Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: How to improve my English speaking skills?  (Read 8977 times)

speedbluestar

  • Console Gamers
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 157
  • Karma 3
How to improve my English speaking skills?
« on: March 10, 2013, 10:14:14 pm »
Good day sa inyong lahat mga kaespiya, hihingi lang sana ako ng payo pagdating sa pagsasalita ng salitang Ingles. Andito na kasi ako sa US of A(napprove ung petition bigla) at medyo hirap kasi ako pagdating sa pagsasalita. College grad naman ako satin pero siguro hindi ko lang sinanay ang sarili ko sa English pero nakakapag sulat at basa naman ako(kasi may time ako mag isip). Hahaha...tanong ko lang din kung me alam ba kayo na English website tutor na maganda para makapag online class ako. Problema ko kasi eh pag nakikipagusap na ako eh parang nauubusan ako ng sasabihin, kinakabahan ako kung tama ba yung grammar na sinabi ko, mga tipong ganun ang problema ko. Hirap din ako sa mga accent nila kasi yung iba as in hindi ko talaga maintindihan. Hindi naman ako nagmamadali na maging fluent agad kaya lang parang ang bigat sa utak ko o yung hindi ka komportable sa kakaisip, di tulad sa Tagalog parang kusa na lang lumalabas sa dila mo. Salamat ulit mga kaespiya at pasensya na kung me kaespiya kayong hirap sa ganitong aspeto ng buhay.


*Mods kung wrong board palipat na lang po. Thanks! :) Mabuhay kayo!!  :D

dyeeLoo

  • ako si GONGPAGONG!
  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 900
  • Karma 2
  • Green Loving Entity
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #1 on: March 10, 2013, 10:23:29 pm »
Sir madali lang yan.. Experience lang. Ang wala kasi sayo ay confidence masyado kasi tayo (mga pinoy) konsyus sa mga grammar and shit... Wag ka mahiya mauunawaan ka naman ng mga kausap mo dahil di mo naman native language ang English.. Give your self a week or two.. Tignan mo maaply mo din pinagaralan mo.


Ingat dyan tol. 

tiberionx

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 470
  • Karma 29
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #2 on: March 10, 2013, 10:24:48 pm »
eh anjan ka na sa US, madali na yan, manood ng manood ng mga ingles na TV shows at minimize ang tagalog , yun lang :)

Kcatral

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 611
  • Karma 11
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #3 on: March 10, 2013, 10:25:47 pm »
Bro If you really need a tutor I try to research on Ann Cook American Accent Training Books  and cd which is downloadable in the internet

MasterChief63

  • fire your guns, it's time to run, BLOW ME AWAY
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 12329
  • Karma 254
  • Gender: Male
  • FINISH THE FIGHT...
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #4 on: March 10, 2013, 10:36:35 pm »
talk to yourself like a crazy person, just don let other people hear it out, listen to yourself talk, based on what you have watched in english TV shows and Movies you will heat this that sound grammatically incorrect or just sounds wrong, listen to yourself talk because the best way for you to improve yourself is realizing you said stuff that sounded really bad

zedlareg

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 209
  • Karma 0
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #5 on: March 10, 2013, 10:54:24 pm »
Good day sa inyong lahat mga kaespiya, hihingi lang sana ako ng payo pagdating sa pagsasalita ng salitang Ingles. Andito na kasi ako sa US of A(napprove ung petition bigla) at medyo hirap kasi ako pagdating sa pagsasalita. College grad naman ako satin pero siguro hindi ko lang sinanay ang sarili ko sa English pero nakakapag sulat at basa naman ako(kasi may time ako mag isip). Hahaha...tanong ko lang din kung me alam ba kayo na English website tutor na maganda para makapag online class ako. Problema ko kasi eh pag nakikipagusap na ako eh parang nauubusan ako ng sasabihin, kinakabahan ako kung tama ba yung grammar na sinabi ko, mga tipong ganun ang problema ko. Hirap din ako sa mga accent nila kasi yung iba as in hindi ko talaga maintindihan. Hindi naman ako nagmamadali na maging fluent agad kaya lang parang ang bigat sa utak ko o yung hindi ka komportable sa kakaisip, di tulad sa Tagalog parang kusa na lang lumalabas sa dila mo. Salamat ulit mga kaespiya at pasensya na kung me kaespiya kayong hirap sa ganitong aspeto ng buhay.


