayote
  • Moderator
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3844
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Dungeon Master
    • Ang Aking Munting Blog
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #18 on: March 16, 2011, 10:15:54 am »
LuCiel07: Subukan mo sa orthopedist. Kung matagal-tagal na rin, irerefer ka niya sa physiatrist, na magrerefer sa iyo sa isang PT for therapy. Bakit hindi mo subukang gumawa ng bagong thread for help?

Toblerone:Good job.

- Ang dentist hindi lang sa ngipin. Pati sa gilagid din. Ang orthodontist ay espesyalista sa dental appliances o prostheses (in short, pustiso, braces at mga support).

- Ang pediatrician ay doktor na espesyalista sa mga sakit ng bata, usually hanggang 20 years old, pero walang hard and fast rule dito. Madalas ang mga magulang na ang nagpapalit ng doktor since hindi na "childhood diseases" ang sakit. Ang mga obstetrician, bukod sa pagaalaga ng mga babaeng buntis, bagong panganak at nagpapasuso ay eksperto din sa mga sanggol.

- Ang gynecologist ay expert sa mga sakit ng babae, mula unang menstruation hanggang menopause. Ang obstetrics ay related lamang sa mga may kinalaman sa reproductive function gn katawan ng babae.

- Ang ophthalmologist ay expert sa mga sakit ng mata. Ang optometrist ay espesyalistang ohthalmologist na expert sa corrective eyewear. Ang optician ay isang technician na gumagawa ng salamin.

yamatoyukihiro

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1239
  • Karma 0
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #19 on: March 16, 2011, 10:20:24 am »
ok a. di ko alam madami pa palang branches ang destistry. 

neckromancer

  • Senator Sayote
  • Moderator
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3844
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Dungeon Master
    • Ang Aking Munting Blog
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #20 on: March 16, 2011, 10:29:40 am »
Usually sa isang ospital gaya ng Philippine Heart Center, hindi lang isang klase ng doktor ang hahawak sa pasyente. Ang isang taong kailangang magpa-bypass, halimbawa, ay may cardiologist na parang coordinator ng kanyang stay sa ospital. Iba pa ang cardiac surgeon, na siyang bahala sa operasyon, iba pa ang anesthesiologist (taga-adjust ng anesthesia sa operating room) at ang physiatrist (na minsan ay specialist pa sa cardiac rehabilitation medicine). Minsan, kung diabetic pa ang pasyente, may endocrinologist pa. Lahat sila, kasama ng mga nurse, medical technologist, therapist (physical, occupational, at speech pathologist), nutritionist, at iba pa gaya ng social worker (para sa mahihirap) at psychiatrist (para sa mga may mental illness) ay bahagi ng tinatawag na health care team.

2fear!

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6846
  • Karma 44
  • Gender: Male
  • Espiya - tapukanan sa DDS!
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #21 on: March 16, 2011, 10:42:42 am »
ito naman...


veterinarian... doktor ng mga hayop! hehe

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #22 on: March 16, 2011, 06:28:11 pm »
salamat sa nag share at tumangkilik at kay neckromancer na nagpin ng thread.

kaya lang di pa rin nasasagot isang tanong ko. kapag STD kanino pupunta?   ;D

isa lang ba ang pinupuntahan ng lalaki at babae kapag magpapatingin ng STD? or sa Gynecologist at Urologist din ba? or may espesyalista para sa STD? pati na rin yung pinakamalalang STD (HIV or AIDS) may espesyalista din ba para dito?

neckromancer

  • Senator Sayote
  • Moderator
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3844
  • Karma 17
  • Gender: Male
  • Dungeon Master
    • Ang Aking Munting Blog
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #23 on: March 18, 2011, 12:00:34 am »
Kung STD, madalas lumalapit ang mga tao sa urologist (para sa lalake) o sa gynecologist (para sa babae). Hindi lamang dahil sa expert ang mga ito sa mga sakit na pambabae o panglalake, kung hindi rin dahil sa essence ng mga sakit na ito. Sa pananaw ng Pilipino, ang pagkakaroon ng STD ay isang sakit na nakakahiya. Sa totoo lang, pwedeng lumapit ang tao na may STD sa general practitioner o sa dermatologist, depende sa symptoms na nararamdaman niya mula sa sakit. Ultimately, ang scope ng STD ay napakalawak kung saan maraming parte ng katawan ang apketado.

Just look at the ads sa mga tabloid. Mayroon tayong VD (venereal disease) specialists. Ang VD ay lumang term na ginagamit para sa STD, pero may connotation ito na ang VD ay sakit ng mga lalake na kumakalat sa pamamagitan ng mga babae (Venus) na sexist at inaccurate (dahil mayroong homosexual relations).

leightot

  • Pioneer VIP
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 7234
  • Karma 270
  • Gender: Male
  • BEA SUZY! ftw
Re: Kaninong Doctor ka pupunta?
« Reply #24 on: March 18, 2011, 12:07:53 am »
Orthodontist: An orthodontist is a dental specialist who works to prevent or correct misaligned teeth and jaws, which are called malocclusions or faulty occlusions. A person may seek the services of an orthodontist for cosmetic reasons as well as health reasons. Beside the insecurity and low self esteem that dental irregularities may cause, they can also affect a person’s ability to chew and speak. Severely misaligned teeth and jaws can cause snoring, sleep apnea and other breathing problems.