Marami namang paraan para tumigil ka sa paninigarilyo. Pero walang madaling paraan. Lahat ng mga ito pinaghihirapan.
My inputs. (Halu-halong sources)
1. Enlist the help of your friends, family and loved ones. Ipaalam mo sa kanila na titigil ka na sa paninigarilyo. Hingiin mo ang tulong nila at suporta. Set a date (ito ang magsisilbing GOAL mo) to STOP smoking and resolve to keep it.
2. Alamin mo ang mga situation na tumutulak sa iyo (stress, kapag nag-iisa, kapag kasama ang barkada na mahilig sa sigarilyo). Once alam mo na ang MGA ito (siguradong hindi lang isa iyan), make it a point to avoid these situations.
3. Ipaalam din sa iba ang mga situation na ito para tulungan ka to avoid them.
4. Keep your hands and mouth busy. Dito papasok ang role ng nicotine gum (actually kahit anong gum), pagbablog sa internet, paggigitara, pagharap kay Mary Palmer, etc.
5. Sumama ka sa mga situation na bawal o awkward manigarilyo.
Marami pang iba.