*Mods kung wrong board palipat na lang po. Thanks! :) Mabuhay kayo!!  :D



relax lang bro... and don't anticipate.... tao rin yang kausap mo... you're no less that anyone... ^^ ::secret ::secret

sajangnim

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 638
  • Karma 6
  • Gender: Male
  • HAR-HAR-HAR
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #6 on: March 10, 2013, 10:55:34 pm »
pag mauubusan ka na ng sasabihin singitan mo na lng ng "..you know".

ram_aussie

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 204
  • Karma 7
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #7 on: March 10, 2013, 10:58:15 pm »
Tama SI MC bro.talk aloud when you're alone.it'd help.try to construct simple sentences when speaking with someone.your housemates can also help and support you without being too conscious and feeling embarrassed.read and watch a lot.it wouldn't be like waving a magic wand but overtime if you persevere,you will get your desired outcome.you may not be like BAZ,MC,gkhan or some others here.may kanya-kanyang ability ang bawat Isa,but at the end of the day,its how you can express yourself in a right way.praktis Lang lagi. ;)

Don

  • Pioneer
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 591
  • Karma 2
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #8 on: March 10, 2013, 11:26:16 pm »
Bawasan mo TFC, manood ka lagi ng English.. news lagi tapos "ON" mo caption ng TV para nababasa mo yung sinasabi nila. Sa baguhan mahihirapan ka sa accent nila, lalo na sa itim at yung galing south.

MasterChief63

  • fire your guns, it's time to run, BLOW ME AWAY
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 12329
  • Karma 254
  • Gender: Male
  • FINISH THE FIGHT...
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #9 on: March 10, 2013, 11:51:45 pm »
the best way to understand American English is watching Stand-up comedy since theres a comic for every place in america from Blacks to whites to rednecks to latinos and whatever the hell Jo Koy is

batang espiya

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 842
  • Karma 3
  • Gender: Male
  • Breast milk is BEST for babies up to 75 years old
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #10 on: March 11, 2013, 12:21:39 am »
Jo Koy sucks! hehehe....

Speedblbuestar, unang-una sa lahat, congratulations at nakarating ka ng America. Pangalawa, agree ako sa mga suggestions/advice ng mga fellow spies natin. Katulad sa lahat ng bagay, practice lang ng practice at hindi mo mamamalayan na magaling ka na at confident ka na magsalita ng English.  Ang pinaka-importante, wag mahihiya na hindi "perfect" ang grammar mo.  Sa atin kasi, ang hilig mang-sita ng mga tao ng wrong grammar pagdating sa English, pero usually, kung sino pa yong mga mahilig mansita... sila rin mali-mali rin naman grammar kapag nagsalita na ng English... hehehe

Nood ka mga tv shows, mabilis mo mapipick-up yan... yon ang kagandahan din sa Pilipinas, naturuan tayo ng english sa  school at marami sa mga signage natin eh mga english words... remember, wag mahihiya..... ENGLISH is your second language (sometimes sa iba nga, 3rd o 4th pa) .. Okay lang na hindi maging "perfect"... ang importante ma-express mo ang gusto mo sabihin kahit na hindi American accent. Good luck!
You can't seee me!!!

