Hmm... 'Di muna ako sumagot kasi 10+ years na akong hindi involved sa hardware stuff, so baka hindi na updated ung alam ko. Pero since wala ibang sumasagot, let's try.
CRC is Cyclic Redundancy Check. Originally, mathematical algorithm sya to ensure na walang error ung data na tina-transmit/data na na-receive. Nung early days ng mga computer kahit pag-copy ng data from one disk to another e prone sa error so yan gamit nila para ma-ensure na na-copy ng tama ung data/file.
So pag-in-access mo ung file mo sa hard disk, technically, tina-transfer ung data from your hard disk papunta sa processor mo. Ina-apply nya uli ung CRC para malaman kung 'error-free' ung nabasa nyang file. Nung unang panahon, problematic din yan kahit from disk to CPU lang. Pero ngayon, malaki na improvements sa technology, so usually pag may na-report na CRC error sa disk files, ang cause e bad sectors o physical defects sa disk mo. So far, parang wala ako maalalang CRC error na (proven) caused by virus. Convenient lang kasing palusot na sabihing na-virus ung PC mo. Pero ang alam ko dyan, disk issue talaga.
Hindi kailangang mabagsak ng hard disk mo para magkaroon ng bad sectors. Pwedeng damaged na sya from the start, pwedeng nadikit sa malupit na magnet, pwedeng malupit na static or pwede ring matanda na talaga ung hard disk mo at kailangan na palitan, atbp. That's why sa malalaking companies, lagi silang may backups ng hard disk, kasi at anytime, pwede talaga mag-fail yan.
Tinanong kita kung may nadidinig ka na ticking sound kasi usually sign un na nag-crash ung hard disk. Once nag-crash yan, progressively masisira na ung buong disk, which sounds like what's happening to your disk. Sa loob kasi ng hard disk maraming parang diskette (kung inabot mo pa) na patong-patong, lahat un magnetically charged.
Tapos may tinatawag na disk head, yun ung magnetic metal stick na nagbabasa ng hard disk mo. Pareho yang magnetic, at pag sinabing nag-crash, ung disk head e nag-'crash' or dumikit sa disk.
Masamang mag-crash yan kasi mabilis umikot ung mga disk sa loob. Kung ich-check mo ung mga hard disk ngayon, yan ung stat na 5400 or 7200 rpm. Kakayod ung disk head sa disk mo at progressively na syang masisira.
Hindi ko sure kung nagw-work pa rin yan freezer technique sa ngayon kasi lumiit na ung mga components sa loob ng hard disk. Siguro use it as a last resort na lang. Hindi yan nakaka-ayos ng CRC errors, pero instead, it's supposed to prevent further damage para ma-copy out mo ung files mo. Ung hard disk head na nabanggit ko sa taas, since metal sya, nagsh-shrink yan pag malamig. So kung hard disk crash ung problem, pag nags-shrink ung head, magkaka-space na ulit between ng hard disk at disk head. Hindi yan permanenteng solusyon kasi eventually iinit uli hard disk mo at didikit/kakayod na sya ulit.
Baka meron dyang may updated info, curious din ako kung ano na nagbago.