Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!  (Read 13630 times)

ֆ™JinDa™ֆ

  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 401
  • Karma 1
  • Gender: Male
  • YOU WILL NEVER WIN.IF YOU NEVER BEGIN.
Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« on: December 09, 2009, 09:19:53 am »
Hindi magdurusa ang mga Ampatuan sa pagkamatay ng 57 tao sa Maguindanao. Salamat kay Gloria Macapagal-Arroyo. Inilibre niya ang mga Ampatuan.


Ang akala ng publiko, binibigyan ng katarungan ni GMA ang nangya*ring pagpatay sa pagsasampa ng rebellion at murder laban sa mga Ampatuan.


Sa aking paningin bilang collge student, walang nangyaring rebellion. Absuwelto ang mga Ampatuan.


Tingnan nating mabuti ang mga pangyayari. Ang 57 pinatay ay hindi kalaban ng estado o gobyerno. Lalong hindi kalaban ng estado ang mga Ampatuan. Kaibigan pa nga sila at kaal*yado ni GMA.


Ang nangyaring pagpatay ay hindi para ibagsak ang estado. Isa itong political killing na ang pinagbibintangan ay ang mga Ampa*tuan. Ang ginawang pagpatay ay hindi para ibagsak ang estado.


Nasaan ang kasalanang rebelyon? Wala
Hindi magdurusa ang mga Ampatuan sa kasalanang murder at rebellion.

Matagal nang may desisyon ang Korte Suprema sa kaso ni yumaong Amado Hernandez, isang peryodista ng Taliba na ang pagpatay ay kasama sa kasalanang rebellion.


Kung mahatulan ng rebellion, hindi puwedeng mahatulan ng murder. Ang murder at panggagahasa ay mga kasalanang kala*kip ng rebellion.


Ipalagay na natin na mahatulan ng rebellion ang mga Ampa*tuan. Pero hindi sila puwedeng mahatulan sa kasalanang murder o panggagahasa.

Kung ganu’n, hindi sila magdurusa sa pagkamatay ng 57-katao, kasama ang 30 miyembro ng media.


Dahil wala naman talagang nangyaring rebellion, sa tingin ko absuwelto ang mga Ampatuan. Inilibre sila ni Gloria Arroyo.


Kung talagang katarungan ang hangad ni GMA sa pagkamatay ng 57 katao, murder ang demanda na dapat isampa sa mga Ampatuan. Baka hindi sila makalusot.


Bagaman wala isa mang Ampatuan noong oras ng pagpatay, natiyak na ang mga tauhan nila ang pumapatay. May mga testigo na nagsabi na utos ni Andal Ampatuan ang pagpatay sa mga tao na patungo sa kapitolyo para mag-file ng certificate of candidacy sa pa*ngalan ni Mangudadatu, kaaway sa pulitika ng mga Ampatuan.


Bukod doon, maraming nakitang armas kasama ang da*lawang tangke sa mansion ni Ampatuan. Hindi naman puwedeng lisensiyahan ang tangke.

Pero hindi naman ito ginamit para itumba ang pamahalaan ni GMA.


Walang ebidensya na nagtangka ang mga Ampatuan na ibagsak ang estado. Paano sila madedemanda sa kasalanang rebellion?


Pero rebellion lamang ang tanging paraan para huwag ma*nagot sa kasalanang murder ang mga Ampatuan. Kaya rebellion daw ang isasampang kasalanan.


Ang puwedeng isampang demanda sa bagay na ito ay illegal possession of firearms.


Matibay ang ebidensya sa kasalanang ito. Mahirap lusutan.


Ang paglilibre ni GMA sa mga Ampatuan sa kasalanang murder sa pamamagitan ng pagsasampa ng kasalanang rebellion ay isa sa maraming patunay na malaki ang utang na loob ni Gloria Arroyo sa mga Ampatuan.


Kung hindi dahil sa kanila, hindi mananalo si Gloria noong halalan 2004.


Ang ibig sabihin ng lahat ng ito ay malaki ang takot ni Pa*ngulong Arroyo sa mga Ampatuan. Paano nga naman kung kumanta at ibulgar sa madla na nandaya sila sa Maguindanao para manalo si Gloria?


Baka siya ang humarap sa rebellion ng mga tao na puwedeng suportahan ng mga sundalo sa Magdalo.


Bakit hindi mapilit si Ampatuan na dalhin sa Maynila tulad ng ginawa sa kanyang anak na si Andal Jr. Ayaw niyang umalis sa Davao. Doon siya gustong mabistahan. Sa kasalanang murder sana. Biglang gumaan ang kasalanan. Naging rebellion na lamang na hindi naman nangyari. Kahit nga pagtatangka ay hindi mapapatunayan.


Ang mapapatunayan ay ang pagpatay sa 57 katao.