kenji_kulet

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 5529
  • Karma 461
  • Gender: Male
  • Special Skills: kalabit penge gang , taga jumper ng kuryente , sipsip gas at mang-buriki ng bigas
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #11 on: March 11, 2013, 01:09:29 am »
Good day sa inyong lahat mga kaespiya, hihingi lang sana ako ng payo pagdating sa pagsasalita ng salitang Ingles. Andito na kasi ako sa US of A(napprove ung petition bigla) at medyo hirap kasi ako pagdating sa pagsasalita. College grad naman ako satin pero siguro hindi ko lang sinanay ang sarili ko sa English pero nakakapag sulat at basa naman ako(kasi may time ako mag isip). Hahaha...tanong ko lang din kung me alam ba kayo na English website tutor na maganda para makapag online class ako. Problema ko kasi eh pag nakikipagusap na ako eh parang nauubusan ako ng sasabihin, kinakabahan ako kung tama ba yung grammar na sinabi ko, mga tipong ganun ang problema ko. Hirap din ako sa mga accent nila kasi yung iba as in hindi ko talaga maintindihan. Hindi naman ako nagmamadali na maging fluent agad kaya lang parang ang bigat sa utak ko o yung hindi ka komportable sa kakaisip, di tulad sa Tagalog parang kusa na lang lumalabas sa dila mo. Salamat ulit mga kaespiya at pasensya na kung me kaespiya kayong hirap sa ganitong aspeto ng buhay.


*Mods kung wrong board palipat na lang po. Thanks! :) Mabuhay kayo!!  :D


wag kang mag alala kung nauubusan ka ng words , mas gusto ng mga amerikano na nag try and natutuwa sila sa ganun na nakikita nilang nag try ka mag english , di mo rin kelangan ng "perfect" words pag nakikipag usap ka...in time masasanay ka rin di mo mabubuang ka lang kung ipipilit mo maging perfect ang salita mo , mas madali kung California Accent medyo slang lang ang english

well  smoking:: kung southern naman mahihirapan ka talaga

Anders.Bonifacio

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 92
  • Karma 0
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #12 on: March 11, 2013, 01:34:09 am »
Nasa ibang bansa ka na naman, nasa paligid mo lang ang magiging tutor mo.

Wag ka mahiyang mag ask sa mga puti kung tama o mali ang gagamitin mong sentence. Also, try mong makipagusap ka sa kanila palagi.

Iwasan ang makipaghalubilo sa mga pinoy lang kung gusto mong tumaas ang antas ng iyong pananalita sa inglis.

Kung merong expression/phrase na hindi mo naintindihan, wag kang mag atubiling itanong sila kung ano meaning nun.

Magbasa lagi ng mga libro ( ingles syempre ).

Kumuha ka ng ESL ( English as a Second Language ) classes. Affordable ang mga classes na yan at sobrang importante kung gusto mo talagang mag improve.

Wag mo intindihin yung mga pinoy na taga dyan na nagsasabing di mo kailangan yang ESL classes. Kuhanin mo.

Wag mahiyang mag ask sa mga puti or mga pinoy na inglisero na.

hanrey

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 653
  • Karma 2
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #13 on: March 11, 2013, 02:35:08 am »
pag mauubusan ka na ng sasabihin singitan mo na lng ng "..you know".

hahaha ganitong ganito ako kung magsalita noon bago pa ako dito sa ta-te. "you know"?..

Chazy_Chaz

  • " Knowing is not enough, we must apply. Willing is not enough, We must do."
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1515
  • Karma 3
  • Gender: Male
  • Whats happenin?
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #14 on: March 11, 2013, 03:00:43 am »
Ganyan din ako nung una. Im 23 at 5 years na kami dito sa USA, mejo hirap din ako magadjust nung una.
Experience lang yan bro, masasanay Karin.
Nood ka English movies, familiarize mo sarili mo sa terms na bago sayo at Ibang English phrases.
Kausapin mo sarili mo pagnagiisa ka hehe magtulungan kayo ng isip mo. Practice lang.

Saka ka na magworry sa accent mo hehe.

Alam ng mga puti kapag Hindi English ang first language mo, kahit gano ka kafluent alam parin nila sa accent mo.




"So give me reason to prove me wrong, to wash this memory clean,
Let the floods cross the distance in your eyes!!"

