Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: PDIC Scam  (Read 1707 times)

jpoks

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 167
  • Karma 38
PDIC Scam
« on: August 30, 2011, 11:35:11 am »
Kalampagin natin mga bossing ang mga pwedeng mag imbestiga sa mga katangahan at katamaran ng mga empleyado ng PDIC.
Nag sarado yung bank dito sa amin sa Bulacan, nang mag sarado nag padala ang PDIC ng mga representatives nila para ma claim namin yung pera namin. Ang daming hiningi at kinuha sa amin na mga papers, ID's, passbook, marriage cert, etc. After more than a year magpapadala sila ng sulat sa iyo na di complete o d nila makita ang ibang papers na sinubmit mo, again hihingan ka nila ng another set of documents para ma process ang claim mo. Again after ilang buwan ng follow up mo, papadalhan ka uli ng sulat n nagsasabi na due to unkown reason binalik ang checke na para sa iyo dahil di makita ng kartero address mo. Again hihingan ka nila ng letter na katunayan kung saan ang pressent address mo at maghihintay ka uli ng ilang buwan sa response nila.
Alam kong standard procedure to, what bothers me e una hiningi na nila lahat ang mga documents mo gaya ng passbook tapos sasabihin nila na di mo binigay sa kanila? e yun ang patunay na may account ka dun sa bangko! Paano kung wala kang xerox man lang kang patunay na may passbook ka? Pangalawa, yung account namin ng wife ko is joint account kaya hinati nila iyon, yung sa akin nakuha ko na 6 months ago pa. Sabay namin pinasa ang mga documents namin, we have the same address tapos sasabihin nila na ibinalik ang tseke nang wife ko kasi di makita ng kartero # ng bahay namin? Bat nakarating yung sa akin?
Mahigit 2 years na nagsara yung bank at marami p rin na taga dito sa amin ang di nakukuha nag claims nila dahil sa mga katangahang reasons nila na magpapatagal ng pagkuha ng claims. May kanya kanya tayong trabaho at obligasyon sa trabaho natin, ang obligasyon ng PDIC ay tulugan ang mga tao na makuha ang pera nila na pinaghirapan ipunin di pahirapan ang mga tao sa pagkuha ng pera na pinaghirapan nila dahil sa katangahan at katamaran nila.

nheil

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 14
  • Karma 0
Re: PDIC Scam
« Reply #1 on: August 30, 2011, 12:18:54 pm »
may point na tama ka, pro may point din ako na di tama na nabasa, like tulungan kunin ung pera? pag kaka alam ko, ndi nyo na pera ung ibabalik sau kasi bank crupt na ung bank nyo kya nagsara do meaning wala ng pera dun, nanjan ung pdic para ibigay ung pera na naka insured senyo, take note sa dami ng nagsasarang bank every year, marami din sila pina process, ndi nyo lang bank, at ilan lang ang nag pa proces sa thousands accounts... wala naman ako kinakampihan, pro kung gusto mo mabilisan at galit na galit ka na, try mo dumeretso sa main office nila sa ayala dun mo kalampagin haha

morrismo

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 76
  • Karma 1
  • Gender: Male
  • Your Favorite Spy
Re: PDIC Scam
« Reply #2 on: August 30, 2011, 01:18:54 pm »
Kung ang pera mo sa bank ay 500K pababa makukuha mo pa yan dahil insured yan... Kung mas mataas sorry ka nalang pero yung 500K makukuha mo pa yun kelangan mo lang makipagugnayan sa mga opisyal ng PDIC...