Walang katarungang mahihintay ang pamilya ng mga namatay. Hindi mananagot ang mga Ampatuan sa murder. At malilibre pa sa kasalanang rebellion dahil hindi ito mapapatunayan.


Para sa akin, hustisya ng Dakilang Ama ang naghihintay kay Gloria Arroyo. Wala siyang pakialam sa hustisya ng tao. Ipagdasal natin siya.

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #1 on: December 09, 2009, 09:25:38 am »

umaasa pa ba tayo ng hustisya?

tulad ng sabi mo, malaki utang na loob ni gloria sa mga ampatuan, at dahil dito kaya nag hahari harian ang mga walanghiyang ampatuan na yan...

wala na rin akong maisip gawin sa mga taong yan, gusto ko magkandamatay na lang silang bigla lahat....

sagad sa buto ang kakapalan ng mukha ni arroyo kahit kailan, yung martial law niya moro moro lang yan

wolfpaq

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 177
  • Karma 0
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #2 on: December 09, 2009, 09:47:42 am »
God has his own way of dealing with arr*yo's and the amp*tuans.. Maaaring malabo ang hustisya sa ngayon,
but in the end there is a final justice... Everyone involved in it will suffer..

Nakakalungkot... it was just so UNFAIR!

Ang sarap maghigante para sa kanila..  >:(

Zuproc

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1673
  • Karma 12
  • Travelling is not that expensive. Diskarte lang!
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #3 on: December 09, 2009, 09:54:39 am »
nakakasama talaga ng loob itong nangyayari sa bansa natin. Wish ko nalang talaga, isang araw magising tayo sa bangungot na ito. .  Diko talaga maisip kung pano pa talaga natutulog tong mga to eh, mga walang konsensya. .

c0rn3lius

  • Guest
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #4 on: December 09, 2009, 09:58:00 am »
sa tagal ng mga nangyayari sa mindanao, political killings man o hindi, bakit ngayon lang nalantad tong mga ganito??



dahil ba sa may MEDIA na nadamay at nag iingay ang ibat ibang media organization? paano kung WALANG media na nadamay dun? mabalita o mailabas ito sa buong mundo??

palagay ko HINDI, paano na yung mga posibleng biktima din ng ibang political killings hindi lang sa maguindanao kundi sa ibat ibang panig ng mindanao?


mababaon na lang ba sa limot kasabay ng pagkakabaon nila sa lupa???

ֆ™JinDa™ֆ

  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 401
  • Karma 1
  • Gender: Male
  • YOU WILL NEVER WIN.IF YOU NEVER BEGIN.
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #5 on: December 09, 2009, 10:01:08 am »
ang martial law ay isang paraan lang din ni gloria para manatili sa poder marami tayong kapatid na muslim sa metro manila oh iba pang bayang ng sa luzon cno makapg sasabi na hindi puwedeng mangulo ang mga muslim diba wala? kung ayaw man nilanag sumali sa gulo hindi ba puwedeng gobyerno mismo ni aroyo mangaling ang gulo at isisi sa mga muslim lalabas na lumalaki ang gulo sa lunsod at sabihing may tangkang rebelyon? kung ito ang mangyayari pwedeng ilagay ni GMA ang boung bansa sa martial law ito ang maitim na balak ni GMA kung ito ay magkatoto hindi matutuloy ang eleksyon ang matutuloy ay ang pagbabahaba sa kanyang poder ;)


yun po eh sa aking pananaw lamang
ako sa tuwing uwiaan ko galing skul yan ang hinhintay ko sa news

voyager_

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2717
  • Karma 34
  • Gender: Male
  • ROG Strix GL753-VE
    • "The Iglesia Ni Cristo"
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #6 on: December 09, 2009, 10:12:20 am »
as i have seen in the news meron ng kinasuhan ng murder and meron na rin mga kinasuhan ng rebelyon....lets see n lang what will happen.

Rom 1:23  At pinalitan nila ang kaluwalhatian ng Dios na hindi nasisira, ng isang katulad ng larawan ng tao na nasisira, at ng mga ibon, at ng mga hayop na may apat na paa, at ng mga nagsisigapang.

