Espiya

Espiya Newstand (Current Events, Classifieds, Events) => Current Discussions => Politics => : MiKeDaCuTe October 06, 2012, 11:42:43 AM

: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: MiKeDaCuTe October 06, 2012, 11:42:43 AM
eto na po ang hinahangad nyong pagbabago...  ::lmao  laffman::



Nanumpa kahapon, September 24, si Annabelle Rama kay former President Joseph "Erap" Estrada bilang miyembro ng political parties na Pwersa ng Masang Pilipino (PMP) at United Nationalist Alliance (UNA).

Ginanap ang oath taking ni Annabelle sa tahanan ni Erap sa Greenhills, San Juan City.

Ang panunumpa ni Annabelle ang kumpirmasyon na tuloy na tuloy ang pagkandidato niya sa 2013 bilang house representative ng North District ng Cebu.

GRATEFUL TO ERAP. Nagpasalamat si Annabelle kay Erap dahil sa pagtitiwala nito sa kanya.

Natuwa ang talent manager sa sinabi ng dating Pangulo na “strong contender” siya at kapwa sila mahal ng masang Pilipino.

Saad ni Annabelle sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Si Erap, matagal ko nang kaibigan 'yan, at saka kaibigan talaga siya ni Eddie [Gutierrez, her husband].

“May nagtanong sa akin, ‘Anong partido ka?’

“Gusto ko talaga kay Erap kaya maraming-maraming salamat, President Erap, sa pagtanggap mo sa akin, sa pagtitiwala mo sa akin na tinanggap mo ako as UNA candidate sa Cebu North District.”

STRONG CONTENDER. Kampante si Annabelle na malakas ang laban niya bilang kongresista sa North District ng Cebu.

“Talagang malakas,” sambit niya.

“Hindi sa pagyayabang, kasi sa pag-ikot-ikot ko sa Cebu, sa mga pulong-pulong, iba, e. Masa ang nakuha ko.

“Ang tawag nila sa akin, ‘idol.’ Niyayakap nila ako at inaabangan nila ako sa mga bahay-bahay nila.

“Pagpunta ko sa mga bahay-bahay nila, nasa labas na sila, nag-aabang sa akin.



Source:
http://www.pep.ph/news/35769/Annabelle-Rama-on-decision-to-run-for-Congress
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: Belphegor October 06, 2012, 11:49:47 AM
may bali-balita na hindi na daw talaga taga cebu si anabelle.
baka daw kwestyon.
anyways, anu kaya plano nya gawin pag nanalo sya?
saka, panu pag may naka-debate sya, tatalakan nya kaya?
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: bakekong12345678 October 06, 2012, 01:09:39 PM
eto lang masasabi ko tsk tsk... talaga nga naman... ::lmao ::lmao ::lmao
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: gkhan October 06, 2012, 01:55:25 PM
Kasalanan ba ng taga Manila pag iboto sya ng mga taga Cebu? Ano naman magagawa ng mga taga Davao kun gusto syang manungkulan ng mga Cebuano. Ang problema, affected tayong lahat sa mga gagawin nyang panukalang batas sa Kongreso.

I have nothing personal against her since I do not know her personally but judging from her decorum and behavior during the wake of Mr. Vera Quizon, do you think she has earned her rightful place in the world of civilized people?  With her public posturing and level of educational attainment, does anyone believe she can live up to intellectual discussion of legal issues with public service dimensions?  Can anyone here tell me whether there has been consistency for any advocacy she may have had that reflects a solid grasp of public issues?

I do hope our voters can scrutinize their candidates before they go to the polling place.  Otherwise, we only have ourselves to blame for the choices we make.
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: sajangnim October 06, 2012, 02:07:43 PM
di na naman katakataka sa mga kagaya nya ang umentra sa pulitika. magtataka talaga ako kung mananalo iyan! Most cebuenos i've known are intellectuals. Sa totoo lng di mo na naman kailangan gamitin isip dito e. Buksan mo lang mata mo at tenga malalaman mo kung me karapatan itong maging public official.
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: Dairycow October 06, 2012, 02:32:07 PM
ano gagawin niya pag may nakaaway siyang kongresista? susugurin niya at tatalakan?  :D
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: bombom October 06, 2012, 06:58:47 PM
Sana nag senador na lang sya at kung manalo, may katapat na si miriam. 
Seriously, wala talaga akong inaasahan sa kanya especially yun ugali nya na parang uncivilized. Gaya ng sabi ni sir gkhan, isang magandang halimbawa ay nung burol ni Dolphy.  Binastos nya ang lamay ng isa sa haligi ng showbiz.
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: alexchio9 October 06, 2012, 07:58:09 PM
Sana nag senador na lang sya at kung manalo, may katapat na si miriam. 
Seriously, wala talaga akong inaasahan sa kanya especially yun ugali nya na parang uncivilized. Gaya ng sabi ni sir gkhan, isang magandang halimbawa ay nung burol ni Dolphy.  Binastos nya ang lamay ng isa sa haligi ng showbiz.
Actually basta ba sa puso mo ang paninilbihan sa bayan ay di mo na kailangan ang mataas na pinag aralan basta ba may puso ka at dedikasyon ay okey na ito, aabangan ko ang priviledge speech ni annabelle ::)
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: -=Kurabo=- October 07, 2012, 12:56:04 AM
Actually basta ba sa puso mo ang paninilbihan sa bayan ay di mo na kailangan ang mataas na pinag aralan basta ba may puso ka at dedikasyon ay okey na ito, aabangan ko ang priviledge speech ni annabelle ::)

