Mga peeps.... member po ako ng isang motorcycle group.... share ko lang po sa inyo mga experiences namin.
1. Sa Shaw Blvd, madaming gumagala na towing trucks.... bubuhatin po nila motor mo kahit nakapark ka sa tamang parking ng motor... pag nahuli mo sa akto na binubuhat motor mo... sasabihin lang sa yo na me nagreklamo kasi na stolen daw motor mo so ibabalik lang sa yo na parang wala lang... pero pag di mo nakita.... wala ka ng motor. Mabilis nilang nagagawa to... less than half a minute... natangay na nila yung motor.
2. Ingat po kayo sa C5, Kalayaan avenue, Roxas Blvd at Araneta Ave... lima po sa kasama ko naagawan na ng motor dito. Modus nila... habang nag di-drive ka... sasabayan ka ng dalawang lalaki na magkaangkas... or dalawang motor isa me angkas.... papakita sa yo na me baril sila tapos sasabihin na itabi mo at me violation ka. Iisipin mo na pulis ang mga to pero sa oras na tumabi ka... kukunin na nila motor mo.
3. Usong uso din po ngayon ang snatchers na naka motor. Siguro matagal na po to pero hanggang ngayon madami pa din. Madalas po dalawang lalaki ang gumagawa nito... yung naka angkas ang hahablot sa bag mo o bag ng kasama mo. Ako po mismo ay na-snatchan last November lang... mabagal pa nga yung motor at winawagayway pa yung bag ng asawa ko habang papalayo sila sa min na para bang nangaasar pa.
.... Payo lang po... kung sa inyo mangyayari to... wag na lang kayong pumalag lalo na kung me baril at sigurado kong ... tutuluyan po kayo nitong mga to.... ang pinakamaganda lang po talagang gawin eh magingat na lang...