Kurimasu

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3638
  • Karma 111
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #7 on: December 09, 2009, 10:54:07 am »
Bakit kaya ganito mga tao dito sa PILIPINAS, pag walang ginagawang action ang gobyerno, sasabihin nila, walang kwenta ang gobyerno dahil walang ginagawa, pag umaksyon naman ang gobyerno, magsasalita ulit ang mga tao, bat ganyan ang ginawa ng gobyerno? Bakit sobrang lupit naman ng ginawa ng gobyerno? Ano ba talaga? Puro kayo reklamo, puro kayo dada. Hindi ba kayo marunong maghintay? Kung gusto nyo ng pagbabago, umpisahan nyo sa sarili nyo. Wag nyong pinangunguhaan ang ibang tao. UNAHIN NYO SARILI NYO NA BAGUHIN!!!
Dark for fear of failure an inner gloom as wide as an eye and fermenting roiling hate death grip in my veins unveiling rancid petals flowering forth foul nectar the space between a blink and a tear ...death blooms...

marcusius

  • Embrace My Darkness
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 532
  • Karma 13
  • Gender: Male
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #8 on: December 09, 2009, 10:54:52 am »
Di ako nakapanood ng news.
Hmmm...ang tinutukoy mo ba kapatid na batas ay ang law against sa double jeopary?
so talagang iniwan dun ang mga armas sa bahay ng mga ampatuan upang magkaroon ng ebidensya ng rebelyon laban sa mga Ampatuan. interesting. ano sa tingin nyo mangyayari kung sakaling mapawalang-sala ang mga ampatuan na yan. tingin nyo ba ay tatanggapin yun ng mga tao? malamang ay hindi. masyadong malaki ang magiging epekto nyan at magiging hudyat ng maagang pagtatapos ng panunungkulan ng ating pangulo. tingin ko ay di yan sila papayagang makalaya pero malamang ay magiging komportable ang buhay nila sa loob ng kulungan,para na rin silang nasa pamamahay nila.
Darkness Waits Behind My Mask

yamatoyukihiro

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1239
  • Karma 0
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #9 on: December 09, 2009, 01:08:01 pm »
Bakit kaya ganito mga tao dito sa PILIPINAS, pag walang ginagawang action ang gobyerno, sasabihin nila, walang kwenta ang gobyerno dahil walang ginagawa, pag umaksyon naman ang gobyerno, magsasalita ulit ang mga tao, bat ganyan ang ginawa ng gobyerno? Bakit sobrang lupit naman ng ginawa ng gobyerno? Ano ba talaga? Puro kayo reklamo, puro kayo dada. Hindi ba kayo marunong maghintay? Kung gusto nyo ng pagbabago, umpisahan nyo sa sarili nyo. Wag nyong pinangunguhaan ang ibang tao. UNAHIN NYO SARILI NYO NA BAGUHIN!!!

Off topic: kahit saang bansa ka naman magpunta malaya magsalita ang mga tao kaya makakarinig at makakarinig ka ng iba ibang opinion, etc. relax ka lang, ang puso mo po. ahehe pero agree ako syempre na sa sarili nga nating dapat magsimula ang pagbabago.

On topic: di ko masyado pinagiisipan kahahantungan nyan pero obvious naman na kakaiba na rebellion ang kaso na isasampa. matatalino naman siguro ung mga nakaupo kaya malamang papaikutan lang nila ung batas.

2fear!

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 6846
  • Karma 44
  • Gender: Male
  • Espiya - tapukanan sa DDS!
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #10 on: December 09, 2009, 07:11:59 pm »
hay naku! nakakapagod tong pangyayari!

iniikot ikot lang tayo ng gobyerno!

halata namang isi-save din nila ang ampatuan clan sa huli!

waPakman

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 464
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #11 on: December 09, 2009, 07:46:04 pm »
Ito yung sinasabi na

Damn if you do!
Damn if you don't!
 8)
"If you find yourself in a hole stop digging."

King Cleavage "KC"

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 803
  • Karma 21
  • Gender: Male
  • I Am The Ultimate ASF & EB Babes Spy...
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #12 on: December 09, 2009, 08:24:29 pm »
ang sa tingin ko is while Ampatuan and his allies are jailed in Q.C, pwedeng pwedeng mangulo ang mga kaalyado niya na nasa labas pa dito sa Maynila, then that would cause GMA to declare martial law in Manila, the perfect plan!  ::inposition
~~HAZEL ANNE MENDOZA, MAJA SALVADOR, PIA GUANIO, KATRINA HALILI, CHYNNA ORTALEZA, JANELLE JAMER, LJ REYES, ANGEL LOCSIN~~... ahhh... putukan na!! ang sasarap ng mga yan.. shettt!!!!

UrAnus

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 600
  • Karma 1
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #13 on: December 09, 2009, 09:14:31 pm »
filing a case of rebellion would make the ampatuan easily eligible for parole and clemency and therefore cleaning up all the MESS they made with one-hit.   If they were filed directly with murder, illegal possession of high-powered firearm, rape, kidnapping, corruption, ....etc.. they would rot in jail..  Filing them with rebellion would only last 6 months in jail if they ask forgiveness to the president all the records will be gone....  "Kappuuut"...
Do what you think is right today and do it right tomorrow.

praeto_RYAN

  • It is an adjective, not a noun!
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2757
  • Karma 77
  • Gender: Male
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #14 on: December 09, 2009, 10:04:17 pm »
rebellion ba ang kinaso sa mga ampatuan or is it just the basis for declaring martial law?  kasi if it is rebellion that was charged the ampatuan, iisa lng masasabi ko- "AY, BOPOLS".

