Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: PLDT Payment Scam??  (Read 8395 times)

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
PLDT Payment Scam??
« on: October 28, 2009, 10:19:54 am »
i dunno kung scam syang matatawag, pero kasi pakiramdam ko niloloko nila mga tao based sa nalaman ko

ang PLDT di ba meron syang quick pay? eto yung hindi ka na dadaan sa teller para magbayad ng bill mo, just bring your payment stub and fill up some receipt there, then punta ka sa machine then follow the prompt lang, then drop your envelope kasama ng payment mo and payment stub then kunin mo yung receipt na ilalabas ng machine...

every month ganiyan ang ginagawa ko .....

until....

magbabayad ulit ako ng bill, this time it's 5,500 pesos, so fill up ko yung receipt, naka indicate in words yung exact figure ng pera ( five thousand five hundred pesos ) and nilagay ko sa sobre lahat ng pera which is 5,500 pesos ( limang 1000 and isang 500 ) then hinulog ko na sa machine, and got my final receipt...

the next month, dumating yung bill namin, nagulat ako kasi yung last payment na ginawa ko eh 5,000 lang ang nag appear, so ginawa ko pumunta ako sa pldt station, then tinanong ko kung bakit ganun? 5,000 lang ang nag appear sa last payment ko pero 5,500 ang nilagay ko sa sobre.... pinakita ko yung receipt ko which is 5,500 ang nakalagay na galing sa machine nila...

ang sabi ng teller na ewan na parang tanga kung sumagot, " sir, pwede ninyong ilagay sa receipt na pinipirmahan ninyo kahit magkano, kahit maglagay kayo ng 20,000 diyan ay pwede, kung magkano ang nilagay nyo diyan sa receipt ay yun din ang ibibigay sa inyo ng machine para maging official receipt ninyo, pero yung pera na natatanggap namin ay kung ano talaga yung nakalagay sa sobre "

so sabi ko " ano silbi netong resibo namin? kaya nga kami may resibo dahil para ipakita sa inyo yung payment na ginawa namin di ba? eh di bale wala lang pala ito " sabay lukot ko ng resibo at tapon sa likod, walang magawa yung guard kasi galit na galit ako, pinalalabas nilang sinungaling ako at 5,000 lang ang nilagay ko sa sobre samantalang 5,500 talaga yun

nagpahabol pa ko sa babae bago umalis.... " hindi na ko magtataka miss kung bawasan nyo yung payment namin, kasi everytime na magbabayad ako rito, ganiyan din yung ibang reklamo na naririnig ko, magaling maningil ang amo ninyo dahil mukhang pera "

sila lang ang company na hindi ina acknowledge ang receipt, 'langya subscriber nila tayo tapos walang silbi yung resibo


yan ang mga lopez, masyadong sakim at gahaman sa pera.......

Collection

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 250
  • Karma 4
Re: PLDT Payment Scam??
« Reply #1 on: October 28, 2009, 10:37:12 am »
Sayang bro. WRONG MOVE. Nagpadala ka sa galit mo. Ngayon wala ka ng evidence. DTI na sana ang katapat nyan.

bombom

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 648
  • Karma 3
Re: PLDT Payment Scam??
« Reply #2 on: October 28, 2009, 10:56:00 am »
off topic to bro pero matanong ko lang...
sa mga lopezes ba ang pldt? pagkakaalam ko eh kay manny pangilinan yun... nways, tama si sir collection, dapat sa dti nga un nirereklamo, kung anjan pa sana ang resibo...
"prinum nil nocere"

Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: PLDT Payment Scam??
« Reply #3 on: October 28, 2009, 11:03:45 am »
akala ko dati ay sa mga lopez yan, or me share sila, i dunno....

pero ang may ari pala nyan ay hindi taga rito...

its Mr. Liem Sioe Liong aka Suduno Salim. ewan ko ha, pero siya yung lumabas sa research ko eh...

gnardy

  • Anime Fans
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 98
  • Karma 0
Re: PLDT Payment Scam??
« Reply #4 on: October 28, 2009, 11:13:23 am »
si manny pangilinan ang may ari ng pldt.. hindi mga lopez.. sana nga nireklamo mo sa DTI..