naku ganyan lahat ng rason ng mga di qualified tumakbo tulad ng mga artista at kung sino pang sikat na wala namang alam laffman::

naawa na ako sa Pinas para wala na tayong option at wla na talagang pagasa at kaya ang mga tulad ng kalidad nito ang tumatakbo kasi alam din nila kung ano meron kalidad ang mga utak ng mga Pinoy ganun na ba talag kabobo ang mga Pinoy?
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: batman217 October 07, 2012, 03:24:47 AM
Naku naman, kapal ng mukha ng bugaw na ito.

Siguro naman matatalino ang mga botante sa Cebu city North District at i-reelect pa rin nial ang incumbent na si Cutie Del Mar.
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: :: PaInE :: October 07, 2012, 03:39:24 AM
Naku naman, kapal ng mukha ng bugaw na ito.

Siguro naman matatalino ang mga botante sa Cebu city North District at i-reelect pa rin nial ang incumbent na si Cutie Del Mar.
yung ama nya ang tatakbo ngayon sir..
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: Gat J.P. Rizal October 07, 2012, 04:40:32 AM
Ano naman kung tumakbo siya or manalo?

Bat husgahan agad wala pa naman eleksyon or nanalot nakaupo siya.  Kung may nakikita man tayong di maganda sa TV kay Rama(well di lahat nasa news ay totoo) di po sapat na maging ganoon din siya kung manalo.

Saka na tayo maghusga kung andoon na siya at makita natin ano klasing pamamalakad niya, baka nga mas magaling pa sa mga trapong buwaya sa kongreso dyan.

: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: -=Kurabo=- October 07, 2012, 05:04:33 AM
Ano naman kung tumakbo siya or manalo?

Bat husgahan agad wala pa naman eleksyon or nanalot nakaupo siya.  Kung may nakikita man tayong di maganda sa TV kay Rama(well di lahat nasa news ay totoo) di po sapat na maging ganoon din siya kung manalo.

Saka na tayo maghusga kung andoon na siya at makita natin ano klasing pamamalakad niya, baka nga mas magaling pa sa mga trapong buwaya sa kongreso dyan.



may magandang example na ba tayo na magandang dulot ng mga tulad nila na tumakbo?
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: Gat J.P. Rizal October 07, 2012, 05:30:46 AM
may magandang example na ba tayo na magandang dulot ng mga tulad nila na tumakbo?

bat ba lahat ng nakaupong artista failure ba?  Eh nagkagulo na sana yung mga lugar na kung saan dating artista ang nakaupo.  Wag po nating i-generalize lahat maging patas po tayong maghusga.  Sa akin lng huwag agad maghusga kung ano2x na ang sinasabi di pa nga nanalo yung tao.
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: -=Kurabo=- October 07, 2012, 05:46:13 AM
bat ba lahat ng nakaupong artista failure ba?  Eh nagkagulo na sana yung mga lugar na kung saan dating artista ang nakaupo.  Wag po nating i-generalize lahat maging patas po tayong maghusga.  Sa akin lng huwag agad maghusga kung ano2x na ang sinasabi di pa nga nanalo yung tao.

tama ka naman mali ang husgahan agad pero alam natin kung bakit tumatakbo ang mga yan at alam rin natin kung anong kapasidad ng mga yan, kung gusto malaman ang kakayahan ng isang tao tingnan mo sa character at dun pa lang pwede mo na siyang husgahan kung ano kakayahan at klaseng katauhan meron siya, ngayon kung gusto natin umunlad ng Pilipinas mananatili pa rin ba tayong kunwari hindi alam, hindi pa rin ba tayo sawa?
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: KaMushroom October 07, 2012, 05:48:19 AM
Actually basta ba sa puso mo ang paninilbihan sa bayan ay di mo na kailangan ang mataas na pinag aralan basta ba may puso ka at dedikasyon ay okey na ito, aabangan ko ang priviledge speech ni annabelle ::)

