Wala namang tao ang di nagkasala at sinumang tao na hindi nagkakasala na buhay pa e isang diyos. Kahit gaano ka kalinis na spiritwal dadapuan ka pa rin ng mga temptasyon gawa ng mundo kung saan tayo nabubuhay.
Mas mabuti na ang umamin sa pagkakasala, magpakumbaba, at unti unting magbago. Pero yung sasabihin ng isang relihiyon na sila lang ang tama at ligtas sa aking opinyon ay bordering to arrogance.
Walang malinis na relihiyon at kung sino man ang nake claim na sila ay malinis ay isang fake or farce.
Pero on topic, hindi ko alam ang direksyon ng Bocaue. Kahit naman sa Sta. Maria sumisikip ang daan gawa ng dumadaming tao o populasyon. Nuong 1992, hindi pa matao ang Sta. Maria pero ngayon sobrang sikip na. Gawa ito ng lack of urban planning na nag mimirror sa buong bansa. Kung may plano lang sila na dadami ang populasyon dapat niluwagan na nila ang daan from two lanes to four lanes. Dapat may designated sidewalk at detours para sa motorista.
Bro, kahit ang San Jose Del Monte na isa nang syudad ay wala ring magandang pambuliko or pribadong ospital. Hindi ko sinasabi na okay lang ang ganyang sitwasyon, bagkos ang pagbabago ay nasa mamamayan mismo. Hindi naman lahat ng taga-Bocaue ang kelangan umaksyon, kahit isang grupo lang ng mamamayan para sa proyekto na ikabubuti ng inyong bayan ay sapat na para sa unti-unting pagbabago at pagbangon ng inyong lugar.