Need Help? Contact the Espiya Helpdesk. CLICK HERE


Author Topic: NBI Raid sa Apartment  (Read 6593 times)

d0ma85

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 34
  • Karma 0
  • Gender: Male
NBI Raid sa Apartment
« on: March 11, 2011, 02:05:27 pm »
Guys hindi ko kasi alam kung kanino ako magsusumbong, i'll try to state as many facts as i can recall:

-At around 4am may mga sasakyan na pumarada sa harap ng apartment ng tita ko,katabi ng bahay namin, madami silang sasakyan, na-occupy nila ang street na isang barangay road lang

-Mga naka uniform sila at nakalagay lang sa left chest NBI pero wala mga names

-NBI Cavite daw sila

-Sumugod sila sa apartment at inisa-isa ang mga unit sa second floor, may pinakitang arrest warrant para sa isang nagngangalang Marilyn Manalo

-Pinadapa at ginapos ang ibang mga boarders habang hinahanap ung mga nakaspecify na items sa warrant, pero di ko pa nababasa ang warrant, ill try to get a copy ASAP

-Kinuha mga wallet ng boarders, isinoli naman, yun nga lang may nawalan ng pera

-yung nakatira sa isang unit kinuha daw ang kanyang hunting knife at lighter na may concealed knife, hindi na naisoli

-may nawalan ng cell phone, pero nung nagreklamo sya sa nangraid, tinanong naman sya ng taga NBI kung magkano yung cellphone at binayaran sya, kasi di na makita nung hinanap nila

-Although same village ung address sa warrant, mali ung house number pero sige pa rin ang raid nila kahit kitang-kita ang house number na nakalagay sa gate.

-Nung natapos ang raid basta nalang sila umalis, walang naaresto.

-Hindi kasi nakuha ng kapatid ko ang plate number ng mga sasakyan, nasa work kasi ako nang mangyari yun

Just wanted to ask if ganito ba sadya ang operation nila at kung may nabreak ba silang law.  ::investigate
And I will strike down upon thee with great vengeance and furious anger those who attempt to poison and destroy my brothers. And you will know I am the Lord when I lay my vengeance upon you.

-Ezekiel 25:17 as stated in Pulp Fiction

thechosen1

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 455
  • Karma 0
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #1 on: March 11, 2011, 02:41:26 pm »
d ka pwedeng igapos.. search warrant lang until may mahanp sil tsaka ka pwedeng igapos kung viable and evidence. igoogle mo about sa law sa pinas

chiphazard

  • Mature (18+)
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 127
  • Karma 1
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #2 on: March 11, 2011, 02:42:09 pm »
meron din bang search warrant?

hiddenfiles

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1175
  • Karma 12
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #3 on: March 11, 2011, 03:13:14 pm »
pare para safe daling mo sa abs-cbn, at kay tulfo. tpos lipat na kayo ng bahay.. sigurado mga loloko loko yun

thechosen1

  • Active - Three Stars
  • ***
  • Posts: 455
  • Karma 0
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #4 on: March 11, 2011, 03:40:28 pm »
arrest warrant para sa isang tao. hinde naman kayo ang nakapangalan sa arrest warrant dba? and sabi mo nga, mali pa nag no. ng bahay. so maling mali na sila dun palang.

popoydulas

  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 57
  • Karma 1
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #5 on: March 11, 2011, 06:07:26 pm »
When a warrant is served, kailangan, nandun ang may-ari ng bahay or kung wala ito, dalawang testigo mula sa barangay. In short barangay captain o tanod. Hindi ka pwedeng i-gapos by serving the warrant, lalo na kung hindi ka naman nanglalaban dahil ito'y isang krimen: excessive execution of the warrant.