VeilSpy

  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1390
  • Karma 28
Re: PLDT Payment Scam??
« Reply #5 on: October 28, 2009, 04:50:24 pm »
onga nu, para saan pa ung hawak nateng O.R. so pano nga nila malalaman kung meron mga gagong tao nga na naglalagay ng pera sa envelope na kulang tapos mag iinput sa machine ng mas higher amount. so meaning, hindi fool-proof ung machine nila..

at unfair naman din un sa mga taong nagbabayad ng MATINO. tapos palalabasin kesyo kulang daw ang nsa envelope. Edi sana tanggalin nalang nila ung walang kwentang machine nila na yan.. Bute nalang kahit papano 500 lang ang nawala.. pero sang ayon na din ako dun sa ginawa mo sir. At least nailabas mo ung galit mo sa kanila direkta.. kasi kung i DTI mo pa yan.. lalo ka mag susunog ng pera jan. Aabot pa sa korte yan.. eh magkano bayad sa abugado at sa filing fee palang lalo na oras mo pa wasted agad.. Ok na ung na  gun:: gun:: gun:: gun:: mo sila  toast::

Lopez group of companies ata may hawak nyan... pati meralco. si pangilinan ata SMART naman sya.. pero president lang ata..

da'don

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 587
  • Karma 2
  • Gender: Male
  • Immature artists imitate, Mature artists steal..
Re: PLDT Payment Scam??
« Reply #6 on: October 28, 2009, 06:40:06 pm »
Mag Bayantel na lang tayo hehe.. anyways, that sucks man. Mali nga naman sila doon, kaya nga may resibo para proof e..
_______________________
"Am I or the others crazy?"

Zany J.

  • Just Look In The EYE!!
  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 906
  • Karma 0
  • Gender: Male
  • we don't have a choice! kill! kill! kill!
Re: PLDT Payment Scam??
« Reply #7 on: October 28, 2009, 08:01:33 pm »
AMF, sucks.. dapat kase hindi na sila nagpapasobre pa... Dapat kase yong mga machine na nagsosobre pa eh para lang sa mga Cheques... Mga machine na binibilang muna at icoconfirm kung magkano talaga binayad mo eh dapat dun na lang ang cash...


Tsaka, anu ginagawa ng GUARD nila dun??? Saang branch yan pareng Ero, gago yang kaherang yan ahh...

TJHan

  • 2006 Vanguards
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 339
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: PLDT Payment Scam??
« Reply #8 on: October 28, 2009, 08:11:19 pm »
Di kasi final ang nasa reciept, para din yan sa banko, lagay mo sa envelope tapos declare mo magkano laman ng envelope, wala naman kasi robotic arm na mag open sa envelope at mag bibilang kaagad. so pwede mo e declare na 20k ang laman pero e final count pa rin nila ang envelope mo(with due respect, di ko sinasabi na sinungalin ka).

dahil may final count pa na di binilang sa harapan mo (tulad ng human teller), pwede kupitan ng staff ang envelope at sabihing kulang ang nasa envelope. pwede rin magkamali pag encode kasi walang final receipt na pwede mo ireklamo kaagad.

sana nag file ka ng complaint sa kanila tapos mag investigate sila baka may camera documentation sila sa opening ng envelope.  

para sa akin ang daming loopholes sa system kun wala silang strict and proper documentation sa mga ganyan. so far di man nagkaganyan sa banko payments namin pero ang bank kasi segurado na anticipate na nila lahat ng loopholes ( i think)  

TobleRONe

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 4863
  • Karma 123
  • Gender: Male
Re: PLDT Payment Scam??
« Reply #9 on: October 28, 2009, 08:15:17 pm »
yan din nga naisip last time na nagbayad ako. what if, sabihin nila na kulang yung binayad mo or kulang yung perang inilagay mo sa sobre. dito sa amin totally wala ng cashier. ia-accomodate ka lang nila kapag may disconnection notice ka na at mapuputulan na, saka ka pa lang pwede magtransact sa cashier. pero pag-up to date yung bill mo sa machine ka nila ituturo.

that sucks...  smoking::

Xtremist

  • "PinoySpy gentleman"
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2037
  • Karma 59
  • Gender: Male
  • comprende?
Re: PLDT Payment Scam??
« Reply #10 on: October 28, 2009, 11:24:29 pm »
nakakainis naman ang kwento. naka pldt pa man din kami. mali ang rason ng babae nakausap mo pareng eroto. ang resibo kasi eh para makita rin na nagbabayad sila ng tax. dapat ang mga ganon ay sinisipa na sa trabaho. kung may mali man, siguro ay pldt pero i'm sure ang babae maling mali.