Espiya

Member Reviews / Recommendations => Reviews/Ratings => Avoid This Place => : leightot January 21, 2013, 10:15:16 AM

: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: leightot January 21, 2013, 10:15:16 AM
repost lang from FB ingat ingat mga spies lalo na mga motorista.

(https://fbcdn-sphotos-e-a.akamaihd.net/hphotos-ak-prn1/29599_10151293434158122_1755437408_n.jpg)



Beware of this men... Around 9am last friday, naghatid kami sa airport. Pagkalabas namin ng NAIA terminal 1, sa may ilalim palang ng NAIA flyover, may grupo ng kalalakihan na nanghaharrass ng mga motorista. Kinakatok nila mga sasakyan habang traffic, may sumasampa sa side step, sabay punas sa windshield, tinaas pa nga ung wiper namin. Binuksan ng driver namin ng konti ang bintana para iabot ang bente, ayaw pa rin umalis. Kahit na umaandar na kami, nakasabit pa rin sila. Sinasara na ng driver namin ang window, "kuya ang daliri ko!, pangkain lang kuya sige na." Nag let go lang sya nang makita nya kong maglabas ng camphone at tinutok sa kanila. Nakuhanan ko ung nasa harap na crosswind na pinahinto din ng kasamahan nila. Fully opened na ang driver's window, kaya buong braso or upper torso ng guy ung napangharang nya para hindi maisara ang window. Hindi ko na alam kung ano nangyari sa kanila kasi nagovertake na kami. Pero scary sila kasi they were around 7-10 men. may kasamahan silang sumisilip sa loob ng compartment habang nangyayari ang lahat.

: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: malditong pogi January 21, 2013, 10:34:20 AM
napansin ko din ito,napaka bulok talaga ng sistema sa pinas,pangit na ang airport pinapayagan pa nila yung mga tao na mang harass at mangikil sa mga tao na nandon.
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: lawrence205 January 21, 2013, 10:38:16 AM
thanks kapatid sa mga ganitong information... ::redalert
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: meteor freak January 21, 2013, 10:53:05 AM
Thanks sa info sir, hindi lang sa labas ng airport meron nyan kahit sa loob dun sa parking lot ang dami nanghihingi, last time na umuwi ako dun sa parking lot kung saan naka park yung sasakyan na sumundo sakin ang dami sumalubong tinalo pa mga kamag anak ko sila nauuna, nanghihingi ng pera pangkain daw at gusto pa nila ay dollar o kaya riyal, hindi ko alam kung paano sila nakakapasok dun sa loob ng parking lot, yung iba nagpapanggap na nagtitinda ng sampaguita o kung ano man basta lang makapasok at makahingi ng pera sa mga dumadating, nakakatakot dahil madami sila at hindi sila pinapaalis ng mga guwardya.

Dapat siguro kung magpapasundo ka mas magandang gamitin yung sasakyan na tinted ang salamin para ma alapa sila na lumapit sa sasakyan nyo hindi nila kita kung sino nasa loob at syempre dapat sarado lahat ng bintana at naka lock ang pinto.
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: markakol January 21, 2013, 11:20:09 AM
matagal na sila doon TS mga nagrugby.sa ilalim ng tulay nakatira, malapit sa isang office ng airport police at NAIA security  tapos sa unahan my police precinct. .un na ang hanap buhay nila minsan nagtatawag ng taxi tapos pag binigyan mo maliit di nila isasara ang pinto hangang magdagdag ka nalang.kaya ingat nalang mga ka espiya, dami dyan halang ang bituka sa baltao paranaque.
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: kenji_kulet January 21, 2013, 11:28:09 AM
 smoking:: Last July 2011 nag bakasyon ako sa pinas may nakita rin akong ganito sa Terminal 3
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: Rockford January 21, 2013, 11:51:57 AM
Kaya ingat kayo mga peeps.

lagi ko nakikita yang mga yan sa umaga pagpapasok ako sa opisina, bandang mga 10am kung saan eh ma-trapik na.

ingat yung mga mahihilig sumundo sa mga balikbayan na naka van o suv kasi yan ang malimit na target nila. yung mga nakasliding window lang katulad ng mga naka adventure, l300 o grandia, lalo na yung mga naka light tint lang at kitang kita kayo sa loob.

kung di maiiwasang magdala ng ganitong sasakyan, dapat may kasama kayo na nakasakay sa likod na may pamalo dahil hindi talaga titigil yang mga yan. minsan manghahablot yan sa loob ng mga bags, bagahe at kung ano ano pa

ang nakakatawa pa sa sitwasyong ito....ang head quarters ng airport police ay nasa dulo lang, sa may baltao & yet di nila maayos ang problemang ito.

Mga Mandurukot - Its more FUN in the Philippines!




