Fitness and Health / Malusog na Espiya ==> Happy! > The Clinic

Kaninong Doctor ka pupunta?

(1/8) > >>

TobleRONe:
Sa dinami dami ng klase ng doctor, di ba kayo nalilito or alam nyo ba kung kaninong doctor kayo pupunta? Minsan sa kadahilanan na di kasi natin alam kung kaninong doctor tayo pupunta, eh iyon pa ang nagiging dahilan kung bakit di tayo nagpapadoctor. Kadalasan sa General Practitioner lamang tayo nagpapakunsulta, pero minsan ay kailangan natin ng espesyalista.

Ginawa ko itong thread na ito para dagdag kaalaman na sa atin. Di ganoon karami ang alam kong mga klase ng doctor, kaya sana dugtungan nyo na lang kung ano man ang nalalaman nyo.

Dentist = Obvious sa ngipin. question ko lang is pati ba sa gum problems sila rin?

Pediatrician = Doctor ng mga bata. Pero hanggang ilang taon?

OB-Gyne = ang alam ko lang dito eh, dito kami nagpacheck up ng makabuntis.

Dermatologist = doctor para sa mga sakit sa balat.

Opthalmologists = Doctor Para sa mata.

Urologist = Kidney problems? manoy problems

Kanino tayo magpapacheck up para sa heart? sa lungs? STD? etc... dugtungan nyo na lang kung yung mga nabanggit ko ay para saan pa sila?

sana ma-pin ito para di matabunan, para madaling maghanap kung ano or saang klase doctor ba tayo pupunta

Pierro7:
i like this thread. sana nga ma-pin ito.

 ::moreinfo
gusto ko rin ipatingin itong injury ko sa balikat which is more than 2 years na. hindi ko lang alam kung saan magpapatingin.

pajd:

--- Quote from: TobleRONe on March 16, 2011, 07:19:43 am ---Pediatrician = Doctor ng mga bata. Pero hanggang ilang taon

--- End quote ---
below 18yrs old Pediatrician.

TobleRONe:
sa tanong ni Luciel ngayon ko lang naalala...

Orthopedists = espesyalista sa buto. ang tanong hanggang buto lang ba sila?

kung may ulcer kaninong doctor ka magpapatingin? ang dami kong tanong ano... tumatanda na kasi at kailangan may alam na ako kung kanino ako lalapit  laffman::

Pierro7:
may naririnig akong cardiologist.
sa puso ba talaga yun?
or sort of surgeon na rin sila?

Navigation

[0] Message Index

[#] Next page

Go to full version