Ingat.

marteniko

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 2460
  • Karma 13
  • Gender: Male
  • THE SEXIEST MAN ALIVE
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #6 on: March 11, 2011, 06:57:03 pm »
d ka pwedeng igapos.. search warrant lang until may mahanp sil tsaka ka pwedeng igapos kung viable and evidence. igoogle mo about sa law sa pinas

IGINAPOS NA NGA E, anong sasabihin mong hindi pwede aber? HAHABA YANG TOPIC NA ITO KUNG GANYANG KLASE NG SAGOT ANG MAKUKUHA ng TS. E kung SABIHIN KONG HINDI SILA PWEDENG KUMUHA NG WALLET AT CELLPHONE? Hehehe. Nagtatanong sya,sagutin mo ng praktikal.  8)

TS, all you need is to file a complaint kung handa kang lumaban and seek assistance from media personality or kahit columnist sa dyaryo.
I only stop wiping when i barely see the brown line....

http://i45.tinypic.com/24ffx29.gif

g_spot_stimulator1

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 1674
  • Karma 29
  • Gender: Male
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #7 on: March 11, 2011, 07:19:32 pm »
ilapit mo sa BITAG ni TULFO bro...

potpotenfriends

  • Active - Two Stars
  • **
  • Posts: 274
  • Karma 1
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #8 on: March 11, 2011, 09:17:55 pm »
una plang mali na sila eh iba pla ung no. ng bahay sa dapat nilang i raid naku hindi ba may na violate sila
human rights tama ba kasi ginapos eh nawalan pa ng gamit ung mga victim tsk tsk mga pulpol

charliehouse

  • James Bond Fans
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 186
  • Karma 9
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #9 on: March 11, 2011, 10:11:14 pm »
meron din bang search warrant?

an arrest warrant also implies a search warrant..

beaverjohn2006

  • 2006 Vanguards
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2899
  • Karma 187
  • Gender: Male
  • CIA
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #10 on: March 11, 2011, 10:45:07 pm »
TS, dami ko friend taga nbi, sinabi ko yan sa kanila... di ko nalang imention kung saan place nila....
sabi nila mali yang ginawa nila once mag search ang nbi o pulis sa isang bahay o lugar, may right sila na padapain kayo. but wala silang right na gapusin kayo before that ipapabasa muna nila sa inyo yung search warrant issued and order by the judge... about sa mga identification naman may right sila tingnan yung wallet niyo infornt of you... pero wala silang right na kunin nila yun.

kaya makikita mo sa mga actual raid ng nbi manila with abs, gma, o tulfo. pag magkuha sila ng identification ID at maghanap sa wallet diba nakikita mo na infornt of suspek pa. right?

yung mga cp naman wala silang right diyan; sa ginawa nila puwede yan sila ireklamo 1st sa baranggay. nakipag coordinate ba yan sila before raid? second, punta kayo ng media para madungisan ang pangalan ng nbi cavite, third sa napolcom reklamo niyo sila...
 ;) ;) ;)

bror

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Two Stars
  • *
  • Posts: 105
  • Karma 0
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #11 on: March 12, 2011, 04:39:02 am »
file a complaint with the DOJ. kasi under nila ang NBI at hindi ng NAPOLCOM! saka wag nating isama taga media, wag nating gawing maimpluwensya ang media.

Asiong Salonga

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 696
  • Karma 5
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #12 on: March 12, 2011, 05:46:09 am »
an arrest warrant also implies a search warrant..

kelan pa ngaing ganun yun?

d0ma85

  • 2009 Cavaliers
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 34
  • Karma 0
  • Gender: Male
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #13 on: March 12, 2011, 06:51:24 am »
Thanks mga ka-espiya, well nakausap na ng parents ko yung mga boarders, pero sila mismo parang hindi na rin interested magfile ng complaint although ineencourage sila magfile kasi mali talaga yung mga taga NBI, parang ayaw nalang nilang mahassle...

TS, dami ko friend taga nbi, sinabi ko yan sa kanila... di ko nalang imention kung saan place nila....
sabi nila mali yang ginawa nila once mag search ang nbi o pulis sa isang bahay o lugar, may right sila na padapain kayo. but wala silang right na gapusin kayo before that ipapabasa muna nila sa inyo yung search warrant issued and order by the judge... about sa mga identification naman may right sila tingnan yung wallet niyo infornt of you... pero wala silang right na kunin nila yun.

kaya makikita mo sa mga actual raid ng nbi manila with abs, gma, o tulfo. pag magkuha sila ng identification ID at maghanap sa wallet diba nakikita mo na infornt of suspek pa. right?

yung mga cp naman wala silang right diyan; sa ginawa nila puwede yan sila ireklamo 1st sa baranggay. nakipag coordinate ba yan sila before raid? second, punta kayo ng media para madungisan ang pangalan ng nbi cavite, third sa napolcom reklamo niyo sila...
 ;) ;) ;)

-nabasa ko yung warrant pero ang nakaspecify lang na items ay mga baril at ammunition; pero meron palang isang boarder na kinuhanan ng atm, license at cellphone na hindi naisauli, hindi lang sya agad nagsabi sa amin, kaya ineencourage namin magpa blotter kasi baka gamitin sa kung anu-ano ang documents at cell phone nya; I'll upload a copy of the warrant pag nagka access ako sa scanner... I'm concerned lang sa pwede nilang pag gamitan ng documents at cellphone...