: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: 2fear! January 21, 2013, 01:14:15 PM
dapat sampulan tong mga to... araw araw may itutumba para matoto tong mga to!
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: eeedozzz January 21, 2013, 02:03:36 PM
sang ayon ako dyan ,ibaun na sila sa hukay isa-isa,wala nman na silbi yan kundi perwesyo sa bayan.....hindi yan kabawasan sa pinoy.
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: meteor freak January 21, 2013, 02:16:19 PM
dapat sampulan tong mga to... araw araw may itutumba para matoto tong mga to!

tama para madala, ewan ko lang kung umulit pa mga yan. Isumbong kaya kay Tulfo.
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: trasheremo January 21, 2013, 03:17:58 PM
ewan ko bakit nakakapasok sila dun sa arrival area parking lot ng NAIA.

lecheng mga guwardya at mga nasa NAIA bayad ng bayad sa terminal fee tapos ganun kundisyon ng lugar, dun sila magaling maningil ng parking fee.

nung umuwi ako kala ko driver namin ung nag bibit-bit ng maleta ko, naarkila lng kz ako ng sasakyan pag nauwi, un pla kargador na. Di ko lam panu nakapasok un.

Agree ako dyan, lalo na ung mga snatcher, dpat shoot to kill na yan mga perwisyo na yan.

palibhasa kz ung mga ibang pulit ka dikit yang mga snatcher.

hai pilipinas!
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: churizo January 21, 2013, 04:53:21 PM
Dito yan sa Pildera, mga natutulog sa ilalim ng flyover, marami ang mga yan at mga naka droga pa kaya konting ingat. Hayaan nyo lang na sumabit wala namang magagawa ang mga yan, makukulit lang talaga, basta wag na wag kayong magbubukas ng pinto or bintana dahil may mga dala ang mga yan saka marami sila. Hanggang dun lang naman sasabit ang mga yan sa stop light sa MIA road dahil dun naghihintay yun iba nilang tropa.
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: Smitty Werben Man Jensen January 21, 2013, 06:46:34 PM
Diyan may napatay yung anak ng boss ko eh lol. Mayabang kasi yun, hinarabas yung isang ganyang adik using his pajero kasi ganyan din ayaw bumaba. Nasaktan yung adik tapos napikon, tumawag ng resbak, pinagpapalo yung sasakyan. Ayun pinutukan ng baril, nagpunlasan yung resbak. Kaso natamaan pala sa femoral artery itong si adik kaya nagbleed out. Nakipagsettle yung pamilya for 30k. Unang hinihingi 150k. Parang pinamukha lang sa kanila kasama authorities na walang kwentang tao yung anak nila kaya natawaran ng sobrang baba lmao.
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: abusado2 January 21, 2013, 07:31:44 PM
dapat sampulan tong mga to... araw araw may itutumba para matoto tong mga to!

Ipadala ang DDS sa airport... sana maraming katulad si Digong
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: er1974 January 21, 2013, 07:50:36 PM
baka bata pa ng pulis mga yan kc malakas ang loob mang harrass
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: Ilonggo-by-blood January 21, 2013, 08:53:06 PM
Buti na lang hindi si Supt. Marantan ang may ari ng sasakyan kundi tiklop silang lahat
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: AzraelGriever January 21, 2013, 09:37:09 PM
Sa loob madami din.. Pang kape nga lang daw gusto eh. Dollars pa hinihingi.. 
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: NAPAKAPANGET January 21, 2013, 10:03:43 PM
Grabe talaga sitwasyon ng kahirapan sa atin...kailan kaya magiging maayos ang PINAS...tsk tsk...Root cause talaga nyan eh ang corrupt sa Government natin...sana malinis na lahat
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: pinpin January 21, 2013, 11:29:59 PM
meron din ganun sa may stop light ng CCP/ roxas boulevard.. ingat lang mga pips
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: madcarabao January 22, 2013, 08:53:52 AM
Pati sa mia road meron din yan.. Pag hindi mo binigyan mumurahin ka pa. Kahit siguro mga batang ages 7 up ganun na.
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: Extra Rice January 22, 2013, 10:18:59 PM
Kahit naman saan, merong mga ganyan...
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: 2 Witness 3 January 23, 2013, 12:02:09 AM
tama para madala, ewan ko lang kung umulit pa mga yan. Isumbong kaya kay Tulfo.