CHILO20

  • Abysmal Chef
  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1044
  • Karma 4
  • Gender: Male
  • You are the reason why i fight and live on.
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #15 on: March 11, 2013, 03:39:52 am »
kung yung english slang medyo sa tingin ko you have to learn it from them. .
pero kung gusto mo matuto nang good english, ,
you have to learn the basics. .mechanics on how the words work
you have to start from nouns, verbs, adjectives, etc,
and how to put them together.
then move kana sa mga mas advance, sama mo nadin ung mga metaphors, simile so on. .

then watch a lot of english movies, series na may subtitles. .you should internalize ung mga words and practice
kapag bumubuo ka ng sentence dapat yung brain mo naka set sa english hindi sa tagalog. .mas mahirap kasi yung ganun medyo slowish ka magtranslate ng sasabihin mo sa english kasi tagalog naka set ung utak mo.

i never tried english lessons before. .i learned from myself only, and its important that to be enthusiastic.

Idiot

  • 2008 Guardians
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 3352
  • Karma 64
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #16 on: March 11, 2013, 04:11:33 am »
you don't need to pay or to conscious na parang GRAMMAR NAZI ka

di mo din kailangan bumili ng libro

as I said before mga pinoy lang ang super conscious at mapanghusga sa pagsasalita ng Inglsih lalaitin ka kapag mali grammar mo at may superiority complex pa kapag straight ang inglish (Colonial mentality)

nasabi na nila
watch  english films and comedy sketch then gayahin mo paano nila binibigkas huwag kang manunood ng tagalog or makipag-usap ng tagalog just talked yourself over and over again para matutunan mo yung "TWANG"

read magazines and books kung bored ka sa books FHM na lang at playboy or hustler har har

Americans don't bother about your Grammar as long they can understand you pwede mo kasi silang demanda kapag nilait ka har har



 



Erotomania

  • Espiya Drummer
  • Gold Member (Premium)
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 8606
  • Karma 288
  • i wish i had an angel
    • www.moderndrummer.com
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #17 on: March 11, 2013, 04:40:56 am »

i salute you bro sa pag amin niyan, kasi yung iba eh pinipilit na mag deny na mahina sa english eh pag narinig mo naman na magsalita terrible  laffman::

based on my experience bro, ganyan din ako nung bago ako rito. btw, im here in canada. yung first time ko sa job nahihiya ako makipag usap sa mga canadian dahil iniisip ko nga na baka mali ang grammar ko. dito naman sa canada hindi talaga pinapansin ang grammar, tayo lang talagang mga pinoy ang conscious, tapos pag may naririnig pa tayong mga pinoy abroad na baluktot mag english pinagtatawanan pa natin.

so ang ginawa ko para mas matuto akong makipag socialize sa kanila, naghanap ako ng trabaho na exposed ako sa lahat. aside from my day work, naging dj din ako at night. so natuto ako at nakita ko the way they speak, ang importante lang naman bro ay alam mo yung basics like past tense, present tense, noun, verbs etc.... ang nakikita kong problema mo ay yung construction ng sentence, ganiyan din ako dati. pero alam ko yung everyday english talk alam mo yun at sanay ka na doon.

ang isang tip na nakita ko kapag makikipag usap ka sa kanila ay pakinggan mong mabuti yung sasabihin nila. then pilitin mong sagutin ng simple lang. dati nung bago ako rito nagsasalita pa lang yung kausap ko iniisip ko na yung sasabihin ko, kinoconstruct ko na sa utak ko.  :D... tapos isa pang tip lagyan mo rin ng slang ang reply mo sa kanila, mas madali nilang maunawaan kapag slang. kapag medyo hindi mo na sila maintindihan dahil sobrang bilis na nila magsalita, sabihin mo lang "pardon" or "sorry" it means hindi mo na sila naiintindihan.

huwag kang mahiyang makipag usap sa kanila, ang importante lang alam mo ang HE and SHE at HIS/HER, eto ang madalas na nakikita kong problema ng mga baguhang ofw. kung tutuusin bro mas magaling tayo sa english kahit kanino mo pa itanong ikumpara mo sa mga koreans at chinese at iba pang lahi.

