try mo sa jeddah medyo masaya pa yung environment duon westernized na sila and compared in riyadh stil mahigpit pa apply pa rin nila yung religion nila, kasi nanduon naka base yung KING nila.
pero kung first time mo better na pag aralan mong maigi yung JOB CONTRACT and SALARY OFFER sau isama mo na yung TRANSPORTATION and HOUSING. Alamin mo rin yung processing sa local agency natin yung iba kasi hinde mo na kailangan mag bayad ng placement fee kasi binayaran na ito ng employer mo, pero ang karamihan nag bibigay talaga ng placement fee minsan equivalent sa 1 month salary mo.
kasi madaming nadadali dyan pag dating sa work place naiiba na yung pinag kasunduan nyo, wag kang basta basta maniwala sa mga pangako ng employer mo na saka ka na lng nila lalakihan ng sahod after a certain time...
insist mo kaagad yung nakalagay sa contract na napag kasunduan nyo..
karamihan din ng mga competittors natin sa IT is mga indian nationals magagaling din sila pero magaling din tayo..
i hope this helps.