subong kay tulfo eh binugbog ni claudine bareto yun. laffman::
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: nivek_nayr January 23, 2013, 12:17:24 AM
dyan sa may trapik light ng naia2 left turn goin paranaque muntik pang sirain yun salamin ng sasakyan ko,nagbigay ka na hihirit pa.buti at may dumating na guard at nagsilayasan yun mga gago..hayaan nyo lang sila magpunas ng salamin at wag nyo bubuksan.
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: deekwatro January 23, 2013, 08:37:02 AM
nagyari na saamin ito, nung huling uwi ko, naninigarilyo kasi kami kaya bukas ang bintana namin...
sumasampa talaga at nang hihingi nang pang merienda, kahit 50Riyals daw.  :o
sinabihan na nang sumundo saakin na pulis sya pero ayaw parin maniwala. kaya wala nang nagawa yung kasama ko kung hindi ilabas yung bakal nya. dun palang tumakbo.
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: Cabron98 January 23, 2013, 10:11:32 AM
Marami rin mga namamalimos sa labas ng airport sa ibang country katulad sa Bangladesh, Pakistan at India pero mas nakakatakot yong mga namamalimos sa atin sa NAIA sila pa ang magsasabi ng price  laffman::
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: batang espiya January 23, 2013, 07:45:40 PM
Tumatanggap ba ng mga tseke tong mga to?!? 

K*nang Inang mga yan...  ;D

Pero seriously, nakakatakot nga yan pag ganyan...

Mga fellow spies... dapat i-forward natin to sa ABS, GMA, TV5 etc para mapalabas sa tv at maging aware ang ibang mga tao...

Punta nga ako sa mga website nita at try ko i-email to....

: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: meteor freak January 24, 2013, 01:02:28 AM
Tumatanggap ba ng mga tseke tong mga to?!? 

K*nang Inang mga yan...  ;D

Pero seriously, nakakatakot nga yan pag ganyan...

Mga fellow spies... dapat i-forward natin to sa ABS, GMA, TV5 etc para mapalabas sa tv at maging aware ang ibang mga tao...

Punta nga ako sa mga website nita at try ko i-email to....



Mas maganda kung video ang ipapadala mo sa kanila mas malinaw at kitang kita ang mga ginagawa at nangyayari doon, sana may mga ka spy na makakuha ng video o kaya concerned citizen  na mag upload sa facebook para mabigyan pansin ito ng media at makita at maaksyunan ng kinauukulan.
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: praeto_RYAN January 24, 2013, 01:11:13 AM
Mas maganda kung video ang ipapadala mo sa kanila mas malinaw at kitang kita ang mga ginagawa at nangyayari doon, sana may mga ka spy na makakuha ng video o kaya concerned citizen  na mag upload sa facebook para mabigyan pansin ito ng media at makita at maaksyunan ng kinauukulan.

since, pics lang ang available, maybe batang espiya can download the pics and send it to the networks for them to see if it is worth their time.  yung video, let them do their surveillance para sa kanilang news.

basta huwag mo ibibigay yung site natin ha.  download the pics and pics ang attach mo sa email mo sa kanila, ha batang espiya.
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: praeto_RYAN January 28, 2013, 09:20:18 PM
update lang sa topic, watched it sa news last night

GAGAMBA BOYS, nahuli ng mga pulis

http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/metro-manila/01/28/13/excl-police-nab-%E2%80%98gagamba-boys%E2%80%99 (http://www.abs-cbnnews.com/video/nation/metro-manila/01/28/13/excl-police-nab-%E2%80%98gagamba-boys%E2%80%99)

news showed pictures ~ that was also posted dito sa espiya by leightot.  ~ probably courtesy of batang espiya as per his post.

from what i think, this perps probably have the "blessing" of the authorities (police) in the area since they are operating with punity even if authorities are a stones-throw away.  likewise, we were in the area a some time ago with some plain-clothes to fetch someone.  as per SOP, those carrying declared such fact and showed papers to support such while entering the vicinity.  what is pretty glaring is on the way out, same scene as the picture posted be leightot, however, those perps, deliberately or coincidentally (your choice), avoided our group. 
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: leightot January 28, 2013, 09:34:53 PM
magaling magaling  :applause
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: praeto_RYAN January 29, 2013, 03:54:40 AM
as per what was said dun sa news, BAYAN PATROLLER na pala si leightot!!!

what is sad about the news is the news just saying that City Social Welfare looking into how they can help them, however, there is no mention of the police making sure that they don't go back to their old racket.  expect them to be around in one, two, three!
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: madcarabao February 01, 2013, 10:51:50 PM
sana isunod na yung sa mia road naman..
: Re: BEWARE: NAIA terminal road, under flyover.
: churizo November 19, 2013, 09:22:59 AM
Up ko lang mga ka-spies,

The past few weeks eh umaatake na naman sila pero this time eh sumasabit sila sa mga jeep para mang-holdap. Last week lang eh halos dalawang magkasunod na holdapan ang nangyari bandang 4-5 am. Mga byaheng papuntang Baclaran ang puntirya nila. Sasabit bandang Pildera at magdi-declare ng holdap malapit sa stoplight then bababa bago mag-overpass near 6-11. Tatlo lang silang holdaper, dalawa ang sasabit na may dalang icepick at isa ang papasok sa loob na may dalang sako para paglagyan ng bag. Kaya ingat-ingat nalang po...