Bakit di pa lahat ng may sakit e magpagamot na lang sa albularyong "gusto lang tumulong" o magpaOpera sa mga mekanikong gusto lang "mang gamot"

Kaya di maipasa pasa mga matitinong batas eh. Rh Bill  at freedom of information...
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: sajangnim October 07, 2012, 05:49:11 AM
: Gat J.P. Rizal
Saka na tayo maghusga kung andoon na siya at makita natin ano klasing pamamalakad niya, baka nga mas magaling pa sa mga trapong buwaya sa kongreso dyan.

no disrespect po ka-espiya pero kung ganito gagawin natin sa lahat ng gustong tumakbong public official (yun bang "subukan natin malay mo me magawa sa bansa" ) i'm sure our country will go down in sh*t.
pangkaraniwan na kasi na pinag-aaralan muna ng mamboboto ang mga kandidato bago sila ihalal. we look at their backgrounds, their achievements, past records, etc  if they are competent enough to hold an office. Then voters will decide if they would support or not the candidates. Di na ba tayo natuto sa kasabihang "nasa huli ang pagsisisisi"?
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: :: PaInE :: October 07, 2012, 07:06:49 AM
Cebu City is BOPK City  ;D
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: namster October 07, 2012, 08:50:53 AM
and the circus show will begin...
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: BoyDapa October 07, 2012, 10:54:26 PM
Naku ito pa isa, buti na lang dito na ako nakatira sa manila kung nagkataong sa cebu ako, di ko iboboto yan, anong gagawin nya sa cebu eh sa pinakita nyang ugali sa harap ng camera tulad ng mga awayan ng ibang mga manager na artista kala mo si mareng anabelle di nakatungtong ng eskwelahan kung magsalita walang preno..halatang wala sa lugar magsalita paano na kaya kung nasa kongreso ito, baka magwala na wala sa lugar ito ..dapat mag manager n lang sya ipaubaya n lang yang pulitika na yan sa ibang may kakayahan.... ::lmao
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: MiKeDaCuTe October 08, 2012, 11:12:54 AM
dapat kasi tanggalin na yung pork barrel...

malamang nyan iilan na lang ang maghahangad na tumakbo at malalaman natin kung sino talaga ang gahaman sa pera at mga pulitikong may political will
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: alexchio9 October 09, 2012, 04:34:09 AM
dapat kasi tanggalin na yung pork barrel...

malamang nyan iilan na lang ang maghahangad na tumakbo at malalaman natin kung sino talaga ang gahaman sa pera at mga pulitikong may political will
I agree with this dapat suweldo lang , kung gusto nila ng project dapat request nila sa DILG at ang mga agencies ng gobyerno mag iimplement hindi sila...
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: charliehouse October 30, 2012, 09:42:59 PM
She is way ahead of herself! come on, ni hindi nga siya naging municipal mayor eh, ano ba political background nya at experience? Isa to sa problema ng demokrasya porket may karapatan inaabuso at di man lang tumitingin sa sarili kung karapat-dapat ba siya...
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: slyph12 December 19, 2012, 01:52:12 PM
Annabelle Rama running for a seat? Pfffttt I love Miriam Defensor-Santiago to death and I can forgive her temperament/sanity. Annable Rama? Ano naman ang gagawin niya dun? Better stick na lang socializing with producers and executives. Ni nga charity work (except bazaars) walang record yan. Ugali niya pa na matapobre minsan. Pa-vip feeling sa lahat. Prominent na talent manager siya pero di siya bagay na maging public-servant.  Sana mag-comment si MDS tapos -challenge niya si Rama sa isang public debate. Para naman may maglagay kay Rama sa kaniyang  puwesto. Or for comedic purposes Erap and Rama in a debate tapos Miriam as a mediator.
: Re: Annabelle Rama on decision to run for Congress
: *schizophrenic* December 19, 2012, 03:50:11 PM
seriously??????

kahit i disregard natin ang attitude nya (lantaran na masyado sa tabloid. alam naman natin kahit sinu-sino nlang nakaka away nito) ano po ba quialifications nya? wala nga siyang matinung sagot sa tanong kung bakit siya tumakbo eh.

what is she thinking?? siguro sikat nga siya, pero not in a good way naman :D

si cutie del mar ba makakalaban nya?