Generally, di gaanong kataasan ang sundalong Pinoy so pag mahaba ang sandata, mahirapan itong gumalaw lalo na sa mga masikip na laban tulad ng urban warfare. Mas makakatulong pag maikli lamang ang sandata tulad ng AKSU, ang paratrooper version ng AK47. Higit na mas mura kung kukuha ng licensing agreement ang pamahalaan mula sa Ukraine or Czechoslovakia upang gawin na lamang dito sa ating bayan ang AK47 or ang AKSU. Dahil karamihan din sa mga sundalo o kapulisan ay di gaanong mahilig maglinis ng kanilang sandata, higit na nababagay sa kanila ang AK na di gaanong maselan sa kalinisan.