           ;D

tapos ang dapat ikaso sa mga grupo ni Sen Trillanes ay Jaywalking.

tapos ang dapat ikaso sa mga nagbebenta ng droga ay RAPE.

tapos ang dapat din ikaso sa atin dito sa espiya ay driving without license.

           toast::      ::lmao
When you brighten another's path, you also brighten your own. - Transsiberian (2008)

AlPacino

  • Webmasters/Programmer
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 52
  • Karma 0
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #15 on: December 09, 2009, 10:34:16 pm »
kung ano man meron tayong ganitong klaseng presidente ay dahil na rin sa mga umalipusta at nagpabagsak kay erap kaya naluklok si gloria dahil pinaniwalaan ng mga ibang tao ang mga paratang sa kanya..di nila alam exagerated at puro dagadag lang ang bintang kay erap nuon para mag aklas mga tao kasi nuon pa man maitim na balak nila gloria...isama mo pa ung mga kumpanyang gustong magtaas ng kuryente at tubig pagupo ni erap na hindi nya pinayagan kaya sumama kina gloria para pabagsakin si erap....sana matauhan ang mga tao na nagsasabi na bakit iboboto si erap...karamihan sa mga tao na nakay gloria nuon nakay noynoy ngayon...isip isip mga ka espiya

RiderX_23

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 620
  • Karma 11
  • Gender: Male
Re: Maitim na balak ni gloria part2 nilibre ang ampatuan!!!
« Reply #16 on: December 09, 2009, 10:52:33 pm »
Bakit kaya ganito mga tao dito sa PILIPINAS, pag walang ginagawang action ang gobyerno, sasabihin nila, walang kwenta ang gobyerno dahil walang ginagawa, pag umaksyon naman ang gobyerno, magsasalita ulit ang mga tao, bat ganyan ang ginawa ng gobyerno? Bakit sobrang lupit naman ng ginawa ng gobyerno? Ano ba talaga? Puro kayo reklamo, puro kayo dada. Hindi ba kayo marunong maghintay? Kung gusto nyo ng pagbabago, umpisahan nyo sa sarili nyo. Wag nyong pinangunguhaan ang ibang tao. UNAHIN NYO SARILI NYO NA BAGUHIN!!!

tama ka, hindi dapat puro dada at reklamo at puro patutsada... hindi na nga sila nakakatulong eh puro reklamo at batikos pa... pwede naman mag-hintay kayo bago mag-reklamo at magbatikos... unag-una hindi buong pilipinas ang may martial law.. & ang martial law ngayon ay hindi katulad ng martial law noong panahon ni marcos... and plz lang mag-aral muna sila at mag-research bago mag-batikos ok.... ika nga eh.. ignorance of the law, excuses no one... in latin "Ignorantia Legis Neminem Excusat.." ok po ba.... thanks po ito isa pa.... The law may harshed but its the law in latin "Oura Sed Lex.." ok po.... Thanks Ulit....

   

toomoprer

  • toomoprerSE
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 51
  • Karma 0
  • Gender: Male
    • University Of Alabama School Medicine
Allergy Medicine Not Working
« Reply #17 on: December 17, 2011, 06:43:40 am »
toomoprer, buy xanax online  It must be taken with a liquid solution which should be concentrated. http://www.onlinegametricks.com/ - xanax for sale

toomoprer

  • toomoprerSE
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 51
  • Karma 0
  • Gender: Male
    • University Of Alabama School Medicine
Alzheimer'S Medicine Aggression Delusions Hallucinations
« Reply #18 on: December 17, 2011, 06:48:57 am »
toomoprer, discount xanax  The doctor should also know if you are currently using other medications or herbal supplements. http://www.onlinegametricks.com/ - cheap xanax no prescription

toomoprer

  • toomoprerSE
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 51
  • Karma 0
  • Gender: Male
    • University Of Alabama School Medicine
Cdot Drug And Alcohol Testing
« Reply #19 on: December 17, 2011, 07:38:50 am »
toomoprer, buy alprazolam  The doctor should also know if you are currently using other medications or herbal supplements. http://www.onlinegametricks.com/ - buy alprazolam no prescription

toomoprer

  • toomoprerSE
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 51
  • Karma 0
  • Gender: Male
    • University Of Alabama School Medicine
Cost Of Medications For Adhd
« Reply #20 on: December 17, 2011, 08:08:06 am »
toomoprer, buy alprazolam  It?s a tablet that is known as an extended release tablet. http://www.onlinegametricks.com/ - cheap xanax online no prescription