eto lang ang masasabi ko na, IN FAIRNESS to abs-cbn and kay willie..
kung kayo may ari ng isang tv station na nag hohost ng isang game show na nagkeclaim na makakapagbigay ng more than 2 million per show, tingin nyo, kung araw araw nga kayo namigay ng 2 million, di pa ba kayo nalugi?
contingency measure lang yan. hindi daya ang tingin ko dyan eh. pagpili lang ng tamang oras. bakit naman dadayain yung contestant? bakit, sino ba yung contestant para dayain ng isang higanteng tv station? hindi daya yun, mga ka espiya. syempre inaayos lang yung daloy ng mga papremyo. hindi pwedeng araw araw mamimigay ka ng jeep, trike, house and lot, at 2 million. yang dalawang numero na yan eh para maregulate nila ang papremyo. wala silang pakialam kung sino man ang contestant na makasali, basta ang importante eh nakakapagbigay sila ng papremyo sa TAMANG ORAS. sabihin na nating swertihan na lang sa parte ng contestant, kontrolado naman sa parte ng station. ganun lang.
pero syempre dapat ibahin na lang nila format ng laro na yun. kung kelangan iregulate ang premyo, marami naman paraan eh. pwede sila gumawa ng pot system, na kung saan eh talagang game of chance ang laro, hindi ganun kalaki ang premyo sa simula. pag di nanalo ang contestant, dadagdag sa current pot hanggang sa umabot sya sa 2m. pwede ganun, parang sistema ng lotto para malinis at transparent talaga. sana maisip nila yun.
kung tutuusin nga, mas maloko ang eat bulaga eh. obvious namang scripted yung mga contests nila at halatang hired ang mga contestants. sinong hindi magtatatalon pag nanalo ka ng 100k? yung mga contestants ng EB no reaction sa mga mukha. at sa konti ng sponsors ng EB, niwala ka na nakakapagbigay sila ng ganung premyo na hindi naman sila pinoproduce ng GMA? may sariling production company ang EB, pag aari ni bossing vic. ang kita nila nakukuha nila sa kokonting sponsors nila tuwing tanghali. ginagastos nila yun sa mga napakatataas na talent fees ng cast ng EB, at syempre sa set mismo. kakayanin ba nila makapagbigay ng ganung papremyo? mas madalas pa ko makakita ng 'winner' sa EB kesa sa wowowee eh, samantalang obvious na sa wowowee na mas marami silang sponsors at produced mismo ng station.