manood ka rin ng mga english movies, gayahin mo the way they talk and the way they move.

isa pang tip, mas masarap kausap ang mga babaeng puti  ;)

masasanay ka rin bro, tandaan mo lang na in the end Proper grammar signals a higher level of education, professionalism and, in many cases, success.

btw, naka encounter ka na ba ng mga baguhang pinoy dyan tapos pag kakausapin ka in english? yung tipong nakatira na sa america ng 20 years?  ;)

Xtremist

  • "PinoySpy gentleman"
  • 2007 Bravehearts
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2037
  • Karma 59
  • Gender: Male
  • comprende?
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #18 on: March 11, 2013, 04:48:34 am »
I suggest you watch "Friends" kasi standard American ang accent nila doon. I also recommend this site for technical grammar skills: http://www.bbc.co.uk/worldservice/learningenglish/. Best way? application lang. Makipag usap ka frequently sa mga American friends or colleagues mo or Fil Americans dyan.

Drailph

  • Mature (18+)
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 38
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #19 on: March 11, 2013, 05:26:47 am »
Talk more , even to yourself.
Think in English :).


badw33d

  • Gold Member (Premium)
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 150
  • Karma 4
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #20 on: March 11, 2013, 05:47:05 am »
every morning but an english newspaper e.g. Inquirer.

Go to your room, lock yourself up. Read the news as loud as you can, you will eventually learn to read and speak in english. After you get used to this, better listen to ENGLISH NEWS like CNN or BBC, this will also enhance your skills.

polgazcoy

  • Mature (18+)
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 120
  • Karma 2
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #21 on: March 11, 2013, 06:48:43 am »
Madali lang yan pare. Unang una, bumili ka or magbasa ka ng mga libro in english. Tapos ang gawin mo, instead na na basahin mo lang, sabihin mo lahat ng nababasa mo word per word. Tapos pakinggan mo din kung tama ba ang pagkakasabi mo, tapos kung sa tingin mo mali, basahin mo ulit til ma-perfect mo. Pag nakikipagusap ka naman ng english, imbes na ikaw ang kausapin, pangunahan mo kagad ng "hi" or "how are you?" Dito mo masisimulan ang pagiging self confident mo para masanay ka. Sa una, go for small talks then pag nasanay ka na, go for a full conversation. Wag ka din mahihiya na kausapin ang mga kasama mong pinoy in english, mapa-practice ka na, pati din sila.

Good luck bro!

Basta tatandaan mo lang, wag mo kakalimutan ang lupang hinirang. :) may mga kaibigan kasi ako, nakatungtong lang ng ibang bansa, akala na nila kung sino sila. Di na kagad nakakaintindi ng filipino. Hahaha. Labo! ::pampam

boydtibone

  • Mature (18+)
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 104
  • Karma 5
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #22 on: March 11, 2013, 07:55:59 am »
May speech club sa US na pwede mo puntahan. Toastmasters club ang pangalan (http://www.toastmasters.org/)

Basically ang ginagawa nila eh tinutulungan ang mga new ang old club members na maging confident sa pagsasalita. Sali ka dun bro. Malaki ang maitutulong sa iyo nun.  ;)

Adonai

  • <3 2 F ur MoM
  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1537
  • Karma 38
  • Gender: Male
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #23 on: March 11, 2013, 08:08:25 am »
Magbasa ka ng mga classic novels.
You're not your. This not these. It's not its. We're not were.

Thanks Gat J.P. Rizal for the Arsenal shirt. <3

clickaway

  • 2008 Guardians
  • Active - Three Stars
  • *
  • Posts: 395
  • Karma 9
Re: How to improve my English speaking skills?
« Reply #24 on: March 11, 2013, 08:15:11 am »
same problem kaso mas mahirap yata sa bansa na napuntahan ko... Australia... ang layo layo nila sa american english. accent and minsan iba yung terms nila sa mga object..

 
meron ba dito taga australia?