this past week nababanggit na nya na may bigatin syang co-host this coming monday.. and now it's revealed.. bigatin nga talaga sya..
Shalani Soledad will be Willie Revillame's co-host in Willing WillieSi Shalani Soledad ang magiging co-host ni Willie Revillame sa Willing Willie simula sa Lunes, November 8.
Ang magandang 30-year-old politician ang tinutukoy sa blind item sa PEP ALERTS na lumabas ngayong araw, November 6, tungkol sa "isang big-time at kontrobersiyal na female personality na ipapakilala sa Willing Willie sa Lunes, Nov. 8."
Ayon sa impormasyong nakalap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, November 5, nagkasarahan na ang negosasyon sa pagpasok ni Shalani sa programa ni Willie. Pero hindi pa malinaw kung nakakontrata na siya o nasa trial period pa lamang.
Isang malaking hakbang para kay Shalani, na naninilbihan bilang konsehal sa Valenzuela City, ang pagiging co-host ng isang malaganap na variety program gaya ng Willing Willie.
Ibig sabihin kasi nito ay tuluyan nang pinalawak ni Shalani ang kanyang mundo.
Mula sa pulitika ay tatawirin na rin niya ang mundo ng showbiz, kung saan mas magiging target siya ng intriga at kontrobersiya—ngunit mas magkakaroon din siya ng pangalan, mas makikilala sa buong bansa, at mas makaa-attract ng malalaking offers.
Read more on
PEP