IGINAPOS NA NGA E, anong sasabihin mong hindi pwede aber? HAHABA YANG TOPIC NA ITO KUNG GANYANG KLASE NG SAGOT ANG MAKUKUHA ng TS. E kung SABIHIN KONG HINDI SILA PWEDENG KUMUHA NG WALLET AT CELLPHONE? Hehehe. Nagtatanong sya,sagutin mo ng praktikal.  8)

TS, all you need is to file a complaint kung handa kang lumaban and seek assistance from media personality or kahit columnist sa dyaryo.

-well pinayuhan nalang namin sila na magfile ng complaint, so nasa mga boarders na ang choice if magtutuloy sila kasi sila ang naagrabyado, i hope nalang naman na may mangyari sa complaint nila if ever...

Additional Facts:

-may nagdala ng video cam na may sticker ng TV10, so sinuggest ko kina mama na mag tanong sa TV10 if may sinamahan silang raid

-may operation din pala sila sa ibang place pero same barangay, at dun may nahuli daw sabi ng mga kapitbahay ko

-hindi daw coordinated ang raid sa aming pangulo ng barangay, pero may pinirmahan sya na documents after ng raid na nagcoconfirm na may ginawang operation ang NBI

     The thing about this is pwede mangyari kahit kanino, tapos they're supposed to be protecting us e nangyayari may nang-aabuso sa kanila...

Sa lahat na nagbibigay ng input... thanks thanks thanks!
   
And I will strike down upon thee with great vengeance and furious anger those who attempt to poison and destroy my brothers. And you will know I am the Lord when I lay my vengeance upon you.

-Ezekiel 25:17 as stated in Pulp Fiction

HEIDERN

  • 2009 Cavaliers
  • Active - Top Level
  • *
  • Posts: 2357
  • Karma 11
  • Gender: Male
  • BITAG X-TREME
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #14 on: March 13, 2011, 08:24:57 pm »
ilapit nyo kay idol ben tulfo.....im sure lagi yan tatalakayin sa programa nya sa untv ;D ;D ;D

nmarc2001

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 998
  • Karma 1
  • Gender: Male
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #15 on: March 13, 2011, 08:39:22 pm »
d ka pwedeng igapos.. search warrant lang until may mahanp sil tsaka ka pwedeng igapos kung viable and evidence. igoogle mo about sa law sa pinas


nakakatawa at kung may nakita mang evidence dapat posasano hulihin wag gapusin

wewayoweste

  • wewayoweste
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 60
  • Karma 0
  • Gender: Male
    • Pozycjonowanie entrancement artistic borough
Pozycjonowanie pull original burg
« Reply #16 on: October 05, 2011, 03:25:17 pm »

wewayoweste

  • wewayoweste
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 60
  • Karma 0
  • Gender: Male
    • Pozycjonowanie entrancement artistic borough
Pozycjonowanie entrancement native burg
« Reply #17 on: October 05, 2011, 03:29:00 pm »

wewayoweste

  • wewayoweste
  • Active - First Star
  • *
  • Posts: 60
  • Karma 0
  • Gender: Male
    • Pozycjonowanie entrancement artistic borough
Pozycjonowanie attractiveness na‹ve burg
« Reply #18 on: October 05, 2011, 04:01:07 pm »

batman217

  • Active - Top Level
  • ***
  • Posts: 1596
  • Karma 22
Re: NBI Raid sa Apartment
« Reply #19 on: October 05, 2011, 04:35:15 pm »
pozycjonowanie
kakabadtrip itong sinunsundan ko, dapat ito ang ini-NBI eh. gun::
'What if I'm not the hero, what if I'm the bad guy'